Chapter 9

1021 Words
Unti-unti kaming tumalikod ni Alessia sa kanilang dalawa at humarap sa malaking pintuan na ito. Hindi ko alam kung anong pagsusulit ang naghihintay namin sa loob pero sinisigurado ko na hindi ito biro. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tinignan ang aking kaibigan. Kitang-kita ko ang kaba sa mga mata nito, nagda-dalawang isip kung papasok ba siya o hindi. Ramdam ko naman siya ngayon, kaso itong babaeng 'to ang laging kabado. Hinawakan ko ang kamay ni Alessia at ngumiti. Labis naman ang kaniyang pagka-gulat doon at ibinaling ang tingin sa akin. "Magiging maayos din ang lahat,"sabi ko at ngumiti sa kaniya. Kahit hindi ko nakikita ang ang aking mukha ay sigurado ako na kabado talaga ako. Ramdam ko rin ang pamamawis ng aking mga kamay at ang pagbilis ng aking puso. "Sana nga at magiging maayos na ang lahat,"sambit nito at ngumiti sa akin, "Tapusin na natin ito." Tumango lamang ako bilang tugon sa kaniyang sinabi. Unti-unting bumukas ang pintuan sa aming harapan. Isang malakas na hangin ang bumungad sa amin pero hindi ko ito pinansin. Kasama rin ba ito sa aming pagsubok? Kung ganoon nga. Kailangan namin ito lampasan. Patuloy lamang kami sa paglalakad habang magka-hawak ang aming mga kamay. Sobrang dilim ang paligid at sobrang lakas pa ng hangin. Hindi ko na nga alam kung saan kami papunta o kung may patutunguhan ba itong nilalakaran namin. Hindi ako sigurado kung ligtas ba itong inaapakan ko o hindi. Sana walang mangyaring masama sa akin o kay Alessia. Mas lalo ko sanang hihigpitan ang pagkahawak ko sa kamay ni Alessia nang mapansin ko na wala na pala siya sa aking tabi. "Alessia!" Tawag ko rito. Nasaan ba ang babaeng 'yon? Bakit hindi ko man lang na pansin na bigla itong nawala sa aking tabi? Masiyado akong busy sa pag-iisip ng paraan kung ano ang gagawin ko, hindi ko tuloy na pansin ang pagkawala ng aking kaibigan. "Alessia!" Muli kong sigaw rito. Nag-echo lamang ang boses ko sa buong silid ngunit wala akong marinig ni kahit isang response mula sa kaniya. Sobrang bilis na tumibok itong puso ko. Medyo nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo at pagsakit sa ulo. Ano ba ang dapat kong gawin? Nasaan na ba itong si Alessia? Nangangapa ako sa aking tabi habang nagbabakasakaling mahawakan siya. Sobrang dilim ng paligid kaya wala akong aasahan kung hindi ay ang sense of touch ko. Masiyado ring malakas ang hangin na para bang kaunting pagkakamali ko lang ay pwede na ako nitong malipad sa kawalan. "Alessia!" Sigaw ko uli habang patuloy pa rin sa paglalakad, "Nasaan ka na ba! Lumabas ka!" Paulit-ulit ko lang tinatawag ang pangalan niya. Ngunit, kahit ganoon ay tanging tunog lamang ng hangin ang naririnig ko.  Nakakainis naman. Paano ko ba 'yon mapoprotektahan kung mawawala siya sa aking tabi? Hindi naman siguro siya kinuha ng mga namamahala rito? Sabi nga ng Merchant, ang lugar na ito ang mapagkakatiwalaan sa lahat. Pinoprotektahan ng mga ito ang mga mamamayan sa bayang ito. Sana nga lang ay totoo ang lahat ng iyon. "Lumabas ka riyan o iiwan kita!" Sigaw ko ulit. Hindi ko pa rin naririnig ang boses ni Alessia kaya nagpatuloy na muli ako sa paglalakad. Habang tumatagal ako rito, mas lalong lumalakas 'yong ihip ng hangin. Ano ba 'tong lugar na ito? Akala ko ba ay pagsusulit sa paraan ng papel at ballpen. Hindi ko naman inaasahan na makikipag-sapalaran pa pala ako sa hangin.  "Ano ba ang laban ko sa hangin na 'to? Heneral Henry naman!" Sigaw ko. Akala mo talaga maririnig ako ng mga taong 'yon. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa nararamdaman ko na ang unti-unting paghina ng hangin. Mabuti naman. Nangangapa ako habang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa may mahawakan akong isang dingding. Patuloy kong hinahaplos ito hanggang sa may mahawakan akong hugis bilog na bagay. Door Knob? Sinubukan ko itong pihitin upang tignan sana kung bubukas at nagtagumpay naman ako. Isang malawak na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang bigla itong bumukas. "Sa wakas,"bulong ko.  Mas lalo ko itong hinila papunta sa akin hanggang sa tuluyan na itong na buksan. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa aking paningin na naging dahilan ng pagpikit ng aking mga mata. "Mabuti naman at tapos ka na." Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang tatlong tao na malawak na naka-ngiti habang nakatingin sa akin. Sina Alessia, Heneral at Rizy. "Nandito ka na?" Tanong ko kay Alessia habang naka-kunot ang aking noo. Tumango lamang ang aking kaibigan atsaka lumapit sa akin, "Bakit mo binitawan ang kamay ko?" "Hindi ko sinasadya 'yon,"tugon nito. "Anong hindi sinasadya," inis na sabi ko rito at pinitik ang kaniyang noo, "Alam mo ba kung gaano ako nag-alala dahil sa ginawa mo? Sira ka talaga, paano na lang kapag may halimaw na naman tayong nakita. Ano na gagawin mo?" "Hindi ko naman kasalanan na ang layo ko sa iyo!" Sigaw niya, "Ipaliwanag mo na lang po kaya sa kaniya!" Ramdam ko rin ang pagka-inis nito sa akin at sabay tumalikod. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit siya pa itong galit, gayong siya naman itong may kasalanan sa akin. "Sa katunayan niyan, Valerie ay hindi kasalanan ni Alessia ang nangyari,"sabi ni Rizy at ngumiti sa akin, "Sa loob ng silid na iyon, nagba-base ang lakas ng hangin sa inyong kapangyarihan. Dahil nga mas malakas ka kumpara sa iyong kaibigan na si Alessia, mas matagal ka sa kaniya roon at mas malakas ang hangin na kailangan mong labanan. Ang silid na iyon ay ang kauna-unahang pagsubok na dapat niyong pagdaanan bago ang pagsusulit, titignan ng silid kung karapat-dapat ba kayo sa espesyal na pagsusulit. Ngayong ligtas kayo at mukhang wala naman kayong galos na mas lalong nakakagulat. Maari na kayong magpatuloy." Labis ang aking pagtataka habang nakatingin sa kaniya. Sinusuri nito ang buong katawan ko na para bang hinahanapan ako ng sugat o ano.  Is she serious? Anong magagawa ng hangin sa akin? Masasaktan ba ako dahil doon. Ngumiti lamang ako kay Rizy at tumango. Ibinaling ko ang aking tingin kay Alessia na hanggang ngayon ay nakatingin ng masama sa akin. Galit na naman 'tong bruhang 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD