TOR’s POV Gigil na talaga ako sa kasama ni Cha dito sa library. Kahit pa sabihin na isa ang pamilya nila sa share holders nitong school wala akong paki-alam sa kanya. Dapat matuto siyang rumespeto sa babaeng may boyfriend na. Nakikita ko naman na hindi siya kinakausap ni Cha. Ito lang ang lapit nang lapit sa girlfriend ko. Kung makatingin siya kay Cha ay kakaiba. Hindi siya paghanga kundi pagnanasa kahit na balot na balot naman ang girlfriend ko. Kaya nung may sinabi ang babaeng lumalapit sa akin tungkol sa pananamit ni Cha, wala akong pakialam kung parang manang ito sa paningin niya dahil balot na balot si Cha. Hindi tulad niya na naka-display ang dibdib na tila pinag-aalukan sa mga nakakasalubong. Kakaiba rin ito dahil ilang beses ko na siyang sinusupla pero heto at lapit pa rin na

