Mundo 6

3052 Words
Chapter 6 "Kamusta ang pag-uusap ninyo ng mahal na hari?" ngising tanong ni Naren. Kanina pa hinihintay ni Naren ang kanyang matalik na kaibigan na si Prinsipe Harish. Hindi niya maiwasan na kabahan sa magiging resulta ng pag-uusap ng dalawa. Buong araw ay pinapahanap kay Naren ng mahal na hari ang nag-iisang anak nitong si Prinsipe Harish. Kahit na alam niya kung saan pumunta ang kanyang kaibigan ay hindi niya sinabi ito sa mahal na hari. Alam naman ni Naren na nagpupunta sa ibabaw ng dagat si Prinsipe Harish. Minsan na nakita ito na tumatakas papunta sa ibabaw ng dagat. Mahigpit na bilin sa kanilang mga sirena at sireno ng mahal na hari na bawal na bawal silang pumunta sa ibabaw ng dagat. Kung sino man ang mahuling pumupunta sa ibabaw ng karagatan ay mapaparusahan. Iyon ay isang mahigpit na batas na dapat sundin ng bawat isa. "Ayun nasermunan na naman ako ni ama. Dapat daw ay kasama kita o may kasama akong Kanu para may magbantay sa akin," napapailing na sabi ni Harish. Aaminin ni Harish na kinabahan siya ng sabihin ng kanyang kaibigan na si Naren na kanina pa pala siya pinapatawag ng kanyang amang hari. Minsan ay masyadong mahigpit sa kanya ang kanyang amang hari. Bawat kilos at galaw niya ay dapat ay alam nito. Kung saan man siya pumupunta ay dapat may kasama siyang Kanu o kasama niya si Naren. Lumangoy si Harish papalabas sa palasyo ng Ekthava kung saan dito siya nakatira. Naramdaman niyang sinundan siya ng kanyang kaibigan na si Naren. Hanggang makapunta na sila sa isang lugar kung saan silang dalawa lang ang nakakaalam ni Naren. Sa kinalalagyan nilang dalawa ngayon ay puno ng mgagandang halamang dagat at mga bulaklak na makikita lang sa Kaharian ng Ektahava. Malinis anh kapaligiran at nakakapagpahinga si Harish dito. Kapag nandito siya payapa ang kanyang isipan. Napakunot noo na lang si Harish ng mapansin niya sa kanyang beywang ang isang sisidlan na ang nasa loob nito ay ang batong Yantin. Muntikan na niyang makalimutan isauli kay Tushant ang bato. "Prinsipe Harish, wag mong sabihin na pumunta ka sa ibabaw ng karagatan kanina?" seryosong tanong ni Naren. Nakita ni Naren na nakakunot noo napatingin sa kanya si Prinsipe Harish at unti-unti na nga niya nakita ang nakakalokong ngiti sa labi nito. Napapailing na lang siya dahil na kumpirma niya na pumunta na naman ito sa ibabaw ng karagatan. Sinabihan ni Naren ang mahal na Prinsipe Harish na wag na wag na itong pumunta sa ibabaw ng karagatan. Inaalala nito na baka mapahamak o may makakita rito at isumbong ito sa mahal na hari. "Masyado ka naman kinakabahan Naren. Walang mangyayari sa akin masama at tsaka maingat naman ako pumupunta roon. Teka may ipapakita ako sa'yo," ngising sabi ni Harish. Lumangoy si Harish papalapit sa kanyang kaibigan na si Naren at kinuha niya ang batong Yatin sa maliit na sisidlan na nakakabit sa kanyang beywang. At ipinakita nga niya ito kay Naren na nanlaki ang mga mata nito. Pinagmayabang ni Harish na nagpaalam siya kay Tushant na taga bantay ng batong Yatin na kukunin niya ang bato. Sa una ay nagdadalawang isip pa ito na ibigay sa kanya ngunit ginamit niya ang pangalan ng kanyang amang hari para tuluyan mapasakanya ang bato. "Naren, alam mo bang totoo nga ang kapangyarihan ng batong Yantin na ito," ngising sabi ni Harish. Ikinuwento ni Harish kung paano niya ginamit ang batong Yantin na hawak niya ngayon. Sinabi niya na nagkaroon siya ng paa tulad ng mga tao sa ibabaw ng karagatan. Nawala ang kanyang pinaghalong asul at gintong buntot niya at napalitan iyon ng dalawang paa. Bigla na lang naging matamlay si Harish dahil kahit na nagkaroon siya ng paa ay hindi niya ito nagamit. Masyadong nanghihina ang mga paa niya. Akala pa naman niya ay kapag nagkaroon na siya ng paa ay makakalakad na siya agad. "Prinsipe Harish, kailangan mo na ibalik iyan kay Tushant. Baka magtaka iyan kung bakit hindi mo pa ibinabalik sa kanya. Sapat na siguro na nagamit mo na iyan ng isang beses at napatunayan mo nga na totoo ang kapangyarihan ng asul na bato na hawak mo," seryosong sabi Naren. Pinaghalon kaba at takot ang naramdaman ni Naren sa ipinakita ng kanyang kaibigan na si Prinsipe Harish. Hawak nito ang sagradong bato ng kaharian ng Ektahava. Hindi alam ni Naren kung matutuwa ba siya na malaman na totoo nga ang kapangyarihan ng batong yantin. Ayon sa alamat ang batong yantin ay nakakapagbigay daw ito ng paa sa isang sirena o sireno na gagamit nito. Iyon ay isang usap-usapan lang naman. Simulang nagkaisip si Naren ay alam na niyang binabantayan nang isang taga lingkod ng mahal na hari ang asul na bato na iyon. Si Tushant ang taga bantay ng batong yantin. Walang ginawa ito kundi bantayan ang bato. Walang sino man ang makakakuha ng batong yantin kundi ang mahal na hari. Sorbang napabilib naman siya na nakuha ni Prinsipe Harish ang asul na bato. Kukunin na sana ni Naren ang batong yantin sa kamay ng kanyang kaibigan ngunit mabilis itong lumangoy palayo sa kanya. "Nasisiraan ka ba ng bait Naren? Hindi ko pa nga ito maayos na nagamit. Pangako ko sa'yo na ibabalik ko ang batong yantin kapag maayos ko na itong gamitin," ngising sabi ni Harish. Ibabalik naman talaga ni Harish ang batong yantin kay Tushant kapag tapos na niyang gamitin ito. Alam naman niya na hindi habang buhay ay nasa kanya ang bato. Bigla naalala ni Harish ang kanyang nakitang tao kanina. Hindi niya inaasahan na meron makakakita sa kanya. Sobrang kabang-kaba siya na may nakaharap at nakausap siyang isang nilalang sa ibabaw ng karagatan. Tinatawag itong tao at ang may dalawang klaseng tao isang babae at isang lalaki. Ang nakita ni Harish ay isang babae. Isang napakagandang babae na may busilak na kalooban. Gusto man niyang kausapin ito ng matagal ngunit natakot siya sa kanyang kaligtasan na humingi ito ng tulong sa ibang tao. Kaya naman pinilit ni Harish na bumalik sa dalampasigan para magkaroon siya ulit ng buntot at lumangoy pailalim hanggang makabalik siya sa kaharian ng Ekathva. "Prinsipe Harish, hindi maari iyang ninanais mo. Kailangan mo na ibalik ngayon din ang batong yantin kay Tushant. Habang hindi pa alam ng iyong amang hari na nasa sa'yo iyan," seryosong sabi ni Naren. Sobrang nag-aalala talaga si Naren ngayon sa kapakanan ng kanyang matalik na kaibigan na si Prinsipe Harish. Sigurado siya na kapag nalaman ng mahal na hari na kay Prinsipe Harish ang sagradong bato ng kaharian ng Ekathva ay mapaparusahan si Prinsipe Harish. "Sinabi ko naman sa'yo na ibabalik ko rin itong bato. Masyado ka naman nag-aalala Naren. Ang mabuti pa ay samahan mo ko bukas pumunta tayo sa ibabaw ng karagatan," ngising sabi ni Harish. Naisipan ni Harish na para hindi siya hanapin ng kanyang amang hari ay kailangan niyang isama si Naren. Para kunwari ay may nagbabantay sa kanya. Lumagoy ulit papalit si Harish sa kanyang kaibigan na si Naren. Alam naman niya na hindi ito makakatanggi sa kanyang alok. Sinabi naman niya sa kaibigan niya na magugustuha ito magkaroon ng paa kapag nakita na nito kung ano ang nasa ibabaw ng karagatan. Kinabukasan ay napangisi si Harish ng makitang nag-aabang na sa kanya si Naren. May kasama itong dalawa pang Kanu at sinabihan niya ang kanyang kaibigan na hindi na kailangan pa ng karagdagan Kanu para bantayan siya buong maghapon na naman. Lumangoy si Harish papalapit sa kanyang kaibigan at mahina niyang tinanong dito kung pumapayag na ba ito na samahan siya nito sa ibabaw ng karagatan. Napangisi lalo si Prinsipe Harish ng inutusan ni Naren na umalis ang dalawang Kanu na nakasunod sa kanila. Seryosong tumingin ito sa kanya at nakita niyang tumango ito. Ibig sabihin ay pumapayag ito sa kanyang alok. Pagkatapos na kausapin ni Harish ang kanyang amang hari tungkol sa gagawin niya ngayon araw na ito ay lumabas na agad siya sa silid nito. Sinabi pa niya na kasama niya buong maghapon si Naren at nakita niyang naging panatag ito. "Wala talagang tiwala sa akin si ama. Kanina ay sinabi ko na kasama kita ay naging panatag na ito," inis na sabi ni Harish. Sabay na sila ni Naren na lumangoy papunta sa tambayan nila sa likuran ng palasyo. Sinabihan ni Harish ang kanyang kaibigan na si Naren naagpahinga na muna sila bago sila lumangoy sa ibabaw ng karagatan. "Nag-aalala lang ang mahal na hari sa kapakanan mo Prinsipe Harish. Alam mo naman na ikaw ang susunod sa trono. Kapag may nangyaring masama sa'yo ay siguradong babagsak ang kaharian ng Ekathva," seryosong sabi ni Naren. Pinuno si Naren ng mga Kanu kawal ng kaharian ng Ekathva. Alam niya na maraming gustong sumakop sa kaharian nila dahil na rin masagana ang pamumuhay dito. Hindi katulad ng ibang kaharian na sobrang hirap na hirap ang mga nilalang nakatira roon. Kaya naman mahigpit ang mga nagbabantay sa kaharian ng Ekathva. Walang basta-basta nakakapasok o nakakalabas dito. Mula maging pinuno siya ng mga Kanu ay marami na silang nahuling mga masasamang nilalang na gustong makapasok sa kaharian ng Ekathva. Mahigpit na utos ng mahal na hari sa kanya na bantayan niya si Prinsipe Harish dahil nga ito ang susunod sa trono nito. Lahat ng makakaya niya ay ginagawa niya para bantayan at ilayo niya sa kapahamakan ang kanyang kaibigan na si Prinsipe Harish. "Alam ko iyon Naren. Hindi mo na kailangan paulit-ulit na paalala sa akin. Tsaka isasama na nga kita papunta sa ibabaw ng karagatan eh," ngising sabi ni Prinsipe Harish. Natawa na lang si Harish ng sabihin sa kanya ni Naren na kailangan nila magdala ng sandata laban sa mga masasamang nilalang sa ibabaw ng karagatan. Sinabi ni Harish sa kanyang kaibigan na si Harish na hindi naman nila kailangan magdala ng sandata. Kapag nagdala sila ng sandata at may makakita sa kanilang tao ay sigurado siyang matatakot ang mga ito sa kanila. Dagdag pa ni Harish na kailangan lang nilang maging normal ang kilos at gayahin nila angga kinikilos ng tao sa ibabaw ng karagatan. "Prinsipe Harish, eepekto ba sa ating dalawa ang batong yantin?" pag-aalalang tanong ni Naren. Aaminin ni Naren na nasasabik siya na magkaroon ng paa tulad ng mga taong sinasabi ni Prinsipe Harish. Ni minsan ay hindi pa siya nakapunta sa ibabaw ng karagatan dahil na rin mahigpit na pinagbabawal ito ng mahal na hari. "Oo naman tsaka wag kang mag-alala Naren, ako bahala sa'yo," ngising sabi ni Harish. Inaya na ni Harish ang kanyang kaibigan na si Naren na lumangoy na sila papunta sa ibabaw ng karagatan. Hindi nagtagal ay nakarating na nga silang dalawa sa ibabaw ng karagatan. Napatingala si Harish sa ibabaw at nakita niya ang magandang asul na kalangitan. Tinignan niya ang kanyang kaibigan na si Naren na pinagmamasdan ang kalangitan. Natutuwa siya para sa kanyang kaibigan dahil sa wakas ay naipakita na niya ang ibabaw ng mundong kinagagalawan nila. "A-ang ganda! Anong tawag sa nakikita ko?" ngiting sabi ni Naren. Nakatingin si Naren sa ibabaw kung saan meron siyang nakikitang makakapal na parang puting anyo sa ibabae niya. Pinaghalong asul at puti ang nakikita ng kanyang mga mata ngayon. Napatango na lang si Naren ng sabihin sa kanya ng kanyang kaibigan na langit daw ang tawag sa nakikita niya. At ulap naman ang tawag sa makakapal na puti ang nakikita niya. "Pumunta tayo sa malalaking bato sa dalampasigan para walang makakita sa atin," sabi ni Harish. Sa paglangoy nila papunta sa may dalampasigan ay pumuwesto na silang dalawa. Sinabihan niya si Naren na hindi basta-basta na magkakaroon sila ng mga paa. Sinabi niya na masasaktan sila kapag unti-unti naglalaho ang buntot nila. Kinuha ni Prinsipe Harish sa kanyang maliit na sisidlan ang asul na bato na yantin. Dahan-dahan niyang inilagay sa ibabaw ng kanyang buntot ang batong yantin. Muli na naman naramdaman ni Prinsipe Harish ang matutulis na bagay na sumasaksak sa kanyang buntot hanggang magkaroon na siya ng paa. Ibinigay na niya any batong yantin sa kanyang kaibigan na si Naren. Sinabihan ni Harish na wag itong maingay at tiisin nito ang sakit na mararamdaman nito. Sinabihan niya si Naren na ilagay lang nito ang bato sa ibabaw ng buntot nito. "A-ang sakit! Aaahhh!" sabi ni Naren. Hindi akalain ni Naren na sobrang matindi ang mararamdaman niyang sakit sa unti-unting paglaho ng kanyang buntot hanggang tuluyan na nga siya magkaroon ng paa. "Ayan meron tayong paa. Kailangan lang natin matutunan kung paano maglakad tulad ng isang tao," ngiting sabi ni Prinsipe Harish. Sa kabilang banda ay abalang-abala si Silas sa pag-ihaw ng isdang nahuli ng kanyang mga kapatid na sila Mark Dave at Jepoy kanina. Ang inihiwa niya ang ang magiging ulam nilang pamilya. Ito ang ambag nila sa tanghalian nila mamaya. Napatingi si Silas dahil tinutulungan naman siya ng dalawang niyang nakakabatang kapatid na si Yuan at Chan-Chan. Marami-rami din ang nahuling isda ng kanyang dalawang kapatid kaya marami rin silang iihawin ngayon. "Ate Silas, pagkatapos natin kumain ay mag-swimming natayo sa dagat," masayang sabi ni Chan-Chan. "Oo nga Ate Silas, may mo makita mo ulit iyong sireno," ngiting sabi ni Yuan. Naniniwala talaga si Yuan na ang nakita ng kanyang Ate Silas ay isang sireno. Naisip niya na baka nagkaroon ito ng paa at hindi nito alam kung paano gamitin. "Hay naku Yuan. Hindi nga sirena ang nakita ko. Siguro may sakit iyong tao at na-hold up kaya wala itong suot noong nakita ko siya. Tsaka puwede ba kalimutan mo na iyon," kunot noo sabi ni Silas. Napahaplos na lang si Silas sa ibabaw ng ulo ng kanyang kapatid na si Yuan. Natawa na lang siya ng sabihin ni Chan-Chan na hindi totoo ang sirenang pinagsasabi ng Kuya Yuan nito. Nagpatuloy sila sa pag-iihaw hanggang matapos sila. Pagkatapos nilang ayusin sa isnag lalagyanan ang mga naihaw nilang isda ay pumunta na sila sa may beach area kung saan nandoon ang iba pa nilang kamag-anak. Nandoon na rin ang kanyang ina at dalawang kapatid. "Teka lang Yuan at Chan-Chan, mauna na muna kayo roon dahil nakalimutan kong magdala ng towel," sabi ni Silas. Plano pa naman ni Silas na maligo sa dagat ngunit nakalimutan niyang magdala ng towel. Kaya pinauna na muna niya ang dalawang niyang nakakabatang kapatid na si Silas. Bumalik si Silas sa bahay na tinutuluyan nilang pamilya at sa pagpasok niya sa loob ay agad siyang kumuha ng towel. Sa paglabas niya ay nagulat siya at napasigaw dahil sa gulat. Nasa harapan ni Silas ang lalaking nakita niya kahapon. Sa pagkakataon na ito ay nakadamit na ito. Nakasuot ito ng isang puting sando na hapit na hapit sa makisig na katawan nito. Nakasuot din ito ng isang puting basketball short. Napakunot noo si Silas dahil wala itong sapin sa paa. Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa guwapong mukha ng lalaki. Nakangiti itong nakatingin sa kanya habang nakatayo ito sa kanyanh harapan. "Natakot ba kita? Pasensya ka na kung nagulat kita. Naalala mo pa ba ako?" ngiting tanong ni Harish. Nagpapasalamat si Harish na nakakalakad na siya. Tinulungan din niya ang kanyang kaibigan na si Naren na maglakad. Buti pa nga ang kanyang kaibigan ay agad itong nakalakad sa unang pagkakataon na nagkapaa ito. Sinabihan ni Harish ang kanyang kaibigan na si Naren na kailangan nilang maghanap ng maisusuot dahil hindi sila puwedeng maglakad na nakahubad. Hindi normal sa mga tao na may naglalakad na nakahubad. Sa iksi ng panahon ay pinaalam ni Harish sa kanyang ang dpat nitong matutunan sa mundo ng mga tao. Sa ngayon ay iniwan na muna niya ito sa may puno ng mangga at sinabing babalik din ito mamaya-maya. Hinanap ni Prinsipe Harish ang babaeng nakita kahapon. Sa paglalakad niya ay marami siyang nakikitang magagandang bahay. Parang lumulutang siya sa kasiyahan dahil na rin nakakapaglakad na siya. Nagtataka lang si Prinsipe Harish kung bakit napapatingin sa kanya ang mga taong nakakakita sa kanya? Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito patuloy lang siya sa paglalakad hanggang makita na niya ang hinahanap niya. "O-oo naaalala kita. Ikaw ang lalaking nakahubad kahapon na hindi makapaglakad. Teka nga lang totoo bang hindi ka talaga makalakad o pinagloloko mo lang ako?" taas kilay na sabi ni Silas. Agad na sinara ni Silas ang pintuan at medyo lumayo siya kay Harish. Napalunok na langsiya dahil sobrang guwapo talaga nito na para bang may ibang lahi ito. Nakita na naman niya ang asul na mata nito na parang nakikita niya ang asul na karagatan. "Hinanap nga kita makapagpaliwanag ako sa'yo ng maasyos," ngiting sabi ni Harish. Ipinaliwanag ni Harish ang nangyari kahapon at sinabi niyang hindi niya niloloko si Silas. Hindi maintindihan ni Harish kung bakit bumibilis ang t***k ng dibdib niya habang nakatingin siya sa magandang babae na si Silas. "Sige okay na. Aalis na ako," sabi ni Silas. Wala naman alam pang sabihin si Silas sa makisig na lalaking si Harish. Hindi pa siya nakakalayo sa rito ay naramdaman na niya ang paghawak nito sa kanyang kamay. Napakunot noo na lang napatingin si Silas sa makisig na lalaking si Harish. Tinanong pa niya ito kung ano ang kailangan pa nito. Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya lalong isang matamis na ngiti ang ipinakita nito sa kanya. "Puwede mo ba akong ipasyal dito sa lugar ninyo?" ngiting pakiusap na sabi ni Harish. Sa mga naririnig ni Harish sa mga taong nakikita niya ay maganda raw ang mundo ng mga tao. Maraming mga magagandang tanawin at mga lugar dito. Gusto niyang makita ang mga ito at naisipan nga niya na magpasama sa magandang babaeng nasa harapan niya. "Huh? Ipasyal?" kunot noo tanong ni Silas. Sinabihan ni Silas si Harish na bitawan na muna nito ang kanyang kamay. Baka kasi may makakita sa kanila at baka may isipin na iba ang mga ito. "Oo ipasyal mo ko sa mundo ninyo. A-ang ibig kong sabihin ay hindi ko pa kasi napapasyalan ang lugar na ito. Magpapasama sa ako sa'yo," pakiusap na sabi ni Harish. Napatingin si Harish sa biglang tumawag sa magandang babaeng kasama niya. Ngayon lang niya nalaman ang pangalan nito. Isang magandang pangalan pala na Silas. "Ate Silas, sino iyang kasama mo?" kunot noo tanong ni Yuan. Gusto man maligo ni Yuan sa dagat ngunit hindi niya magawa dahil hindi siya marunong lumangoy. Hinihintay nga niya ang kanyang makakatandang kapatid na si Ate Silas para magpasama siyang pumunta sa may dalampasigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD