Chapter 8
"Ate Silas, ayos ka lang ba?" kunot noo tanong ni Yuan.
Ilang araw na napapansin ni Yuan ang minsan pagkatulala ng kanyang nakakatandang kapatid na si Ate Sila niya. May mga pagkakataon na kapag kinakausap nila ito ay isang simpleng tango lang ang tinutugon nito sa kanila.
Hindi lang naman si Yuan ang nakakapansin sa pagkatamlay ng kanyang Ate Silas kundi lahat sila. Lalo na ang kanilang ina na si Krisna na sobrang nag-aalala ito kay Ate Silas.
Nandito sila ngayon sa may sala kung saan tinuturuan sila sana ng kanyang Ate Silas sa mga assignment nila ng kanilang bunsong kapatid na si Chan-Chan. Ngunit imbes na tulungan sila ng kanyang Ate Silas ay nakatulala na naman ito.
"Ah? Ok lang naman ako. Siguro ay pagod lang ako sa trabaho. Hmm… Puwede bang bukas ko na lang kayo turuan. Wala naman kayo pasok bukas 'di ba?" pilit na ngiting sabi ni Silas.
Nagpaalam na muna si Silas sa kanyang mga kapatid at pumasok na siya sa kanilang kuwarto. Sa totoo lang ay pagod at inaantok siya ngayon. Masyado na naman siyang abala sa trabaho.
Sa pagpasok sa kuwarto ay isang malalim ba buntong hininga ang pinakawalan ni Silas. Alam niyang nag-aalala at napapansin nang pamilya niya ang pagiging matamlay niya. Hindi lang ang kanyang pamilya ang nakakapansin kundi pati na rin ang mga katrabaho niya.
Sa pag-upo ni Silas sa gilid ng kama ay bigla na lang bumuhos ang luha niya sa kanyang mga mata. Luhang matagal na niyang tinitiis na wag palabasan dahil ayaw na niya masyado pang mag-alala ang kanyang pamilya.
Ilang buwan na rin matapos silang pumunta sa beach resort. Ilang buwan na rin matapos niyang makausap si Harold na dating karelasyon niya.
Sa pag-uwi nila resort ay naghintay na muna si Silas ng ilang araw bago niya puntahan si Harold sa inuupahan na apartment nito. Gusto niya muna niyang ikondisyon ang kanyang sarili dahil ayaw naman niyang pabigla-bigla na lang kakausapin ang kanyang dating kasintahan.
Mahal ni Silas si Harold ngunit sa tatlong araw niyang pamamalagi sa beach resort ay mga hindi inaasahan na pangyayari ang nangyari sa kanya roon.
Lumipas ang ilang araw mula sa pagbalik nila sa bahay nila ay sinupresa ni Silas ang kanyang dating kasintahan na si Harold. Kakauwi lang niya galing sa trabaho at bumili pa siya ng cake para sa peace offering na hindi naman kailangan pero bumili pa rin siya.
Sa pagdating ng magandang dilag na si Silas sa apartment ng kanyang dating kasintahan ay napansin niyang may nag-iinuman sa loob ng apartment nito. Napangiti pa siya dahil agad niyang nakilala ang mga ito. Mga katrabaho ni Harold ang nag-iinuman sa loob ng apartment nito.
Tinanong ni Silas kung saan si Harold at sinabi naman agad ng mga katropa nito ay nasa kuwarto ito. Napakunot noo na lang siya ng mapansin nagbubulungan ang mga ito ngunit hindi na lang ito pinansin.
Inilagay na muna ni Silas ang kanyang dalang cake sa may kusina. Napakunot noo na naman siya ng mapansin sobrang kalat sa kusina nito. Nagkalat ang mga basyo ng mga bote ng alak at mga pinaghugasang plato sa lababo.
Sa tagal nilang magkarelasyon ay sobrang linis ni Harold sa apartment nito. Pinapagalitan pa nga siya nito kapag meron siyang naiiwan na balat ng candy sa may ilalim ng sofa.
Inaasar nga ni Silas noon ang dating niyang kasintahan na si Harold na masyado itong malesan. Agad naman sasagot ito na gusto niya ay malinis ang apartment nito para kapag nagsama raw silang dalawa ay marunong itong maglinis ng bahay.
Napakababaw para sa iba ang sinasabi ni Harold kay Silas. Ngunit para sa kanya ay masyadong malaking bagay na iyon. Maipagmamalaki pa nga niya ang dati niyang kasintahan sa kanyang ina na daig pa siya kung maglinis ng bahay.
Naisipan ni Silas na mamaya pagkatapos niyang kausapin si Harold ay maglililinis siya sa may kusina. Sigurado naman siyang magiging maayos ang pag-uusap nilang dalawa.
Hindi na nag-abala pang kumatok si Silas sa pintuan ng kuwarto ni Harold dahil kilala naman siya nito at hindi naman siya ibang tao. Dahan-dahan niyanh binuksan ang pintuan ng kuwarto. Sa tuluyan na pagbukas nito ng pintuan ay parang nanlamig ang buong katawan niya sa kanyang nakita sa loob ng kuwarto.
Nakahiga si Harold sa ibabaw ng kama na walanh saplot habang kitang-kita niya kung paano nagtataas baba ang isang babae sa harapan nito. Rinig na rinig din niya ang pinaghalong unggol ng dalawa na para sa kanya ay isa iyon pangit na kanta.
Nakita ni Silas na napatingin sa kanya si Harold at kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Tulad niya ay nagulat din siguro ito na makita siyang nakatayo sa harapan ng pintuan ng kuwarto nito.
Hindi na niya hinintay pang makalapit sa kanya si Harold at mabilis ang bawat hakbang niya papalabas ng apartment nito. Habang papalayo siya sa lugar na iyon ay isang mapait na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi.
Parang isang eksena sa isang teleserye ang nangyari sa kanya. Akala niya ay hindi totoo ang mga napapanuod niya sa mga teleserye ngunit sabi nga nila ang mga teleserye ay salamin sa totoong buhay.
Naalingpungatan si Silas dahil sobrang nilalamig ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung bakit? Sa pagkakaalala niya ay wala naman silang aircon sa kanilang kuwarto at tanging isang maliit na electric fan lang ang meron sila sa kuwarto.
Nararamdaman din ni Silas na parang nanunuyo ang kanyang lalamunan. Kaya naman dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata at nakita niyang nakabukas ang ilaw ng kuwarto nila. Napakunot noo na lang siyang napatingin sa may tabi niya at nakita niya ang kanyang nakakabatang kapatid na si Yuan na mahimbing na natutulog.
Sa pagbangon ni Silas sa kama ay agad niyang naramdaman ang sakit at pagbigat ng kanyang katawan. Pakiramdam niya ay parang magkakasakit siya.
Napatingin si Silas sa kanyang cellphone at tinignan niya kung anong oras. Napailing na lang siya sa pagbukas ng cellphone niya ay nakita niya ang daming text messages at missed na naman ni Harold.
Simulang makita ni Silas ang isang hindi magandang eksena sa loob ng kuwarto ng kanyang dating kasintahan ay hindi na niya pinansin o kinausap pa si Harold. Kahit na walang araw yatang hindi nagpapadala ito ng text at tumatawag ay hindi na talaga niya ito pinapansin.
May mga pagkakataon na pumupunta pa ito sa bahay niya para raw magpaliwanag ngunit ayaw na ni Silas. Aaminin niya na mahal pa niya ang kanyang dating kasintahan. Ngunit sa nasaksihan niya ay labis siyang nasaktan.
Tuluyan na tumayo si Silas at pumunta na siya sa may kusina para uminom. Napapansin niya na madalas na siyang umiinom tuwing naalingpungatan siya.
Dati ay hindi naman siya mahilig uminom ng tubig may pagkakataon na nilalagyan pa niya ng asin ang kanyang iniinom na tubig. Para kasi hindi sapat ang ordinaryong tubig ang iniinom niya.
Sa pagkuha ni Silas ng inumin ay nilagyan na rin niya ito ng rock salt ang kanyang inumin at hinalo niya ito sa pamamagitan ng kutsara.
Sa pag-inum ng magandang dilag na si Silas sa isang basong tubig naay asin ay para bang napawi ang uhaw niya. Hindi na nanunuyo ang kanyang nalalamunan.
Sobrang naninibago si Silas sa kanyang sarili dahil lagi na siyang umiinom ng tubig na may asin. Isa pa sa napapansin niya ay lagi niyang napapaginipan ang dagat.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Silas. Pumunta na ulit siya sa kanilang kuwarto para na rin makapagpahinga na rin siya.
Kinabukasan ay pumasok na si Silas sa kanyang trabaho. Kahit na mabigat ang buong katawan niya ay kailangan niyang pumasok dahil hindi siya puwedeng mag-absent ngayon. Wala naman siyang kapalitan tsaka hindi siya nakapagpaalam sa boss niya.
"Silas, anak hetong tumbler. Dalhin mo na ito para may lalagyanan kang inumin," ngiting sabi Krisna.
Napansin kasi ni Krisna na laging umiinom ang kanyang panganay na anak na si Silas. Meron pa naman siyang sobrang pera kaya naman bumili na siya ng isang tumbler para sa kanyang anak.
"Ina salamat po rito. Sige na po alis na po ako. Doon na lang po ako kakain ng almusal," ngiting sabi ni Silas.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Silas sa kanyang ina. Ayaw na niya sabihin pa sa kanyang ina kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon. Pakiramdam niya ay kaya naman niyang dalhin ang kanyang problema ngayon.
"Silas, anak kung ano mang iyang pinadaraanan mo ay nandito lang ako, kami ng mga kapatid mo," ngiting sabi ni Krisna.
Ramdam naman ni Krisna na may pinagdadaanan na naman ang kanyang panganay na anak na si Silas.
Nagugulat na lang si Krisna ng bigla na lang pumupunta si Harold sa bahay at gustong makausap si Silas. Pinapatuloy naman niya ito sa loob dahil hindi naman iba ito sa pamilya niya ngunit ang nakakapagtaka lang ay hindi ito kinakausap ni Silas.
Sinabihan din siya ng kanyang anak na wag na wag na raw papasukin si Harold sa loob ng bahay at wag na itong kakausapin pa. Tinatanong naman niya sa kanyang anak na si Silas kung ano ang problema ay hindi naman nito sinasagot.
"Salamat po. Sige po una na po ako," ngiting sabi ni Silas.
Sa pagdating ni Silas sa trabaho ay inayos na niya ang kanyang sarili. Sinuklay niyang mabuti ang kanyang mahabang buhok niya at itinali niya ito.
Habang naglalagay si Silas ng make up sa kanyang magandang mukha ay napansin niyang parang tumataba ang kanyang pisngi? Nagtataka siya dahil hindi naman siya pala kain.
Nandito si Silas sa locker room kung saan abala na ang mga katrabaho niya sa paghahanda para sa pagbubukas ng fast food chain na pinagtratrabahuhan nila. Sa pagdating niya kanina ay binati siya ng kanyang mga katrabaho.
"Mam parang tumataba ka yata? Pero infairness Mam Silas, blooming ka ah,"
Napatingin na lang si Silas sa kanyang likuran kung saan nakita niyang nakangiti si Pamela. Si Pamela ay isa sa mga cashier na masasabi niyang isang masipag at tapat na empleyado.
Napangiti na lang si Silas sa sinabi ni Pamela sa kanya. Nagpasalamat na lang siya at pinapatuloy na lang niya ang paglalagay ng make up sa kanyang mukha.
Ilang sandali ay nagsimula na ang trabaho ni Silas. Hanggang matapos na naman ang kanyang buong araw na pagtratrabaho. Sa paghihintay niya ng jeep papunta sa bahay nila ay napaiglad na lang siya ng mapansin niyang may tumabi sa kanya.
Sa patingin ni Silas sa tabi niya ay nanlaki ang mga mata niya kung sino ang tumabi sa kanya. Bumilis agad ang t***k ng kanyang puso at para bang nanghihina ang kanyang tuhod.
Parang mahihimatay naman si Silas ng humarap sa kanya ang lalaking nasa tabi niya. Haba-habang lumipas na mga araw, linggo at naging buwan ay nakita niyang muli ang familiar na asul ng dalawang pares na matang nakatingin sa kanya.
Napalunok na lang si Silas at bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin.