Chapter 10

1523 Words
"Ano na naman 'yon?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin din ng masama. Alam ko naman na nagtatampo ito sa akin dahil pinagbintangan ko siya pero hindi ko naman iyon sinasadya. Akala ko lang naman iyon, at kinakabahan din ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Hindi pa namin gamay ang bagong mundo. Hindi namin alam kung paano ito tumakbo at kung ano ang dapat at hindi dapat naming gawin. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago lumapit sa kaniya. Unti-unti kong itinaasa ang aking mga kamay at yinakap ito ng mahigpit, "Pasensiya ka na,"sambit ko, "Hindi na mauulit." Hindi pa ito tumugon sa aking yakap noong una pero kalaunan ay naramdaman ko na lang ang mahigpit nitong bisig na pumalibot sa akin. Hindi talaga niya ako matiis. Napangiti na lamang ako dahil dito bago humarap kay Heneral at Rizy. Nadatnan ko naman itong  nakangiti habang nakatingin sa amin at tumango. "Akala ko ay panibagong magkaibigan na naman ang masisira dahil sa pasulit na ito,"sabi ni Rizy. Biglang napakunot ang aking noo dahil sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin sa panibagong magkaibigan na naman? "May dapat ba kaming malaman?" Tanong ko sa kaniya. Mabilis na umiling si Rizy sa amin at ngumiti. "Huwag na natin pag-usapan pa iyon,"sambit nito, "Sa ngayon ay uunahin na muna natin ang mga dapat niyong gawin. Malalim na rin ang gabi at siguradong pagod na pagod na kayo. Magpatuloy na tayo sa inyong pagsusulit upang matapos na ang lahat." Tumango lamang ako bilang tugon dito. Na una nang maglakad silang dalawa at sumunod naman kami ni Alessia. Ngayon ko lang na pansin ang isang daan sa aming kaliwa na kung saan walang kahit ni isang ilaw sa paligid. Hindi ko nga inaasahan na mayroon pa lang ganitong pasilyo sa buong building. Sobrang laki nito at ganda sa labas. Kung kaya ay ang nasa isip ko, lahat ng pasilyo rito ay maliwanag. Isa pa, isa itong Guild. Panigurado ay nandito ang mga treasures na nakuha ng kanilang mga miyembro na sobrang importante o walang katumbas ang halaga. Sa pagkakaalam ko, ang guild ang naatasan na protektahan ang mga ganitong klaseng items. Isa na sa rason ay dahil malakas ang kanilang mga employees at ganoon na rin ang leader nila. Hindi ko maiwasana ng sarili ko na mapatingin kay Heneral. Na unang maglakad si Heneral at sinundan naman ni Rizy. Seryosong nag-uusap ang dalawa ngunit hindi namin ito marinig. Naka-kunot ang noo ni Heneral habang nakalingon kay Rizy, samantalang si Rizy naman ay nakayuko lamang na nagpapaliwanag sa Heneral. Binabasa nito ang mga nakasulat sa kaniyang papel na hindi ko maintindihan. Mukhang kailangan ko matuto kung paano magbasa.  Tahimik lang namin sinusundan silang dalawa hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa isang ball room. Anong ginagawa namin sa Ball room? Sobrang lawak ng lugar at ang layo ng ceiling sa sahig. Hindi ko nga alam kung ilang metros ito o ano. Sobrang makaluma rin ang disenyo sa bawat kisame at ganoon na rin sa ibang bahagi nito. Hindi ko naman mapigilan ang hindi magtaka nang makita ko ang dalawang lamesa at upuan sa gitna. Sobrang layu nito sa isa't-isa na para bang may iniiwasan sila. "Nandito na tayo,"anunsiyo ni Rizy at lumingon sa amin. Doon ko lang din na pansin na nakatitig pala silang dalawa sa amin. Sobrang mangha kasi ako sa mga desinyo kaya hindi ko na nakita na nakatingin na pala silang dalawa.  "Ano po ang lugar na ito?" Tanong ng aking kaibigan at unti-unting lumapit sa akin. "Ito ang lugar na kung saan gaganapin ang inyong unang pasulit,"paliwanag ni Rizy, "Sasagutan niyo lamang ang mga tanong na nasa papel." "Bakit ang layo naman po yata ng upuan?" Tanong ko. Itinuro ko ang dalawang lamesa at upuan na nasa gitna. Naiintindihan ko na iniiwasan lamang nila ang mangopya o mandaya pero sobrang exaggerated na naman siguro. Sa tingin ko nga ay nasa kabilang bahagi na ng lugar na ito ang isa pa. Imbes na sagutin ako ni Rizy ay bigla na lang itong pumitik at naglaho sa aming harapan. Mabilis kong inilibot ang aking paningin at hinanap ang dalawa. Nagtatanong pa ako pero bigla na lang ito nawala. Ano ba 'yan. "Paano na 'to?" Tanong ni Alessia. Agad akong umikot upang harapin ang aking kaibigan na nakatingin lamang sa gitna, "Walang problema sa ating dalawa kung ganiyan ang layo ng distansiya ng mga upuan, pero wala tayong alam sa possibleng tanong sa mga papel na ibibigay nila." Isang marahas na buntong-hininga ang aking pinakawalan at ngumiti sa kaniya. "Naiintindihan ko naman ang gusto mong ipahiwatig, Alessia. Ngunit, wala tayong magagawa,"sabi ko at hinawakan ang dalawang balikat niya, "Kailangan nating gawin 'to. Sagutan na lamang natin ang mga tanong na kung saan ay may mga pagpipilian. Hindi naman natin kailangan pilitin ang sarili natin." "Hindi nga,"saad nito, "Ngunit, kung hindi naman natin ito masasagot ng tama ay nasisigurado mo ba na mare-rehistro tayo rito? Impossibleng magkaroon tayo ng tahanan at pagkain kapag ganoon. Kailangan natin ito, Val." Kung sabagay ay tama nga naman si Alessia. Sa katunayan niyan ay kailangan talaga namin itong guild. Kailangan namin ito upang mabuhay sa bagong mundo. Kung wala ito ay wala rin kaming pagkukunan ng pangkabuhayan. Wala rito sina Mommy at Daddy, walang makakatulong sa amin. We are on our own. We should be independent, but how? How can we do that if can't answer the questions given? "Kayo ba ang kukuha sa pasulit?"  Unti-unti akong lumingon sa aming gilid nang biglang may magsalita na isang boses lalaki. Doon namin nakita ang isang maliit na tao na may pakpak sa likod na naka-ngiti sa amin. May suot itong round glasses at medyo may katabaan ang kaniyang katawan. "Ako si Michael, ang inyong taga-bantay at ang naatasan sa inyong pasulit ngayong gabi,"pagpapakilala nito. Isang pilit na ngiti ang aking itinugon sa kaniya at tumango. Hindi ko alam kung gaano ito kalakas pero kung nandito siya sa Guild, panigurado ay may angking talento rin ito. Hindi ko afford na ma-offend siya. "Ako po si Valerie at ito naman ang kaibigan ko na si Alessia,"pagpapakilala ko sa kaniya at tinuro si Alessia sa aking tabi. "Magandang gabi po sa inyo,"bati ng kaibigan ko. "Magandang gabi rin,"tugon nito, "Oh siya! Maari na ba nating simulan?" Napalunok pa ako ng tatlong beses bago tumango. Hindi ako handa para rito pero kailangan na namin matapos ito. "Magaling! Maari na kayong umupo sa inyong upuan,"saad nito at tumalikod na sa amin. Lumipad na ito patungo sa harap na kung saan mayroong malaking black board. Ngayon ko lang na pansin 'yan ah? Saan 'yan galing? "Sa unang pagsusulit na ito ay sasagutan niyo lang ang mga tanong na nasa papel. Hindi naman iyan mahirap sapagkat parte na naman 'yan ng buhay niyo." Parte na ng buhay namin? Iba ang buhay namin kumpara sa buhay nila. Gusto ko sanang umangal pero baka bigla kaming patalsikin kapag nalaman nila na galing kami sa ibang mundo. Hindi rin ako sigurado kung tanggap ba nila ang mga katulad namin o hindi. Gusto kong tanungin pero saka na siguro kapag mataas na ang rank namin sa guild na ito. Siguro kapag dumating ang panahon na kung saan marami na kaming na ibigay sa bayan na ito. "Mayroon lamang kayong isang oras para sagutin ang mga tanong na nasa inyong mga papel. Kapag narinig niyo ang pagtunog nito,"paliwanag niya at pinindot ang isang button, "Kailangan niyong itaas ang inyong mga kamay upang masuri ko ang inyong mga sagot. Kapag ito ay naka-abot sa animnapung marka, maari na kayong magpatuloy sa susunod na pasulit." Animnapu? Hindi ba at seventy five naman 'yong pasado? Oo nga pala... Ibang mundo na itong kinabibilangan namin ngayon. "Taga-bantay,"tawag pansin ng aking kaibigan habang naka-taas ang kaniyang kamay sa ere. Sobrang layu talaga nito sa akin. "Bakit?" Tanong niya pabalik. "Bakit po pala ang layu namin sa isa't-isa? Hindi naman po siguro possibleng mandaya sa lugar na ito, sobrang laki ng silid at dalawa lamang kami,"sabi ni Alessia. Mabuti naman at tinanong mo 'yan, ayaw akong sagutin ni Rizy eh. "Hindi talaga maiiwasan na may magtatanong tungkol sa bagay na ito. Hayaan niyo akong ipaliwanag sa inyo kung bakit,"sambit nito at bumuntong hininga bago nagpatuloy, "Sa katunayan niyan ay noong una ay isang upuan lamang ang pagitan niyo sa isa't-isa, ngunit dahil na rin sa mayroong mga pilyong adventurers. Kumokopya ang mga ito sa kanilang katabi gamit ang kanilang kapangyarihan. Hindi alam ng mga ito na iba-iba ang tanong na nasa papel, kung kaya ay naging resulta ito sa pagbagsak nila at umuwi ng walang na pala." Kaya pala. Bakit ba kasi kailangan pa mangopya? Alam ko naman na normal lang iyon sa mga estudyante, ngunit sa lugar na ito, dapat nasa utak na nila na may kapangyarihan sila. Siyempre, alam na ng mga nagbabantay rito kung ano ang possibleng gawin ng mga kukuha ng pagsusulit. Minsan talaga naglalaho na lang bigla 'yong IQ. "May iba pa ba kayong tanong? Kung wala ay maari na tayong magpatuloy,"nakangiting sabi nito sabay taas ng kaniyang kamay. Kasabay din ang paglutang ng dalawang papel sa gilid niya at dalawang ballpen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD