Kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon papunta sa sinasabi nitong silid na kung saan kami magpaparehistro. Hindi ko alam kung saan iyon pero pababa na kami sa hagdan. Siguro ay nasa unang palapag pa ang registration office. Hindi ko inaasahan na magkaiba pa pala talaga ang lugar kung saan kami kukuha ng exam at ang lugar na kung saan kukuha kami ng ID. Habang naglalakad kami ay tahimik lamang na nauna ang aking kaibigan. Tapos ang pinaka unahan pa ay sina Henry at Rizy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali sa gusto nilang ipaliwanag. Gusto ko man malaman agad ang lahat pero ang dami pa namin dapat pagdaanan. Idagdag pa nito ang pagod sa aking katawan.
Sa tingin ko ay ito lang yata ang araw na kung saan na pagod ako nang sobra. Sanay na sanay na naman ako na ganito. Iyong pagpupuyat, pero hindi ako sanay na halos buong oras akong nakatayo at gumagalaw. Tanging ang rason lamang kaya ako nagpupuyat ay dahil nag-aaral ako at naglalaro ng computer games. Ngayon, hindi na character ang gumagalaw, hindi na kamay ko ang gumagalaw. Kung hindi ay aking buong katawan. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago inilibot ang aking paningin.
Hindi ako pamilyar sa dinaraanan namin ngayon. Siguro ay dahil sa ibang hagdan na kami dumaan. Napaka-weird nga ng pasilyong ito sapagkat wala man lang katao-tao, o kaya ay kahit isang disenyo. Wala rin akong nakikitang nakasabit na mga paint o picture frames. Hindi kagaya sa pasilyong dinaraanan namin kanina.
Tahimik lamang namin binabaybay ang hagdan hanggang sa tuluyan na kaming makababa. Ang inakala kong tapos na ang mahabang paglalakad namin ay mas lalo pa nadagdagan. Hindi ko alam kung saan na kami papunta sapagkat wala naman kaming alam kaya sumunod na lang ako rito.
Hindi nagtagal ay bigla na lang tumigil sa paglalakad itong si Alessia. Sinasabayan ako nitong maglakad, labis naman ang aking pagtataka dahil sa kinikilos nito. Hindi ko alam kung bakit pero kitang-kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatingin lamang ng diretso. Hindi na lang ako umimik at hinayaan lang siya. Ilang sandali pa ay bigla na lang nitong hinawakan ang aking kamay at marahang pinisil. Dahil sa kaniyang ginawa ay mabilis akong napalingon sa kaniya at pasimpleng pinisil pabalik.
"Bakit?" Bulong ko rito at ibinaling muli ang aking paningin sa harapan, "May problema ba?"
Mabilis na umiling ang aking kaibigan. Akala ko ay may problema na naman ito, nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa kaniyang tugon, "Kung gayon, bakit bigla ka na lang tumigil? I didn't expect that you will miss me that much,"pagbibiro ko rito. Isang masakit na kurot ang aking naramdaman sa aking kamay pagkatapos kong sabihin iyon. Ibinaling ko naman ang paningin ko sa kaniya at masama itong tinignan. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin, panigurado ay magmamarka iyon sa aking balat. Kainis naman, alam naman niya na sobrang talas ng kaniyang mga kuko. Hindi ko naman siya masisisi dahil ayon ang kaniyang gusto.
"Ano ba?" Tanong ko rito.
"Manahimik ka,"ani ni Alessia at masama akong tinginan.
"Ikaw 'yong sumabay sa akin tapos ako 'yong may mali?" Tanong ko sa kaniya, "Iyong totoo? Ganoon ka na lang ba talaga kapagod at talagang ganiyan ang ginagawa mo sa akin?"
"Ang kulit mo kasi,"ani nito, "Gusto ko lang sumabay sa iyo. Napapagod na ako, hindi ko na kaya maglakad mag-isa."
Kaya pala.
Hinayaan ko na lang itong hawakan ang aking kamay. Kahit ako ay sobrang napapagod na rin pero wala kaming magagawa. Dahil nga nasa panibagong mundo na kami, dapat lang na masanay na kami na ganito ang aming kakahinatnan. Palaging pagod at palaging walang pahinga. Hindi ko naman kasi alam kung anong mga klaseng misyon ang ibibigay ng guild sa amin. Sigurado ay ipapadala kami nito sa mga malalayong lugar na may mga naghihintay na kalaban. Hindi rin ako sigurado sa aming kaligtasan sa oras na mangyari iyon pero, wala naman akong magagawa. Bilang isang adventurer, iyon naman talaga ang aming responsibilidad. Iyon ang aming trabaho. Kung hindi namin magagawa iyon, aasahan na lang namin na wala na kaming makakakain sa mga susunod na araw. Sa pagkakaalam ko, kapag ganitong klaseng lugar. Tanging pagtanggap lamang ng mga misyon ang bumubuhay sa mga tao.
Ilang anime na ba ang nakita ko na ganito ang nangyari sa kanila? Ngunit ang kaibahan ay biniyayaan ang mga ito ng kapangyarihan na sobrang lakas. Paano naman kaming mga dinala lang dito bigla na walang kaalam-alam? Hindi nga namin alam ang rason kung bakit kami naririto. Kung ano ang dapat naming gawin sa bayan na ito, kung ano ang dapat namin ma-achieve para lang makabalik sa dati naming mundo. Hindi rin ako sigurado, one hundred percent kung makakabalik pa ba talaga kami o hindi na. Sana nga lang ay may paraan pa. Kung wala ay, malulungkot talaga si mama.
Lumipas ang ilang sandaling paglalakad ay nakarating na kami sa isang silid. Hindi naman ito gaanong kalakihan tulad ng mga silid na aming na puntahan. May panibagong pagsusulit na naman dito? Kanina, noong hindi pa nagsisimula ang una, meron pa silang pinakauna. Hindi ko nga maintindihan ang logic ng mga ito.
Unang kumatok si Rizy sa pinto ng silid. Ngunit, lumipas na lamang ang ilang minuto pero wala pa rin sumasagot. Muli itong kumatok ngunit wala pa rin nag-response sa kabila.
Hindi kaya ay tulog na ang mga nagbabantay? Kung tutuusin, gabing-gabi na. Sa mga oras na ito ay possibleng tulog na ang mga tao.
Muling kumatok si Rizy ngunit hindi pa rin ito sinasagot. Nagkatinginan naman kami ni Alessia dahil dito, pare-parehong nagtataka ang mukha sa kung ano ang nangyayari.
Ilang beses pa nilang inulit ang kanilang ginawa ngunit wala pa riong nangyayari hanggang sa pinigilan na ito ni Heneral at siya na mismo ang tumayo sa harap ng pintuan. Bumuntong hininga muna ito bago kinatok ng sobrang lakas ang pinto. Iyong para bang masisira na ito dahil sa lakas, bilib din ako sa tibay ng pintong iyon. Hindi man lang natinag, pero kahit ganoon ay naging epektibo naman ang ginawa nito.
"Teka lang!" Sigaw ng isang boses babae sa kabila.
Naghintay lamang kami ng ilang bago bumukas ang pinto na nasa aming harapan. Bumungad sa aming ang isang babaeng halatang kakagising lang, buhaghag ang buhok nito, may laway pa sa gilid ng labi at tagilid pa ang kaniyang eyeglasses. Ang kaniyang damit ay medyo gusot-gusto na dahil siguro sa kaniyang posisyon.
Gusto ko sanang itong tawanan pero huwag na lang. Baka mapatapon pa ako nito sa labas ng wala sa oras.
"Anong pinaggagawa mo?!" Sigaw ni Rizy at masamang tinignan ang babae, "Tignan mo nga 'yang histura mo. Sobrang gulo ng iyong buhok at may laway ka pa, hindi ka man lang nahiya na si Heneral pa talaga ang gumising sa iyo."
"P-pasensiya ka na,"bulong nito at mabilis na tinalikuran kaming lahat. Halos mapanganga naman ako nang bigla na lang itong nawala sa aming harapan at pagbalik nito ay maayos na ang kaniyang hitsura. Nakatali na ang kaniyang buhok, malinis na ang kaniyang mukha at maayos na rin ang pagkaka-pwesto ng kaniyang glasses. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na hindi mamangha. Ang galing.
Gusto ko tuloy subukan ang ganoong kapangyarihan.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo,"mahinhin nitong sabi at yumuko sa amin. Nagdadalawang isip pa ito sa kung ano ang kaniyang gagawin ngunit agad din kinuha ang mga baso. Nilagyan niya ito ng mga tubig at inaya kaming umupo, "Pasensiya na kayo sa nangyari kanina. Medyo na puyat kasi ako kagabi."
"Araw-araw ka naman puyat,"tugon ni Rizy, "Sabi naman namin sa iyo na magpahinga ka rin. Hindi iyong puro trabaho inaatupag mo. May isang kasama ka naman rito sa umaga, pwede naman siya na lang ang gagawa sa mga trabaho sa umaga tapos sa gabi ka na."
"Hindi maari!" Sigaw nito, "A-alam niyo naman na wala akong tiwala sa mga kasama ko. Baka mamaya ay palpak na naman iyan."
Teka. Na trauma ba itong babaeng ito? Bakit parang ayaw na yata nitong pagkatiwalaan ang kaniyang mga kasama sa trabaho?
"Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo? At sino naman itong mga taong ito? Talagang ang Heneral pa ang sumama sa kanila,"ani nito at tinignan kami mula ulo hanggang paa.
"Sila ang mga bagong adventurer. Nandito kami para ipa-rehistro sila, na tapos na nila ang kanilang pasulit sa pangalawanag palapag. Kaya huwag kang mag-alala,"paliwanag ni Rizy at seryosong tinignan ang babae. Nakatingin lamang din ang babae kay Rizy na para bang nag-uusap ang mga ito gamit ang kanilang mga mata.
Lumipas ang ilang sandali at tumango na ito. Lumingon ang babae sa amin at ngumiti, "Binabati ko kayo. Hintayin niyo lang ako rito, gagawin ko lang ang lahat ng papeles na pipirmahan niyo at ganoon na rin ang inyong ID,"sambit ng babae at nagpaalam na. Gaya kanina, mabilis lang itong nawala sa aming harapan at naiwan na naman kaming apat dito sa loob ng silid. Para siyang si The Flash sa sobrang bilis ng kaniyang kilos, iyon lang ay naka-dress ito at sobrang conservative ng damit.
"Hayaan niyo na iyong masipag na iyon,"sabi ni Heneral at ngumiti sa amin, "Ganoon talaga iyong si Wayne, palaging nagtatrabaho. Umaga hanggang gabi, walang tigil. Ayaw kasi nitong iwan ang kaniyang mga dapat gawin dahil sa nangyari noon."
Kitang-kita ko ang paglungkot ng mga mata ni Heneral habang nakatingin sa kaniyang baso. Mukhang may nangyari nga na hindi maganda noon kaya ayaw na magtiwala ni Wayne. Ang gandang pangalan.
"Halos tatlong taon na ang nakakalipas, may mga kasama si Wayne noon dito sa kaniyang opisina. Lagi itong tinutulungan at pinagkakatiwalaan niya ang mga ito sa lahat ng gawain sa opisina. Ngunit, noong mga panahon na sobrang dami ng dapat nilang gawin. Inutusan ni wayne ang lahat niyang kasama para mas mapabilis na. Tapos na ni Wayne ang kaniyang mga gawain kung kaya ay na isipan nitong magpahinga, malaki ang tiwala niya sa kaniyang mga kasama kaya inasaahan nito na tapos na ang lahat,"kwento ni Heneral at bumuntong hininga, "Ngunit lahat ng iyon ay akala niya lang. Hindi ginawa ng kaniyang mga kasama ang dapat nilang gawin. Siya pa ang sinisi nito dahil wala raw itong ginawa buong gabi."
"Iba pa ang aming Heneral sa mga oras na iyon, sobrang importante rin ng mga hiningi ng heneral kung kaya ay labis ang natanggap na sermon nito. Kaya simula noon, pinatanggal na niya lahat ng mga kasama niya. Pwera na lang sa isa nitong kasama na ginawa talaga ang kaniyang trabaho, ayaw nitong may ibang gagalaw sa kaniyang trabaho,"dugtong ni Rizy.
Kaya pala. Hindi na rin ako magugulat kung bakit ganoon ang kaniyang kinikilos. Kahit ako siguro ay ganoon din ang aking magiging reaksiyon. Kaya nga ibinigay ko ko 'yong trabahong 'yon sa isang tao dahil pinagkakatiwalaan ko siya, tapos hindi nila gagawin? Isang malaking pagkakamali iyon, tiwala ang pinag-uusapan dito.
Ako 'yong nalulungkot para kay Wayne. Dahil sa nangyari na hindi niya naman kasalanan ay pinapagod nito ang kaniyang sarili. Inaabuso nito ang kaniyang katawan, sa oras na maningil na ito. Wala na siyang magagawa kung hindi ay ang magpahinga na habang buhay. Sana lang ay maging maayos na siya at tatanggap na ito muli ng tulong mula sa iba. Hindi naman kasi lahat ng tao ay pare-pareho. May iba naman na talagang pursigido at determinado. Iyon lang, pahirapan sa paghahanap.
Namayani ang katahimikan sa aming lahat dito sa silid. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o may dapat ba akong sabihin.
Hindi na lang ako umimik at ibinaling na lang ang aking atenisyon sa paligid. Kahit mag-isa lamang si Wayne rito, ngayon ko lang na pansin na sobrang laki pala ng silid na ito. Sobrang daming libro na nasa shelf. Hindi nga ako sigurado kung libro ba iyon o listahan lamang.
Ang angas nga ng lugar at ang linis. Para lamang itong library na may lamesa sa gitna.
Paano kaya napapanatili ni Wayne na maging malinis ang buong silid na ito? Sa sobrang laki ba naman ay hindi niya ito matatapos agad ng isang araw lang.
"Oo nga pala,"biglang sabi ni Rizy na naging dahilan nang pagtingin ko sa kaniya, "Hindi ba at gusto niyo malaman kung bakit alam namin ang tungkol sa pinagmulan niyo?"
"Opo,"tugon ko, "Hindi lang din po iyon, gusto rin sana namin malaman kung may iba pa bang mga tao na galing sa pinagmulan namin?"
Nagkatinginan muna ang dalawa bago tumango sa isa't-isa. Umayos ng upo si Rizy atsaka tinignan ako sa mata.
"Sa katunayan niyan ay hindi ko na alam kung nasaan na ang mga taong kagaya ninyo. Hindi na bago sa amin na makakita ng mga katulad ninyo, halos sa tuwing ika-dalampung taon ay mayroon talagang nadadala dito na mga taga ibang mundo. Sa tuwing nangyayari iyon ay wala kaming magagawa kung hindi ay gabayan sila,"paliwanag ni Rizy, "Noong unang panahon, wala naman kaming alam na may mga kagaya ninyo. Na may ibang mundo pa pala pwera sa mundo namin. Bigla na lang kami na gulat nang biglang may dumating na isang grupo ng mga tao dito sa aming bayan. Nagtatanong kung nasaan sila at kung anong lugar ito."
"Hindi niyo po ba alam kung ano ang pinagmulan ng mga pangyayaring ito? Kung bakit nangyayari ang ganitong bagay?" Tanong ni Alessia. Mabilis na umiling si Rizy at bumuntong hininga.
"Wala na kaming ibang alam bukod sa may ibang mundo bukod sa mundo namin at ang nangyayari sa tuwing sasapit ang ika-dalampung taon,"sabi ni Rizy, "Hindi rin namin alam kung paano kayo makakabalik sa inyong mundo."
Akala ko pa naman ay may impormasyon na makakatulong sa amin. Kanina pa kasi sila pa-suspense tungkol sa kaalaman nila tungkol sa aming buhay, pero kung ganoon nga. Mukhang malabo na nga sigurong makakabalik pa kami sa aming mundo. Aasahan na lang namin na dito na kami mamamatay at magkakaroon ng pamilya kung mangyayari man.
"Ano po ang huli niyong balita sa mga taong kagaya namin?" Tanong ko sa kanila.
"Wala,"ani nito, "Sa katunayan niyan ay wala na talaga kaming alam kung nasaan ang mga iyon. Kung ano na ang ginagawa nila. Sa tuwing may misyon ang guild para sa kanila, lagi naman itong bumabalik na nakangiti. Ngunit, labis din ang aming pinagtataka noong bigla na lang naglaho ang mga iyon. Ayon sa iba, baka raw ay namatay ito habang ginaganap ang kanilang mga misyon, hindi na rin malabo iyon."
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko.
Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Heneral at kasabay nito ang kaniyang pagkuyom sa kaniyang mga kamao. Masama ang tingin nito sa tubig na para bang inaalala ang mga nangyayari noonng unang panahon.
"Ang huling misyon na kanilang tinaggap ay ang misyon na kung saan kailangan nilang atakihin ang isang kaharian na nasa timog. Sobrang misteryoso ng kaharian na iyon, walang sino man ang nakakapasok o basta-bastang nakakalabas,"paliwanag ni Heneral, "Wala pang sino man ang nagtagumpay sa misyon na sakupin ang kaharian na iyon. Kung kaya ay inaasahan na naming lahat na kaya sila namatay ay dahil sa kanilang huling misyon."
Labis naman ang aking pagtataka habang nakatingin kay Heneral. Bakit parang ganoon na lang ang galit nito?
"Isa na ang kapatid ni Heneral,"paliwanag ni Rizy, "Alam kong nagtataka kayo kung bakit ganito na lang ang kaniyang reaksiyon. Sa huling misyon ng mga taong iyon, sumama ang kapatid ni Heneral. Kagaya ng mga taong iyon, hindi na rin sila nakabalik pa."
Kaya pala.
Hindi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin, kung kaya ay tumahimik na lamang ako at hindi na umimik pa. Ibinigay ni Rizy ang tubig na nasa mesa kay Heneral at pinainom ito sa kaniya. Sa tingin ko ay sinusubukan nitong pakalmahin si Heneral.