Chapter 7
"Ate Silas, sino iyang kasama mo?" kunot noo ulit tanong ni Yuan.
Nagtataka si Yuan kung bakit hindi masagot ng kanyang Ate Silas ang kanyang tanong? Napatingin siya sa matangkad at mukhang dayuhang lalaking kasama ng kamyang Ate Silas.
Napakunot noo si Yuan ng mapansin na kulay asul ang mata nito at nakangiti itong nakatingin sa kanya. Nakita niyang inilahad nito ang kamay nito sa kanyang harapan at nagpakilala itong si Harish.
"Harish? Ate kilala mo ba siya? Kaibigan mo ba siya?" kunot noo tanong ni Yuan.
Hinawakan pa ni Yuan ang kamay ng kanyang Ate Silas para tignan siya nito dahil nakatulalang nakatingin ito sa matangkad na lalaking si Harish.
"Ah? H-hindi ko siya kaibigan. Tsaka ngayon ko lang siya nakilala," tugon ni Silas.
Inaya na ni Silas ang kanyang nakakabatang kapatid na si Yuan na pumunta na sila sa may beach area para makakain na sila ng tanghalian. Ngunit sa pagtalikod niya sa makisig na lalaking si Harish ay nakiusap na naman ito na samahan itong mamasyal.
Napatingin na lang si Silas sa isang matangkad na lalakinh tumawag sa pangalan na ni Harish. Hindi lang basta-basta ang pagtawag ng lalaking moreno kay Harish may kasama itong paggalang.
"Prinsipe Harish, kailangan na po natin umalis," seryosong sabi ni Naren.
Hindi na makatiis si Naren na maghintay sa ilalim na tinatawag na puno ng mangga. Nag-aalala siya sa kapakanan ng kanyang kaibigan na si Prinsipe Harish baka napano na ito?
Hinanap ni Naren si Harish at natagpuan niya nga ito na may kasamang dalawang tao. Isang babae at isang batang lalaki. Sa paglapit niya sa kinaroroonan ng mga ito ay napansin niyang mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila Prinsipe Harish at ang isang babae.
"Naren, sinabi ko naman sa'yo na maghintay ka roon sa pinag-iwanan ko sa'yo 'di ba. Tsaka mamaya-maya pa tayo aalis," inis na sabi ni Harish.
Nagulat na lang si Harish ng bigla na lang sumulpot si Naren at tinawag pa siya nitong Prinsipe at sobrang magalang pa itong kumausap sa kanya.
Napatingin si Harish kay Silas na nakakunot noo nakatingin sa kanya. Sinabi niya rito na kaibigan niya si Naren. Ipinakilala niya si Naren kay Silas.
"Prinsipe Harish, baka hinahanap na tayo ng mahal na hari," sabi ni Naren.
Matagal-tagal na rin sila ni Naren sa lupa kaya kailangan na nilang bumalik sa ilalim ng dagat. Sa paghahanap niya ay napansin niyang napapatingin ang mga tao sa kanya.
Para bang mapanuri ang tingin ng mga tao sa kanya kaya naman nagiging alerto siya baka sunggaban siya ng mga ito.
"Kainis ka naman Naren, sige na babalik na tayo," inis na sabi ni Harish.
Magpapaalam na sana si Harish kay Silas ng bigla na lang itong umalis na walang paalam sa kanya. Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa kanyang kaibigan na si Naren.
Sinabihan ni Harish ito na sinira nito ang pag-uusap nila ni Silas. Dagdag pa niya na masyadong halata ito kung makipag-usap sa kanya. Sinabihan naman niya ito kanina na wag na wag siya nitong tatawagin na prinsipe.
Naisip ni Harish na siguradong magtataka si Silas sa pag-uusap nila ni Naren. Nagsisisi yata siya na sinama pa niya ang kanyang kaibigan dito sa mundo ng mga tao.
Napapailing na lang si Harish na bumalik sa may dalampasigan at sinabihan niya si Naren na kailangan lang nila pumunta sa may tubig ng dagat para bumalik ang buntot nila.
Meron naisip na paraan si Harish para hindi na siya masundan ni Naren. Sinabihan niya ito na hubarin na nila ang suot nila para hindi sila mahirapan sa pagpapalit anyo ng kanilang paa. Sa pagdating nila sa may dalampasigan ay agad niyang tinulak ang kanyang kaibigan sa tubig dagat at unti-unti ngang bumalik ang buntot nito.
"Prinsipe Harish! Bakit mo ako tinulak?" kunot noo tanong ni Naren.
Nagulat na lang talaga si Naren sa biglang pagtulak sa kanya ng kanyang kaibigan na si Prinsipe Harish. Namangha pa siya dahil sa pagbasa ng kanyang paa sa tubig ng dagat ay unti-unting bumalik ang kanyang buntot.
"Ikaw na muna bumalik sa kaharian. Mamaya-maya pa ako babalik sa kaharian. Wag kang mag-alala kaya ko ang aking sarili," ngising sabi ni Harish.
Walang pagdadalawang isip ay tumalikod na si Harish sa kanyang kaibigan at bumalik siya kung saan niya nakita si Silas.
Hindi na alintana ni Harish ang pagtawag ni Naren sa kanya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at napangisi siya dahil nakikita lang iyon ginagawa ng mga tao at hindi tulad niyang sireno.
Sa pagbalik ni Harish sa bahay kung saan niya nakita si Silas ay naalala niya na umalis pala ito at pumunta ito sa may beach area. Sa pagkakatanda niya ang beach area na sinasabi ni Silas ay ang dagat o dalampasigan.
Sa pagkakaalam ni Harish na ang salitang beach area ay isa iyong banyagang salita. Napailing na lang siya dahil wala siyang panahon pa para mag-isip nang mag-isip kailangan na niyang hanapin si Silas para makasama niya ito.
Sinundan na lang ni Harish ang mga ibang taong nakikita niya ngayon na papuntang beach area. Isang matamis na ngiti ang ibinibigay niya sa mga babaeng tumitingin sa kanya.
Kahit nakangiti si Harish sa mga tumitingin sa kanya ay hindi niya alam kung ano ang rason ng mga ito kung bakit siya tinitignan.
Sa paglalakad ni Harish ay nakarating nga siya sa dalampasigan kung saan maraming tao na nagtatampisaw sa tubig ng dagat. Meron din siyang nakitang mga taong lumalangoy sa tabing dagat.
Naisip ni Harish na walang tao na nakapunta sa kaharian ng Ekathva dahil na rin sa iyon ang pinakailalim ng karagatan at hindi na kaya ng isang tao na pumunta roon.
Gamit ang mata ni Harish ay tinignan niya ang paligid at nakita niyang may mga maliliit na bahay na tinatawag na cottage ng mga tao.
Sa tagal na pabalik-balik ni Harish sa may dalampasigan ay marami na siyang natututunan sa mga tao. Nasabi nga niya sa kanyang sarili noon na parang tao na siya kulang na lang ay mga paa.
Ngayong may paa na si Harish ay nakakatayo at nakakalakad na siya tulad ng mga tao ay pakiramdam niya ay tao na rin siya.
"Kuya Harish!"
Napatingin si Harish sa isang batang lalaking familiar sa kanya. Agad niyang nakilala ang batang lalaking tumawag sa kanyang pangalan. Itong batang nasa harapan niya ay ang batang kasama ni Silas kanina.
"Bakit?" tanong ni Harish.
"Hinahanap mo ba ang Ate Silas, ko?" ngiting tanong ni Yuan.
Kahit anong pilit na pangungulit ni Yuan sa kanyang nakakatandang kapatid na si Silas na sagutin ang kanyang tanong ay hindi nito sinasagot. Ang tanong lang namam niya ay kung iisa lang ba ang lalaking nakita nito kahapon at ang lalaking nagngangalang Harish?
Malakas ang pakiramdam ni Yuan na ang lalaking nakita ng kanyang Ate Silas kahapon at ang lalaking kausap kanina ng kanyang ate ay iisa. Base na rin sa mga marinig na usapan ni Harish at ang morenong lalaking lumapit sa kanila kanina.
Sobrang nagtataka si Yuan kanina kung bakit tinawag ng morenong lalaki si Harish na Prinsipe Harish. Narinig pa niya na nagbanggit ito ng salita na "mahal na hari".
Sinabi kay Yuan ng kanyang nakakatandang kapatid na si Silas na wag na niyang isipin ang nakita niya kanina. Sinabi pa nito sa kanya na baliw ang dalawang lalaki kanina.
Napatango na lang si Yuan sa mga sinabi ng kanyang Ate Silas. Kahit tumango siya ay interesado pa rin siya kay Harish.
Sa paglalakad ni Yuan ay nakita niyang muli si Harish. Walang pagdadalawang isip na nilapitan ito at tinawag. Agad niyang tinanong dito kung hinahanap ba nito ang kanyang Ate Silas?
"O-oo hinahanap ko nga siya. Nakita mo ba siya?" ngiting tanong ni Harish.
Natuwa si Harish ng makita niyang tumango ang batang lalaki na nagpakilalang Yuan na nakakabatang kapatid pala ni Silas.
"Nasa cottage si Ate Silas, kumakain. Tara puntahan natin siya," masayang sabi ni Yuan.
"Talaga? Sige salamat Yuan," ngiting sabi ni Harish.
Sinundan ni Harish sa paglalakad si Yuan hanggang makarating sila sa sinasabi nitong cottage. Nakita nga niya si Silas na masayang kumakain kasama ang iba pang tao.
"Ate! Ate Silas! Nandito si Kuya Harish, hinahanap ka!" masayang sabi ni Yuan.
Napangiti si Yuan ng makitang nanlaki ang mga ng kanyang Ate Silas. Parang nabilaukan pa ito kung sino ang kanyang kasama ngayon.
"Yuan! Bakit mo kasama ang lalaki iyan?" gulat na tanong ni Silas.
Agad na lumapit si Silas sa kinaroroonan nila Yuan at Harish. Hindi na niya pinansin pa ang mga tanong ng kanyang mga kamag-anak. Sa paglapit niya kina Harish ay agad niyang pinalayo ito sa kanila.
"Silas, wag kang matakot sa akin. Hindi ako masamang t-tao," sabi ni Harish.
Napangiti na lang si Harish sa kanyang sinabi na hindi siya masamang tao. Tao na pala siya ngayon at hindi isang sireno.
"Ate Silas, tama ang sinabi ni Kuya Harish. Nandito lang siya para kausapin ka," ngiting sabi ni Yuan.
"Doon nga tayo. Yuan, wag ka na sumama dahil sandali lang kami," seryosong sabi ni Silas.
Inaya ni Silas ang makisig na lalaki na lumayo sa cottage nila dahil na rin pinagtitiginan sila ng kanyang mga kamag-anak. Sigiradong magtatanong ang mga ito tungkol kay Harish.
Nag-alala bigla si Silas na baka isipin ng mga kamag-anak niya na may lalaki siya. Hindi pa naman alam ng mga ito na hiwalay na siya sa kanyang kasintahan na si Harold.
Nakarating silang dalawa sa medyong malayo sa cottage nila. Tinanong ulit ni Silas kay Harish kung ano ang kailangan nito sa kanya? Sa totoo lang ay hindi na dapat niyang kausapin ito dahil wala naman silang dapat pag-usapan.
"Gusto ko lang naman na samahan mo kong mamasyal dito sa lugar ninyo," ngiting sabi ni Harish.
Hindi talaga maalis ni Harish ang kanyang mata sa magandang mukha ni Silas. Hinawakan pa niya ang kamay nito na agad niyang nadama ang malambot na kamay nito. Ngunit hindi pa nagtatagal ang pagkakahawak sa kamay nito ay agad din nitong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay nito.
"Harish! Ano ba nakakahiya iyang ginagawa mo. T-saka nasaan na ba ang kasama mo kanina. Kala ko ba uuwi na kayo?" kunot noo tanong Silas.
Bigla na lang uminit ang magandang mukha ni Silas ng biglang hawakan ng makisig na lalaki ang kanyang kamay. Parang may mabilis na kuryenteng dumaloy sa kanyang kamay na nagmula sa paghawak ni Harish.
Kaya naman agad na iwinaksi ni Silas ang kamay ni Harish. Napansin niya na marami na napapatingin sa kinaroroonan nila dahil na rin marami ngayon mga tao sa resort na tinutuluyan nila.
"Galit ka ba sa akin? Meron ba ako nagawa na hindi mo nagustuhan?" tanong ni Harish.
Pakiramdam ni Harish ay may tumusok sa kanyang puso dahil sa ginawa ni Silas sa pagkakahawak niya sa kamay nito. Nagtataka siya kung bakit parang galit ito sa kanya?
Iniisip ng makisig na lalaking si Harish kung meron ba siyang nagawa na hindi nagustuhan ng magandang babae na si Silas? Nakita pa niyang umiwas pa ng tingin si Silas sa kanya.
"A-ah? W-wala naman tsaka hindi naman kita kilala," kunot noo sabi ni Silas.
Naisip ni Silas na wala naman ginawang masama si Harish sa kanya para magalit o mainis siya sa makisig na lalaki. Sa totoo lang ay pakiramdam ni Silas ay mabait na tao ang kanyang kaharap na makisig na lalaki.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Silas at nagpaalam na siya kay Harish. Tulad ng dati ay hindi pa siya nakakahakbang papalayo ay hinawakan na naman siya ng makisig na lalaking si Harish.
Sa paglingon ni Silas ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita niyang pagluhod ni Harish sa kanyang harapan. Napalunok na lang siya dahil hindi niya inaasahan na gagawin ito ng makisig na lalaki.
Napatingin si Silas sa mga taong nasigawan sa kilig. Mali yata ang interpretasyon ng mga tao sa ginagawa ni Harish ngayon. Akala siguro ng mga taong nakatingin sa kanya ay kasintahan niya si Harish lalo na nakahawak ito sa kanyang kamay.
"Silas, parang awa mo na. Samahan mo na ako mamasyal sa lugar ninyo. Wala naman kasi ako kakilala rito kundi ikaw lang. Tsaka alam kong mayroon kang isang busilak na kalooban," ngiting sabi ni Harish.
Lumuhod si Harish para mapapayag na niya si Silas na sumama sa kanya. Ilang beses na niyang meron siyang nakitang mga lalaking lumuluhod sa harapan ng isang babae para mapapayag ito sa pakiusap ng mga ito.
Naisipan nga ni Harish na lumuhod sa harapan ni Silas para mapapayag na niya itong samahan siyang mamasyal sa lugar nito.
"S-sige na! Tumayo ka na dyan! Nakakahiya," sabi ni Silas.
Hindi alam ni Silas kung saan niya itatago ang kanyang mukha dahil nahihiya siya sa ginawang pagluhod ni Harish sa kanyang harapan. Naisip niya si Harold na dating kasintahan niya ay ni minsan ay hindi lumuhod sa kanyang harapan.
Hinihila pa ni Silas ang kamay ni Harish para tumayo na ito mula sa pagkakaluhod dahil na rin sa nakakakuha na sila ng atensyon ng maraming tao sa beach area.
Napalingon si Silas sa kanyang likuran dahil may tumawag sa kanyang pangalan. Sa paglingon niya ay nakita niya ang kanyang ina at mga nakakabatang kapatid na sila Mark Dave at Jepoy na nakakunot noo nakatingin sa kanya. Samantalang sila Yuan at Chan-Chan ay nakangiti naman nakatingin sa kanila ni Harish.
Napakunot noo na lang si Silas ng biglang pumalakpak sila Chan-Chan at Yuan. Dahilan para gumaya na rin ang iba pang mga taong nakapaligid sa kanila.
"Salamat Silas, dahil pumayag ka sa alok ko. Ako na yata ang pinakamasayang nilalang ngayon," masayang sabi ni Harish.
Umaapaw ang kasiyahan ni Harish dahil sa wakas ay napapayag na rin niya ang magandang babaeng nasa harapan niya. Sa sobrang galak ay bigla na lang niyang niyakap ito ng mahigpit dahilan para lalong siyang sumaya.
Ito ang unang beses ni Harish na nakayakap siya ng isang tao. Damang-dama niya ang init ng katawan ni Silas na nagbibigay buhay sa kanyang dugo. Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap niya rito at nakangiti siyang nagpasalamat muli kay Silas.
"H-harish… "
Walang masabi si Silas sa pagyakap sa kanya ng makisig na lalaking si Harish. Hindi na naman niya inaasahan ang ginawa sa kanya ni Harish.
Narinig ni Silas ang pagtawag sa kanya ng kanyang ina na si Krisna. Sa paglingon niya muli sa kanyang likuran ay nakita niyang papalapit ito kasama ang apat niyang nakakabatang kapatid.
Napansin ni Silas na umalis na rin ang mga taong nakapalibot sa kanila kanina. Akala talaga ng mga tao ay sinagot niya si Harish. Napapailing na lang siya sa nangyari.
"Silas, sino iyang kasama mo? Tsaka bakit mo siya sinagot? Kala ko ba kakausapin mo si Harold?" kunot noo tanong ni Krisna.
Nagtaka si Krisna ng biglang nilapitan ni Silas ang makisig na lalaking mukhang foreigner. Tinanong agad niya si Yuan kung sino iyong lalaking kasama ng Ate Silas nito?
Napakunot noo na lang si Krisna ng sabihin sa kanya ng kanyang anak na si Yuan na kaibigan iyon ni Silas. Hindi niya alam na may kaibigan pa lang foreigner ang kanyang panganay na anak.
"Ate Silas, hiwalay na kayo ni Kuya Harold?" kunot noo tanong ni Mark Dave.
"Ate masaya ako na natagpuan mo na ang prinsipe mo," natatawang sabi ni Yuan.
"Kaibigan ko lang po si Harish. Tsaka o-oo hiwalay na kami ni Harold, pero kakausapin ko pa rin siya para magbalikan kami," tugon ni Silas.
Napapakamot na lang ng ulo si Silas dahil sa nangyari. Napaliwanag pa siya sa kanyang ina at mga kapatid niya na kaibigan talaga niya si Harish. Sinabi na lang niya na nakasama niya ito sa isa niyang naging trabaho.
Magsasalita pa sana si Harish ng bigla tinakpan ni Silas ang bibig nito para na rin hindi na masira ang kanyang mga sinabi sa kanyang pamilya. Inaya na niya itong umalis na para hindi na ito magsalita ng kung anu-ano.
Sa paglayo nilang dalawa ni Harish ay sinabihan niya ito na manahimik na lang ito. Sinabi pa niya na tutuparin niya ang kanyang sinabi na sasamahan niya itong mamasyal.
"Salamat talaga dahil pumayag kang samahan ako," ngiting sabi ni Harish.
Tinanong pa ni Harish kung bakit nagsinunggaling si Silas sa ina at sa mga kapatid nito?
"Ang dami mo naman tanong. Ang mabuti pa ay ipasyal na kita para matapos na ito. Tsaka para makauwi ka na," sabi ni Silas.
Hindi naman mahihirapan si Silas na ipasyal si Harish sa lugar ng bayan ng San Roque dahil maraming magagandang lugar dito.
Inaya na ni Silas si Harish na maglakad na para makalabas na sila sa beach resort at para na rin makasakay na sila ng jeep.
Muntikan na makalimutan ni Silas na hingan ng pera si Harish at nakita niyang napakunot noo itong nakatingin sa kanya.
"Pera? Anong pera? Walang pera," sabi ni Harish.
Alam ni Harish kung ano ang pera dahil na rin naririnig niya ito sa mga taong nakikita niyang pumupunta sa dalampasigan kung saan siya nagtatago.
"Paani tayo makakaalis kung wala ka naman pera. Ang lakas mo pa naman mag-ayang mamasyal wala ka naman pala pera," inis na sabi ni Silas.
Hindi naman gagastos si Silas para lang sa isang lalaki. Kung kanyang dating kasintahan na si Hard ay hindi siya nito hinahayaan na gumastos kapag lumalabas silang dalawa. Ito pa kayang si Harish na ngayon lang niya nakilala.
Nagtataka lang si Silas kung bakit wala itong pera dahil mukha naman itong mayaman. Maputi ang balat nito lalo na ang mata nito ay asul na foreigner na foreigner ang dating.
"Pasensya ka na Silas, hindi ko alam na kailangan pa pala ng pera para makapamasyal tayo?" pilit na ngiting sabi ni Harish.
Bigla nakaramdam ng kakaiba si Harish na ngayon lang niya naramdaman sa tanang ng buhay niya.
Kahit pala gusto ni Harish na makasama si Silas ay wala siyang pera. Napapaisip siya na kailangan talaga ba ng pera para makasama ang gusto niyang makasama na si Silas?