Nakapasok na sa klase niya si Cha. Late na nga siya dahil naantala nang pag-uusap naming dalawa. Dapat magtiwala ako sa kanya. Alam ko naman na mahal niya ako at hindi niya gagawin na saktan niya ako. Sa dami nang pinagdaanan namin ay hindi nagbago ang pagtingin niya sa akin kahit na nagkaroon siya ng kasintahan sa katauhan ni Mark. Noon pa man, sinabi na niya na gusto niya si Mark at sinubukang mahalin pero hindi niya magawang lokohin ang kanyang sarili dahil ako pa rin ang isinisigaw ng puso niya. Saksi ang mga kapatid ko sa mga nangyari sa amin at alam din nila ang mga nararamdaman namin ni Cha. Ngayon na naging kami, dapat mahaba ang pang-unawa ko. Maganda ang girlfriend ko at kapag nakilala pa ang kanyang pag-uugali ay walang lalaki na hindi hahanga sa kanya. Kaya nga kahit in

