Mundo 5

2410 Words
Chapter 5 Ang kinatatakutan ni Silas ay dumating na nga. Dumating ang araw na nagsawa na sa kanya si Harold na kasintahan niya. Nakipaghiwalay si Harold sa kanya hindi dahil hindi na siya mahal nito. Kundi nagsawa na ito sa paulit-ulit na pakiusap niya na wag na muna sila magpakasal dahil tinutulungan pa niya ang pamilya niya. Walang nagawa si Silas kundi pakawalan si Harold dahil ayaw naman niyang masakal ito sa kanya. Alam niya na gustong-gusto ng kanyang kasintahan na magkaroon ng sariling pamilya. Si Silas din ay gustong-gusto na rin niyang magkaroon ng sariling pamilya. Ngunit naiisip niya na hindi iyon maari pa sa ngayon dahil nga kapag nagkaroon na siya ng sariling pamilya ay hindi na siya buo financial na supporta sa kanyang pamilya. Naisip ni Silas na makakapagbigay naman siguro siya ng pera sa pamilya niya. Siguradong sigurado siya na hindi iyon magiging sapat dahil marami silang miyembro sa pamilya. Ayaw naman ni Silas na pati si Harold ay supportahan nito ang pamilya niya. Masyadong komplikado ang sitwasyon niya kaya tuluyan na natapos ang relasyon ng kanyang kasintahan. Napayakap na lang si Silas sa kanyang braso dahil hindi sapat ang suot niyang puting tshirt para panlaban sa lamig. Tagos na tagos pa rin sa kanyang suot na tshirt ang malamig na simoy ng hangin. Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa labi ni Silas dahil mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. Pero aaminin niya sa kanyang sarili na nasasakal na siya sa obligasyon niya para sa pamilya niya. Gusto naman ni Silas na makatulong sa pamilya niya ngunit may mga pagkakataon na pagod na siyang magtrabaho. Madalas ay kinakausap niya ang kanyang sarili. Sinasabi ni Silas sa kanyang sarili na siguro ay puwede naman siya magpahinga kahit isang araw lang. Sa isang araw na iyon ay wala siyang iisipin kundi magpahinga. Gusto ni Silas na buong araw siyang matutulog. Kain at tulog lang ang gagawin niya sa isang araw at wala na siyang gagawin iba kundi iyon lang. May mga pagkakataon din na umiiyak siya. Umiiyak siya sa pagod sa responsibilidad na nakapasan sa kanyang balikat bilang isang bread winner sa pamilya niya. Umiiyak din si Silas dahil sa sobrang pagod na pagod na siya kakatrabaho. Mahal na mahal niya ang kanyang pamilya ngunit sa labis na pagmamahal niya rito ay nakakalimutan na niyang mahalin ang kanyang sarili. Hindi na panansin ni Silas na pumapatak na sa kanyang magandang mukha ang kanyang luha. Luha iyon ng kalungkutan para sa kanyang sarili. Hanggang ang tahimik na pag-iyak niya ay naging hagulgol. Naawa na lang si Silas sa kanyang sarili dahil sobra niyang binugbog ito. Binugbig niya ito sa pagtratrabaho. Wala siyang ginawa kundi magtrabaho nang magtrabaho. Gamit ang kanyang kamay ay pinunasan niya ang kanyang luha. Gusto ni Silas ay nanamnamin niya ang pagpunta niya rito sa resort na ito. Tatlong araw din sila mamalagi rito kaya naman sa tatlong araw na iyon ay susulitin niya ito. Muli ay napabuntong hininga na lang si Silas at muli niyang ninamnam niya ang tunog ng hampas ng alon sa dalampasigan. Bata pa lang talaga si Silas ay gustong-gusto na niya ang dagat. Natutuwa siya kapag nakikipaglaro siya sa hampas ng alon sa dalampasigan. Naisip ni Silas na kung sana na puwede siyang tumira sa ilalim ng dagat ay gagawin niya. Tulad na lang sa napapanood sa telebisyon na mga sirena. Bigla na lang napatigil si Silas dahil naalala na naman si Harish. Bigla na lang tumibok ng mabilis ang kanyang puso dahil naglalaro na naman sa kanyang isipan ang itsura ni Harish noong makita niya ito kanina. Hindi talaga akalain ni Silas na makakakita siya ng isang makisig at guwapong hubad na lalaki kanina. Hindi niya maiwasan na maikumpara si Harish sa kanyang dating kasitahan na si Harold. Hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Silas si Harold ngunit masasabi niya na mas lamang na lamang si Harish kay Harold. Guwapo naman ang kanyang kasintahan ngunit payat ito. Samantalang si Harish ay guwapo at makisig ito. Umaapaw din ito sa s*x appeal na kung sa ibang babae man nagpakita si Harish ay siguradong masusunggaban na nila ito. Napaiglad na lang si Silas ng maramdan niyang may naglagay sa kanyang likuran ng isang puting bath towel. Kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman niya sa kanyang katawan. Lalo sa kanyang braso at kamay na sobrang lamig na lamig siya. Sa paglingon ni Silas ay nakita niya ang kanyang ina na nakangiting nakatingin sa kanya. "Anong ginagawa mo rito Silas?" ngiting tanong ni Krisna. Naalingpungatan si Krisna dahil na rin nakaramdam siya na puno na ang kanyang pantog. Sa pagbangon niya sa kama ay napangiti na lang siya ng makita ang kanyang tatlong anak na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama. Sinabihan ni Krisna kanina sila Mark Dave, Jepoy at Chan-Chan na matulog na lang ang tatlo sa kama. Samantalang siya naman ay natulog sa may sofa sa kuwarto. Nakahiwalay naman sa kuwarto ang panganay na anak niyang si Silas at Yuan na nakakabatang kapatid nito. Matapos na umihi ni Krisna ay naisipan niyang puntahan ang kuwarto nila Silas at Yuan. Gusto niya itong makita kung natutulog o nagkukuwentuhan pa ang dalawa. Sa pagsilip ni Krisna sa kabilang kuwarto ay napakunot noo siya dahil walang katabing matulog si Yuan wala ang ate nitong si Silas. Sa pagpasok niya sa loob ng kuwarto ay hindi niya nakita ang panganay na anak niya. Tinignan ni Krisna sa may banyo si Silas ngunit wala pa ito sa loob. Hindi niya maiwasan na mag-alala ito sa kanyang anak na Silas. Maingat niyang isinara ang pintuan para hindi magising si Yuan. Tinignan ni Krisna sa may kusina ng bahay pati sa sala ay hindi niya nakita si Silas. Kaya naman nagpasya siya na lumabas ng bahay para tignan ang kanyang panganay na anak. Nag-aalala na si Krisna kay Silas dahil hindi niya nakita ito sa may labas. Napahaplos siya sa kanyang braso dahil sa sobrang lamig ng simoy ng hangin. Bumalik na muna si Krisna sa may loob ng bahay para kumuha ng towel para ibalabal sa kanyang katawan panlaban sa lamig sa labas. Sa paghahanap ni Krisna kay Silas ay nakarating siya sa may dalampasigan. Meron siyang nakitang isang babaeng nakatayo paharap sa may dagat. Isang matamis na ngiti ang gumihit sa kanyang labi at nawala na ang pag-aalala niya dahil nakita na rin niya ang kanyang anak na si Silas. Sa paglapit ni Krisna kay Silas ay inalis niya ang kanyanh balabal at inilagay niya ito sa may balikat ng kanyang anak. Dahil nakita niyang nilalamig ito. "Ina kayo po pala. Hindi kasi ako makatulog kaya napagpasyahan kong maglakad-lakad. Hanggang makarating ako rito sa dalampasigan," ngiting tugon ni Silas. Tinanong din ni Silas ang kanyang ina kung ano ang ginagawa nito kung bakit disi-oras na ay nasa labas pa ito? "Hinahanap kita Silas. Sa pagsilip ko sa kuwarto ninyo ni Yuan, ay wala ka. Kaya agad kitang hinanap at nandito ka lang pala," sabi ni Krisna. Tinanong din ni Krisna ang kanyang anak kung bakit hindi ito makatulog? Tinanong niya kung inaalala pa rin ba nito ang nakita nitong lalaki kanina. "Hindi naman ina. Hindi lang talaga ako makatulog," tugon ni Silas. Ibinaling ni Silas ang tingin niya sa dagat kung saan kitang-kita niya ang magandang paghampas ng malalakas na alon sa dalampasigan. Napatingin na lang si Silas ng biglang sabihin ng kanyang ina na humihingi ito ng pasensya sa kanya. Nakakunot noo siyang nakatingin ngayon sa ina niya. Tinanong niya kung bakit ito humihingi ng pasensya sa kanya? Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa labi ni Silas ng sabihin sa kanya ng ina niya na alam nito na pagod na pagod na ito sa pagtratrabaho para sa pamilya nila. "Nahihiya nga ako sa'yo Silas, dahil buong buhay mo ay wala kang ginawa kundi magtrabaho para sa aming ng kapatid mo," sabi ni Krisna. Nagsisimula na mangilid ang luha ni Krisna sa kanyang mga mata. Tamang-tama lang ang pagkakataon na ito para makausap niya ang kanyang anak tungkol sa kakakayod sa trabaho para sa kanila pamilya. Dagdag pa ni Krisna na alam niya na naghiwalay na sila Silas at kasintahan nitong si Harold. Alam niya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa. "Silas, wag mo na kami alalahanin ng mga kapatid mo. Ang mahalaga ay ang kaligayahan mo. Alam kong nasasakripisyo ang pangsarili mong kaligayahan dahil sa amin. Silas, anak mahal na mahal ka namin ng mga kapatid mo. Nagpapasalamat din kami sa walang sawang suppportang ibinibigay mo sa amin," ngiting sabi ni Krisna. Tuluyan na bumigay ang luhang pinipigilan ni Krisna. Isang mahigpit na yakap ang natanggap niya sa kanyang anak na si Silas at sinabi nito na wala siyang dapat na hingin pasensya dahil gustong-gusto ito tumulong pamilya. "Ina mahal na mahal ko rin po kayo. A-aaminin ko na minsan ay pagod na pagod na po ako. Nakakalimutan ko na po ang aking sarili ngunit ganunpaman ay hindi ko kayo nakakalimutan. Kakayod at kakayod po ako para sa inyo," ngiting sabi ni Silas Nagsimula na rin si Silas na mapaiyak dahil na rin sa emosyon na nararamdaman niya ngayon. Nandito na rin naman silang dalawa kaya sasabihin na niya ang nasa loob niya para wala siyang bigat na dinadala sa kalooban niya. Sinabi pa ni Silas sa kanyang ina na hindi ito pabigat sa kanya. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid. Inamin na rin niya sa kanyang ina na hiwalay na nga sila ni Harold. Nguniy hindi na niya sinabi pa sa kanyang ina ang totoong dahilan para na rin hindi ito masaktan. Nagulat na lang si Silas ng sabihin ng ina niya na nakausap daw nito si Harold at sinabing sila ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ito sa kanya. "Masakit na kami ang dahilan kung bakit naghiwalay kayo ni Harold. Sinabi niya sa akin na ilang beses ka niyang inaayang magpakasal ngunit ilang beses ka rin tumatanggi sa alok niya," pilit na ngiting sabi ni Krisna. Hindi alam ni Krisna na sobrang pagsasakripisyo na pala ang naibibigay ng kanyang anak para sa kanila. Sinabihan niya ito na kausapin si Harold at makipagbalikan. Dagdag pa ni Krisna na wala sa kanya kung magpakasal na si Silas. Gustong-gusto na nga niya magkaroon ng apo. Hindi naman habang buhay ay aasa sila sa kanyang panganay na anak. Nagsusumikap naman si Krisna na magtrabaho ngunit hindi pa rin talaga sapat ang kinikita niya. Nagpapasalamat naman siya sa mga kamag-anak nilang may kaya sa buhay na nagbibigay sa kanila. Sinabihan nga si Krisna ng kanyang panganay na anak na wag na wag aasa sa mga binibigay ng kamag-anak nila. "Ina salamat. Salamat dahil kayo ang naging pamilya ko. Salamat dahil ikaw ang naging ina ko. Salamat," ngiting sabi ni Silas. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Silas sa kanyang ina na si Krisna. Parang lahat yata ng bigat ng nararamdaman niya ay nawala na parang bula. Maganda talaga na napapag-usapan nilang dalawang mag-ina ang mga problema sa kanya-kanyang buhay nila. "Ano ba iyan Silas, masyado tayo madrama. Puwede na ba tayo maging artista?" natatatawang sabi ni Krisna. Inaya na ni Krisna ang kanyang anak na si Silas na bumalik na sa loob ng bahay para na rin makapagpahinga sila. Para bukas ay may lakas sila para makapagtampisaw sa dagat. Sinabi pa ni Krisna na baka hinahanap na si Silas ng nakakabatang kapatid nitong si Yuan. Alam naman ito na malapit sa isa't-isa ang dalawang magkapatid na sila Yuan at Silas. "Salamat talaga ina," ngiting sabi ni Silas. Inilingkis pa ni Silas ang kanyang kamay sa braso ng kanyang ina at sabay na silang bumalik sa bahay. Sobrang gaan ng pakiramdam niya ngayon dahil na rin nasabi niya sa kanyang ina ang bigat sa kalooban niya. Sa pagbalik nila sa loob ng bahay ay nakita nila si Yuan na nakaupo sa may sala at kumakain ng tinapay. Nagkatinginan pa silang dalawa ng kanyang ina dahil alam na alam nila na kapag nagising si Yuan ay siguradong maghahanap ito ng tinapay. "Ate Silas, saan kayo pumunta ni ina?" tanong ni Yuan. Naalingpungatan si Yuan at sa pagtingin niya sa tabi niya ay wala siyang katabi. Wala ang kanyang panganay na kapatid na si Silas. Bumangon siya sa pagkakahiga at umihi na muna siya sa banyo. Pagkatapos ilabas ni Yuan ang kanyang naipon na tubig sa kanyang katawan ay nakaramdam siya ng gutom. Kaya naman lumabas na muna siya sa kuwarto at dumeretso siya sa may kusina para maghanap ng tinapay. Parang kumislap ang mga mata ni Yuan ng makakita siya ng pandesal sa may lamesa. Paboritong pagkain niya ay tinapay. Kahit isang pirasong tinapay lang ay masaya na siya. Sa pagkuha ni Yuan ng tatlong pirasong tinapay ay pumunta na muna siya sa sala para hintayin niya ang kanyang Ate Silas. "Nagpahangin lang kami sa labas ni ina. Ikae bat gising at kumakain ka na naman ng tinapay?" kunot noo tanong ni Silas. Nilapitan ni Silas ang kanyang nakakabatang kapatid na si Yuan. Sa pagtabi niya rito ay napangiti siya ng alukin siya ng tinapay nito. Umiling na lang siya at sinabing busog pa siya. Napatingin si Silas sa kanyang ina na nagpaalam na ito para matulog. Sinabihan sila na matulog na rin silang dalawa ni Yuan. "Kala ko Ate Silas, hinanap mo pa iyong nakita mong lalaki kanina? Hahaha! Nagutom ako kaya naghanap ako ng tinapay," ngiting sabi ni Yuan. "Huh? Bat ko naman hahanapin iyong lalaki na iyon? Tsaka bilisan mo dyan kumain at para makatulog na tayo," sabi ni Silas. Naalala na naman ni Silas ang hubad na lalaking nakita niya kanina. Nasabi pa naman niya sa kanyang sarili na iyon ang unang beses na nakakita siya ng b*rat pero nakakita na pala siya ng b*rat. Ang b*rat ng kanyang kasintahan na si Harold. Sigurado masasabi ni Silas na iyon ang unang beses na nakakita siya ng ganung kalaking b*rat. Dahil ang b*rat ni Harold ay sakto lang hindi maliit at hindi rin malaki. Kumbaga Filipino size talaga iyon. Naiinis si Silas ngayon sa kanyang sarili dahil kung ano-ano na lang ang kanyang naiisip ngayon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at naisipan niyang bukas na lang niya tatawagin si Harold. Napangiti si Silas dahil pinayagan na siya ng kanyang ina na magpakasal kay Harold. Siguradong matutuwa na ito at makikipagbalikan na iti sa kanya. Sabik na sabik na siyang makauwi sa lugar nila para mapuntahan na niya ang kanyang dating kasintahan na si Harold.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD