TOR’s POV Maiintindihan naman nila kung late kami. Pwede ko naman idahilan na nakatulog kami dahil sa pagod. Kaya lang ay nagsimba at kumain lang pala kami sa labas. Sa ibang bagay pala kami napagod at umulit pa bago pumunta rito. Pagbaba namin ng sasakyan ay hinubad ko ang aking coat. “Hon, isuot mo ang coat ko,” sambit ko rito. Hindi naman siya umangal. Alam na niya siguro ang ibig kong sabihin. “Hon, hindi mo kailangan magselos o ma-insecure. Sayong sa’yo lang ako. At saka natural lang naman na tingnan tayo dahil may mata sila. Pero dahil birthday ng aking gwapong asawa ay isusuot ko po ang iyong coat. And reminder lang po, maraming bisita. Kung may problema ka, sasabihin mo sa akin. Huwag basta basta magagalit.” Malayo pa lang ay kita na ang mga pamilyar na mukha ng mga kaibig

