Mundo 10

3122 Words
Chapter 10 "Silas, anak buntis ka ba?" pag-aalalang tanong ni Krisna. Ilang linggo na rin napapansin ni Krisna ang pagbabago ng katawan at mga hindi nakasanayan na gawain ng kanyang anak na si Silas. Unang-una napansin ni Krisna ay ang madalas na pag-inom ni Silas ng tubig na may asin. Noon ay hindi naman ginagawa iyon ng kanyang anak na pala inom ng tubig. Lalo na may asin ang iniinom nito. Nung una ay konting asin lang ang inilalagay nito sa tubig nito hanggang mapansin niya ito na marami na ang inilalagay nitong asin sa tubig na iniinom nito. Pabiro pa nga sinabi ni Krisna sa kanyang anak na si Silas na parang tubig alat na ang iniinom nito. Natawa na lang ang kanyang anak na sa kanyang sinabi. Pansin din ni Krisna na parang lalong kumikinis ang balat ni Silas. Maraming nagsasabi sa mga kapitbahay niya na blooming na blooming daw ang kanyang anak. Pabiro naman niyang sinasagot ang mga ito dahil nagmana si Silas sa kanya. Tinanong ni Krisna ang kanyang panganay na anak kung may iniinom ba itong gamot para lalo itong gumanda. Sinabi naman ni Silas na wala itong iniinom na gamot. Tsaka alam naman niya na ni minsan ay hindi bumili ng gamot na pampaganda ang kanyang anak na si Silas. Hindi lang kasi naging maputi na parang porselanang kutis ang balat ni Silas kundi bumilis ang paghaba ng buhok nito. Sobrang tuwid na tuwid ang buhok nito na para bang nagpa-rebound ito? Ang kapansin-pansin sa lahat ay tumaba si Silas ngunit para kay Krisna ay sobrang naging angkop ang katawan nito ngayon dahil na rin simula't sapol ay mapayat ang kanyang anak na si Silas. "Ina ano naman po klaseng tanong iyan? Hindi po ako buntis," kunot noo sabi ni Silas. Abala ngayon si Silas sa paghuhugas ng plato dahil na rin kakatapos lang nilang maghapunan. Napadami ang kanyang kain dahil na rin masarap ang ulam. Ni-request talaga niya sa kanyang ina ang kaldaretang manok. Gusto pa sana ni Silas na maraming sili ang ilagay ng kanyang ina sa kaldareta ngunit hindi na makakakain ang dalawang nakakabatang kapatid niya na sila Chan-Chan at Yuan. Ayaw na ayaw pa naman ng dalawa na ang manghang. Kumpara sa kanyang dalawa pang kapatid na sila Mark Dave at Jepoy na gustong-gusto rin ng manghang na pagkain. Nabigla si Silas sa pagtanong sa kanya ng kanyang ina na kung buntis ba siya? Hindi na lang niya pinahalata na hindi niya nagustuhan ang tanong sa kanya ng kanyang ina. Hindi lang naman ang ina niya ang nagtatanong kung buntis siya kundi pati mga chismosa nilang kapitbahay at mga katrabaho niya ay nagtatanong na rin. Isang ngiti at simpleng iling na lang ang sinasagot ni Silas sa mga nagtatanong sa kanya na buntis siya. "Silas, walang problema sa akin kung buntis ka o mabuntis ka. Basta kung sino mang iyang magiging ama ng magiging anak mo ay sana ay isang mabuting tao ito," ngiting sabi ni Krisna. Wala naman pakialam si Krisna kung buntis ang kanyang anak. Nasa tamang edad na rin naman ito tsaka masaya siya dahil nakikita niyang masaya ito sa nobyo nito ngayon. Basta masaya ang anak ni Krisna ay masaya na rin siya. Wala siyang pakialam sa mga taong walang magawa sa buhay kundi pag-usapan ang mga buhay ng ibang tao. "Ina kapag nabuntis o buntis man ako ay sasabihin ko naman sa'yo. Tsaka wag mo na lang pansinin ang mga ibang tao dyan," ngiting sabi ni Silas. Pagkatapos ni Silas na maghugas ng plato ay pumunta na muna siya sa loob ng kuwarto para magpahinga. Kung noon ay madali siyang mapagod ngayon naman ay naging normal ang pakiramdam niya. Nalaman ni Silas na kailangan lang niyang uminom ng maraminh tubig na may asin para bumabalik o napapanatili niya ang kanyang lakas ng katawan. Naisip ni Silas ang sinabi ng kanyang ina na si Krisna. Pati siya ay tinatanong niya sa kanyang sarili kung buntis nga ba siya dahil matagal na siyang hindi dinadalaw ng menstruation. Hindi lang niya sinasabi sa kanyang ina iyon dahil baka mag-alala ito sa kanya. Marami rin nakakapansin kay Silas na gumanda raw siya at tumaba na nagkalaman ang kayang payat na katawan. Hindi na rin siya gumagamit ng make up dahil parang naglalagkit ang mukha niya. Naalala ni Silas na may nagsabi sa kanya na kumapal at humaba ang kanyang buhok. Maraming nagsasabi na nagpa-rebond daw siya? Ni minsan ay hindi niya pinadalaw ang kanyang buhok. Pinapagupitan lang niya ang kanyang buhok ngunit hindi niya pinapa-treament ito. Dahil alam niyang masisira lang ang buhok niya kapag pina-treatment niya ito. Naputol ang pagmuni-muni ni Silas ng biglang pumasok ang kanyang bunsong kapatid na si Chan-Chan at sinabing nasa sala raw ang kanyang kasintahan na si Harish. "Sige lalabas na ako. Salamat Chan-Chan," ngiting sabi ni Silas. Ilang buwan na rin ang nakakalipas ng sinagot na ni Silas si Harish. Ilang buwan din nanligaw sa kanya ang makisig na lalaking si Harish. Nakita niya na sinsero ito sa nararamdaman nito sa kanya at ramdam naman niya na mahal na mahal siya nito. Natutuwa si Silas dahil kay Harish ay nakalimutan na niyang tuluyan ang nararamdaman niya sa kanyang dating kasintahan na si Harold. Kahit na paminsan-minsan ay pumupunta pa rin ito sa bahay para kausapin siya nito. Noong isang araw ay kinausap na ni Silas ng masinsinan si Harold dahil naawa na siya rito dahil bumagsak ang buong katawan nito dahil na rin sa nababalitaan niyang madalas na pag-inom nito sa apartment. Simple lang naman ang sinabi ni Silas sa kanyang dating kasintahan na si Harold. Pinapatawad na niya ito sa mga nangyaring hindi magandang ginawa nito. Dagdag pa niya na pakawalan na siya nito dahil masaya na siya. Iyon lang ang sinabi ni Silas at umalis na si Harold na tahimik na parang natalo sa sugal. Naaawa siya ngunit hanggang doon na lang ang nararamdaman niya para kay Harold. Tumayo si Silas sa pagkakaupo niya sa may gilid ng kama at nakangiti siyang lumabas ng kuwarto. Sa pagdating niya sa sala ng bahay nila ay nakita niyang nakikipaglaro si Harish sa dalawa niyang nakakabatang kapatid na sila Yuan at Chan-Chan. Natutuwa si Silas dahil naging malapit si Harish sa kanyang pamilya lalo na kina Yuan at Chan-Chan. Sa ilang buwan nilang magkarelasyon ni Harish ay wala siyang nakitang bisyo nito. Ang nakikita lang niya ugali ng makisig na lalaki si Harish ay inosente sa mga bagay na parang ngayon lang nito nakita o nagawa. Ilang beses na rin sila nagtatalik sa condo unit nito. May pagkakataon na sa kalagitnaan ng pagtatalik nila ay natatawa siya dahil nasasabi niyang sobrang galing na nito kumpara sa unang pagtatalik nilang dalawa. Tinawag ni Silas ang pansin ng kanyang kasintahan at nakita niyang ngumiting tumingin ito sa kanya. Nagpaalam si Harish sa kanyang dalawang nakakabatang kapatid na sila Yuan at Chan-Chan at nakangiti itong lumapit sa kanya. Malaking tao si Harish kumpara kay Silas na 5'5 lang ang tangkad nito. Tinanong nga niya ang makisig na lalaking si Harish kung anong height nito at sinabi nitong 6 footer ito. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa kanya ni Harish at kinamusta siya nito. Hinawakan niya ang guwapong mukha nito at hahalikan sana niya ito ng biglang pumasok ang kanyang ina na si Krisna. "Good evening po Tita Krisna, may dala po ako sa inyo," ngiting sabi ni Harish. Kinuha ni Harish ang isang malaking paper bag na naglalaman ng isang mamahalin na bag. Nakangiti siyang ibinigay iyon sa ina ni Silas. Kitang-kita pa niya ang pagkagulat sa mukha nito. "Jusko! Hindi mo naman kailangan na magbigay ng ganitong klaseng regalo," sabi ni Krisna. Hindi inaasahan ni Krisna na magbibigay na naman ng regalo sa kanya si Harish. Simula kasi nanligaw ito ay walang mintis na hindi nagbibigay ng regalo sa kanya ang makisig at guwapong lalaking si Harish. Nagpapasalamat naman si Krisna ngunit hindi siya sana sa mga ganitong luho sa buhay. Lahat ng mga damit at alahas na ibinigay sa kanya ni Harish ay nakatago lang sa cabinet ng kuwarto nila. Hindi sa ayaw ni Krisna na isuot ang mga ito ay umiiwas lang siya sa mga taong walang magawa sa buhay kundi magchismis. "Tita Krisna, para sa inyo talaga iyan. Tsaka wala na po akong ina kaya masaya ako na nakilala po kita," ngiting sabi ni Harish. Wala naman kay Harish kung magbigay siya ng mga regalo sa pamilya ni Silas dahil iyon naman ang kadalasan na ginagawa ng mga taong nanliligaw. Nakasanayan na lang niya siguro iyon. Lalo napangiti si Harish ng biglang nangulit sila Chan-Chan at Yuan na nakakabatang kapatid ni Silas. Tinatanong ng mga ito kung nasaan ang regalo ng mga ito? "Yuan at Chan-Chan, wag makulit. Nakakahiya kay Harish," seryosong sabi ni Silas. Sinuway ni Silas ang dalawa niyang nakakabatang kapatid dahil na rin nakakahiya kay Harish. Ilang beses na rin niyang sinabihan ito na wag na magbigay ng regalo sa pamilya niya lalo na sa mga katapitd niya. Pansin niya kasi na bawat pagbisita ni Harish ay nakaabang ang mga kapatid niya lalo na sila Chan-Chan at Yuan. "Wag kayo mag-alala babalik ako bukas at ibibili ko kayo ulit ng laruan!" masayang sabi ni Harish. Natutuwa si Harish kina Yuan at Chan-Chan. Parang kapatid na ang turing niya sa dalawang nakakabatang kapatid ng kanyang kasintahan na si Silas. Wala naman kasi siya kapatid at nag-iisa lang siyang anak ng kanyang amang hari. Bigla na lang naging matamlay ang aura ni Harish dahil naalala niya ang kanyang amang hari. Walang araw na lumipas na hindi niya naiisip ito. Gusto man niyang bumalik sa Kaharian ng Ekathva ngunit sigurado siya na kapag bumalik siya ay hindi na siya makakabalik pang muli sa mundo ng mga tao. Hindi na niyang muli makikita ang mahal na mahal niyang kasintahan na si Silas. Gusto niyang bumuo ng pamilya at mamuhay ng normal bilang isang tao. Ngunit hindi siya nagiging panatag dahil na rin iniwan lang niya basta-basta ang kanyang amang hari. Naiisip ni Harish kung hinahanap ba siya ng kanyang amang hari hindi dahil nasa kanya ang bagong yantin kundi nag-aalala ito sa kanya? "Harish, ayos ka lang ba? Pasensya ka na sa mga kapatid ko masyado makukulit," pilit na ngiting sabi ni Silas. Pinapasok na muna ni Silas sa kuwarto ang kanyang dalawang nakakabatang kapatid para na rin hindi ito magkulit sa sala. Para na rin makapag-usap sila ni Harish ng maayos. Napansin ni Silas na biglang tumamlay ang kanyang kasintahan kaya naman pinaupo niya muna ito sa may sofa sa may sala at tumabi agad siya rito. "Naalala ko lang ang ama ko. Sa paglipas ng mga araw ay nangungulila ako sa ama ko," piliy na ngiting sabi ni Harish. Gusto ni Harish na kamustahin man lang niya ang kanyang amang hari. Ngunit hindi nga lang niya alam kung paano niya ito gagawin. Gusto niyang makipagkita kay Naren. "Bat hindi ka na muna kasi bumalik sa ibang bansa para makapag-usap kayong dalawa. Alam mo bang mahirap ang walang magulang," sabi ni Silas. Nakuwento na ni Silas sa kanyang kasintahan ang pagkawala ng kanyang ama. High school pa lang siya ng mamatay ang ama niya. Simula noon ay nagtrabaho na siya at nagpapasalamat siya dahil na kaya niyang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral niya. "Pag-iisipan ko ang sinabi mo Silas. Pero sa ngayon ay gusto nanamnamin ko muna na kasama kita ngayon," ngising sabi ni Harish. Nagkuwentuhan sila Harish at Silas tungkol sa nangyari sa araw nila. Buong araw lang nasa loob ng condo unit si Harish habang nagwowork out siya para mapanatili niya ang kisig ng kanyang katawan. Wala naman kasi alam na gawin si Harish kundi work out, manuod ng telebisyon na kinaaaliwan niya. Natutuwa talaga siya napapanuod niya sa malaking tv screen. Biglang naisip ni Harish na ayain si Silas na magbakasyon muli sa beach resort na pinuntahan nito noon. Noong una silang nagkita sa may tabi ng dalampasigan. "Magpapaalam na muna ako sa boss ko Harish. Sana ay payagan nga niya ako na magbakasyon kahit tatlong araw lang," ngiting sabi ni Silas. Lumipas ang ilang oras ay nagpaalam na sa kanya ang kanyang kasintahan na si Harish. Tinanong pa nga nito sa kanya kung puwese ba ito magpalipas ng gabi sa bahay nito? Okay lang naman kay Silas ngunit hindi niya alam kung saan namab matutulog si Harish? Dalawa lang ang kuwarto sa bahay ay tamang-tama lang sa pamilya niya. Naisip ni Silas sa sala na lang ito matulog ngunit sinabi ni Harish na gusto nito ay magkatabi silang matulog. Natawa na lang siya sa sinabi nito at sinabing umalis na ito baka kung saan pa mapunta ang usapan nilang dalawa. Kinabukasan ay nagising si Silas na uhaw na uhaw na naman siya. Sa pagbangon niya sa kama ay nanlaki ang mga mata niya dahil ang laki ng kanyang tiyan. Para siyang buntis sa laki ng kanyang tiyan. Sa sobrang kaba at takot ni Silas ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Tinignan niya ang kanyang kapatid na si Yuan na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Hinahabol ni Silas ang kanyang hininga dahil sobra na siyang natatakot sa nangyari sa kanya. Ginising niya ang kanyang nakakabatang kapatid para humingi ng tulong. "Yuan! Y-yuan! Tulong! Tulungan mo ako!" pakiusap na sabi ni Silas. Hindi masyado makagalaw si Silas dahil mabigat ang kanyang tiyan. Sobrang pinapapawisan na siya ng malamig sa buong katawan niya. Napahawak na lang siya sa kanyang malaking diyan dahil bigla na lang sumakit ito. Tinignan muli ni Silas ang kanyang nakakabatang kapatid na mahimbing pa rin ang tulog nito. Ang ginawa niya ay hinawakan na niya ang buhok ni Yuan at pinagsasabunutan na niya ito para magising. Hanggang sa wakas ay nagising ito. Sinabihan niya si Yuan na humingi ito ng tulong sa kanilang ina at kina Mark Dave. Kitang-kita ni Silas na naistorbo ang pagtulog ni Yuan pero wala siyang pakial dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin ngayon. Nakita ng magandang dilag na si Silas na sisigaw na sana si Yuan dahil sa nakita nito malaking tiyan niya. Kaya naman agad niyang tinakpan ang bunganga nito at sinabing wag itong sisigaw. Ayaw ni Silas na makakuha sila ng atensyon sa mga kapitbahay nila lalo na tabi-tabi ang mga bahay nila rito sa Urdaneta Compound. Muli niyang sinabihan si Yuan na tawagin ang kanilang at mga kapatid nila. Isang pilit na ngiti ang lumitaw sa labi ni Silas ng makita niyang tumango si Yuan sa kanyang sinabi. Mabilis itong tumakbo papalabas ng kuwarto ay narinig pa niya ang boses nito sa kabilang kuwarto kung saan nandoon ang kanilang tatlo pang kapatid at ang kanyang ina na si Krisna. Hindi nagtagal ay pumasok ang ina ni Silas at ganun din ang reaksyon nito tulad kay Yuan. Gulat na gulat at hindi ito makapaniwala sa nakikita nitong anyo niya ngayon. "Jusko anak ko! A-anong nangyari sa'yo? B-bat ang laki ng tiyan mo?" gulat na sabi ni Krisna. Akala ni Krisna ay nananaginip siyang ginigising siya ng kanyang anak na si Yuan. Iyon pala ay talaga ginigising pala siya nito at sa pagmulat ng kanyang mata ay nakita niya ang kanyang anak na si Yuan na takot na takot. Sinabi nito sa kanya na kailangan ng tulong ng ate nitong Silas. Napakunot noo na lang siyang bumangon mula sa pagkakahiga at kahit medyo nahihilo pa siya sa antok ay pumunta siya sa kabilang kuwarto. Kasunod niya si Yuan na takot na takot. Sa pagpasok ni Krisna sa loob ng kuwarto ay nanlaki ang mga mata niya dahil kitang-kita niya ang biglang paglaki ng tiyan ng kanyang panganay na anak na si Silas. Agad na nilapitan ni Krisna ang anak niya at tinanong niya kung ano ang nangyari? Sinampal-sampal pa niya ang kanyang pisngi dahil pakiramdam niya ay nananaginip siya. "H-hindi ko po alam ina! P-paggising k-ko ay malaki na ang tiyan ko. A-ano po nangyari sa akin," natatakot na sabi ni Silas. Nakaupong si Silas sa gilid ng kama habang ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa may tiyan niya. Napapailing na lang siya dahil hindi niya talaga alam ang nangyayari sa kanya. Bigla na lang nakaramdam ng matinding pagkauhaw si Silas at nakiusap siya sa kanyang kapatid na si Yuan na kumuha ito ng tubig na may asin. Hindi na siya masyado nakakapagsalita dahil namamaos ang kanyang lalamunan dahil pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan. Parang nagliwanag ang mga mata ni Silas ng makitang bumalik agad ang kanyang nakakabatang kapatid na si Yuan na may dalang-dala tumbler na malaki. Agad na inabot ni Silas ang tumbler at nanginginig pa ang kanyang kamay na ininom ito. Hanggang mapawi ang kanyang pagkauhaw. "Jusko anak ko. H-hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa'yo? May masakit ba sa katawan mo?" naguguluhan na tanong ni Krisna. Napahawak na lang si Krisna sa kanyang ulo dahil sumasakit ito. Iniisip niya kung ano ang nangyayari sa kanyang anak na si Silas. Tinignan ni Krisna si Yuan at sinabihan niya ito na gisingin ang dalawang kuya nito na sila Mark Dave at Jepoy. Nakita naman niya na agad sumunod sa utos niya ang kanyang pangalawang bunso niya na si Yuan. "Medyo parang may sumisipa sa loob ng tiyan ko ina. N-natatakot po ako ina," pag-aalalang sabi ni Silas. Sino ba naman hindi matatakot sa nanyari kay Silas na bigla na lang lumobo ng malaki ang kanyang tiyan. Kagabi lang sa pag-alis ni Harish at sa pagtulog niya ay normal pa naman siya. Sa sobrang takot ay napaiyak nang tuluyan si Silas. Hindi talaga niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Wala naman siyang nakain na pagkain na sira para maging ganito kalaki ang kanyang tiyan. "Silas, anak kailangan natin tawagin si Harish, ngayon dahil kailangan ka niya," sabi ni Krisna. Naisip ni Krisna na tawagin nila si Harish ngunit agad na kumontra si Silas. Nag-aalala ito na baka matakot o magtaka ito kung bigla na lang lumobo ang tiyan nito. Agad naman sinabi ni Krisna sa kanyang anak na kung mahal siya talaga ni Harish ay tutulong ito sa sitwasyon ni Silas. Napatingin na lang si Krisna sa may pintuan kung saan gulat na gulat sila Mark Dave at Jepoy sa nakikitang anyo ng nakakatandang kapatid nito. "Ate Silas, bakit ang laki ng tiyan mo?" gulat na tanong ni Mark Dave. "A-ate parang buntis sa laki ng tiyan mo," sabi ni Jepoy. "H-hindi ako buntis. H-hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta paggising ko ay malaki na ang tiyan ko," sabi nu Silas. Hinayaan lang ni Silas na tawagin ng kanyang ina si Harish. Tama naman ang sinabi nito sa kanya na kung mahal talaga siya ng kanyang kasintahan ay tutulong ito at tatanggapin pa rin siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD