CHA’s POV Seloso talaga si Tor at ito ang pinag-ugatan nang hiwalayan namin noong bata pa kami. At ngayon na sinabi niya sa akin na nagseselos siya kay Brent, matinding pag-iwas na ang ginagawa ko rito. Sa tuwing kinakausap ako nito sinasaway ko kung hindi naman tungkol sa trabaho namin rito. Kung tungkol sa trabaho, sumasagot naman ako. Pero iniwasan ko na makipag-usap ng tungkol sa mga personal na bagay at mas lalong iniwasan kong makipag-tawanan sa kanya. Hindi ko gagawin ang mga bagay na magpapaselos kay Tor na pwede nitong ika-tampo. Ito man lang ang kapalit sa mga sinabi kong bawal na gawin namin. Break na kaya lumabas na si Tor. Palabas na rin ako nang bigla akong kausapin ni Brent. “Cha, pwede bang sumabay sa pagkain? Wala kasi akong makakasama.” Tiningnan ko ito at saka ko

