CHA's POV Nagulat sa pagdating ko sina Callie at Cassie. "Cha, is that you?" parang hindi makapaniwala si Cassie na nakita niya ako rito. "Nagulat ba kàyo? Nagyaya kasi si Tor na mag-jogging bukas kaya napapayag niya ako na pumunta na rito ngayon. Sama kayo bukas. Mas marami mas masaya," wika ko pa sa kanila. "Papayag ba si Kuya na kasama kami? Baka para sa inyong dalawa lang ang lakad na iyan," tiningnan ko si Tor kung ano ang magiging reaction nito sa sinabi ni Cassie. "Kasama sila sa planong jogging di ba, hon?" lumapit na ito sa akin. "Oo kasama sila pero kung ayaw nila, huwag natin pilitin." Inirapan ko ito, parang sa tono niya ayaw niyang isama yung dalawa. "Gusto ko kasama yung dalawa. Kung hindi sila sasama, hindi na rin ako sasama." Napaisip bigla si Tor. "Sumama

