Mundo 11

3070 Words

Chapter 11 "Silas, kailangan mong huminahon. Hindi makakabuti sa'yo kung mag-iisip ka ng kung anu-ano. Nandito ako at pinapangako ko sa'yo na hindi kita iiwan," seryosong sabi ni Harish. Hawak-hawak ni Harish ang kamay ng kanyang kasintahan na si Silas na nakahiga sa ibabaw ng kama. Sobrang gulat na gulat siya ng makitang lumaki bigla ang tiyan nito. Kagabi lang ay maayos na iniwan ni Harish si ang kanyang magandang kasintahan na si Silas. Wala naman siyang natatandaan o napapansin na masama ang pakiramdam nito. Kanina bago makatanggap ng tawag si Harish mula sa ina ni Silas ay mahimbing siyang natutulog. Sa ilang buwan na pananatili niya sa lupa ay napansin niyang nakakaramdam siya ng antok tuwing pagod o lumalalim ang gabi. Akala ni Harish ay kung anong puwersa ng kalikasan ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD