TOR’s POV Maaga pa lang ay ready na ang lahat. Hindi na rin kami nag-breakfast at mag-pi-picnic daw kami sa UP. Pwede naman iyon. Halatang gustong gusto nga ng mga kapatid ko. Tama lang pala na isinama namin sila. Nahiya ako kay Cha dahil ako ang Kuya, ako pa ang hindi naka-alala sa mga ito. Pati si Ate Yolly ay isinama rin namin. Lagi na kasi siyang dumadaing na sumasakit na ang mga tuhod niya. Hindi na maikakaila na tumatanda na rin si Ate Yolly. Ilang taon na si Daddy, at siya mas matanda pa rito. “Pagdating naman natin sa UP, pwede naman magkanya-kanya na lang tayo. Pwedeng kaming tatlo at kayong lover’s of Quezon ang magkakasama. Syempre, ayaw naman makasira ng moment. Ang gusto lang namin ay lagi kayong happy na dalawa. Sulitin natin ang weekend dahil sigurado na pagdating ng M

