SHIFT III
"Pa'no, pre? Kita na lang tayo bukas."'
Tinapik pa ako ni Ader sa balikat matapos isukbit ang bag niya sa likuran.
Shift na kasi namin, na late ako ng bahagya dahil umepal ang tiyan ko at ilang beses akong napa-jeb sa banyo.
"Pasensiya na a, na late ka tuloy sa mga date mo." Pagbibiro ko sa kanya na sinuklian niya naman ng suntok.
Pagkaalis ni Ader sa Lounging ay namutawi agad ang katahimikan, hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkabagot sa kinapwe-pwestuhan ko.
Ilang sandali pa ay isinukbit ko ang batuta sa aking likuran at sinuot ang pershing cap ko.
Maglilibot libot muna ako sa buong lounging, kunware inspection. . .pero ang totoo na boboring-an lang ako sa pwesto ko.
Nagsimula akong maglakad patungo sa parking. Kita naman ang entrance at pwesto ko sa parteng ito kaya madali naman akong makakabalik kung may papasok na hindi pamilyar.
Hindi naman gano'n kalapad ang parking area ng lounging, kung tutu-usin wala namang mga magagarang sasakyan na naka park. Tanging owner, multicap, at halos mga motorsiklo na bajaj model ang nandito. May mga Enduro na pang motor drag.
Pumasok pa ako ng bahagya sa parking area.
Wala naman akong gagawin sa pwesto ko! Kaya pag-aaralan ko muna rito sa parking area kung paano ginagawa ng mga barkada ko sa Jamindan ang pagsasalin ng gasolina ng motor palipat sa isa pa.
Natawa ako sa naisip.
Hindi kasi uso sa amin ang car napping. Maliban sa wala namang gaanong "car" sa Jamindan ay puro pa mga sundalo ang may ari!
Kaya gasolina tinitira namin.
Napansin ko ang motor na malaki ang tangke at kulay itim.
"Ang gara naman," pabulong kong saad habang tinitignan ang interior nito habang naka yuko.
Pamilyar ang motor na ito.
Ito yata ang motor nong naka-evo helmet. Siguro nga nakatahi na sa ulo't leeg no'n ang helmet niya kaya hindi niya matanggal-tanggal.
Nabusog ko na yata ang mga mata ko sa mga motor sa parking na kung hindi kalawangin e old model naman.
Pasipol-sipol pa ako habang papalabas ng parking. Ngunit bago pa man ako makalabas ng tuluyan ay nahagip ng mga mata ko ang lalaking na puting t-shirt at naka-upo sa long bench.
Smoking area iyon ng lounging.
Napatingin ito sa akin na tinanguan ko naman.
"Maayong gab-i, boss." Bati ko sa kanya.
"Maayong gab-i."
Maayong gab-i means good evening in hiligaynon.
Aalis na sana ako ng nagsalita pa ito.
"Yosi?" Saad nito ng inaabot sa akin ang isang stick ng sigarilyo.
Bawal sa bahay namin ang sigarilyo. Kaya kahit anong advertise ng mga barkada ko sa bagay na 'yan ay hindi ako naenganyo. Boksingero man si Tatay at punching bag niya si Nanay, ay naging good example naman siya sa pag iwas sa mga bisyo.
Lumapit ako ng bahagya sa lalaki--- madali akong makaramdam. Kapag ganyan ang lalaki, ibig sabihin kailangan nito ng kausap o karamay?
O, yosi?
'Yan ang paraan naming mga lalaki para maiparating na hindi kami 'ok'. Hindi naman kasi kami 'yong tipong hahagulgol na lang bigal at mag e-emote.
Mataman akong napatitig sa kanya, tumango pa ito na para bang sinasabi niya na kunin ko na.
Saka ko lang napansin na pamilyar ang lalaking ito sa akin.
Tinapik ko siya sa balikat bago ako umupo sa tabi niya.
"Hindi ako nag yoyosi, Sir."
Napaismid ito at natawa ng mahina.
"Nag e-exist pa pala ang lalaking gusto niya,"
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakahithit ng sigarilyo.
Siya iyong lalaki na nagbigay sa akin ng calling card at isang daan pang yosi daw no'ng nakaraang linggo.
Si Mamang galante!
"Po?"
"Siniel. Siniel ang pangalan ko."
Napatango-tango naman ako sa kanya.
"Terman," saad ko ng naglahad ng kamay.
Tinanggap naman nito ang pakikipagkaibigan ko. May kalaparan at kalakihan si Siniel kesa sa akin, ngunit taga tainga ko lang siya no'ng nakaraang nagkaharap kami sa pwesto.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Itinaas nito ang yosi na hawak niya na parang sinasabi niya, 'para mag yosi, obvious ba?'
"Pampalipas oras lang. Hindi na ako makahinga sa loob ng unit namin, e." Dugtong nito.
"May kalakihan naman ang unit, kaya lang kung sa bagay kung may pamilya ka at mga anak ay mahirap sa Lounging."
Tumango naman ito iwinitik ang sigarilyo niya. Paubos na ang pinapapak niya kaya nagsindi naman ito ng bago.
"Hindi ako makahinga sa loob. . . Paano, hindi ka gusto ng kasama mo? Kulang na lang ipagtulakan ako."
Napatingin ako sa kanya, may bahid ng pait ang bawat pag ngiti at pagpapakawala nito ng tawa.
"Misis mo?" Hindi ko napigilan ang madulas kong bibig.
Napahalakhak ito bigla na para bang ang talino ko kasi nahulaan ko kaagad ang ugat ng problema niya.
Babae.
Kung hindi sugal o trabaho ano pa ba ang pwedeng problemahin ng mga lalaki? Syempre babae.
"Matalino ka, Terman." Saad nito matapos alisin ang sigarilyo sa bibig niya.
"Yong babaeng kinababaliwan ko, unti-unti nang nawawala sa akin. Ayaw ko naman mangyari 'yon. Kaya kahit anong gawin niya hindi siya makakawala sa akin." Dugtong nito.
Napapilantik ako sa utak ko. At ito na nanaman. Nakatagpo na naman ako ng lalaking hangal sa pagmamahal at nagmamahal sa maling paraan.
Marami pa ba kayo sa mundong 'to?
Wala na yatang kapaguran ang mga 'tong maghabol sa ayaw naman sa kanila. Iniisip ko pa lang kung ako ang na sa sitwasyon nila, nahihingal na ako!
"Nagulat ka?" Natatawa nitong tanong.
"Hindi naman, natural lang naman daw 'yan." Sabi ko na lang.
"Oo, iyong iba handang magsakripisyo para sa lintik na pag-ibig na 'yan. Ako Terman, iba ako."
Napatingin ako sa kanya. Bigla na lang na wala ang mga lukot sa noo niya at bakas ng pagtawa.
"Handa akong pumatay."
"Bakit? May iba ba ang misis mo?"
Napailing ito ng ilang beses.
"Desenteng babae si Uli. Hindi niya magagawang dumihan ang sarili niya."
Bakas ang paghanga ni Siniel sa babaeng kinukwento niya. Bilang lalaki ramdam ko rin na napakatotoo at napakasidhi ng pagmamahal niya sa babae.
Delikado.
Si Siniel ang tipo ng lalaki na hindi alam ang pagpaparaya kung umiibig.
Paano ko nalaman?
He sounds obsessed.
"Kung gano'n anong kinakatakot mo?" Tanong ko.
Panakaw nakaw tingin ito sa entrance kung saan wala ng pumapasok. Tinapon nito sa sahig ang upos ng sigarilyo at tinapak tapak ito.
"I knew she doesn't love me."
Napalunok ako ng lumatay sa boses ni Siniel ang pait.
Dahil sa mga sinasabi niya mas lalo ko lang napapatunayan na h'wag talaga dapat akong bumigay sa mga angkan ni Eva.
"Paano kayo naging mag asawa kung hindi ka niya mahal?"
"Mahal niya ako. Dati. Pero ngayon na nagsama na kami, ramdam ko na nag iba na siya sa akin. Wala siyang lalaki, alam ko. Sadyang hindi na siguro niya ako mahal."
Hindi ko alam kong ako ang basihan ni Siniel sa sinasabi niyang hindi na siya mahal ng asawa nito. Pero isa lang ang alam ko, totoong nasasaktan siya.
Hindi ko rin alam na sa unang pag uusap namin ng masinsinan ay masasabi niya saakin ang mga personal na problema.
"Taga saan ka pala?" Pag iiba nito ng usapan.
"Tubong Jamindan Capiz, ako."
"Malapit lang pala, taga rito ako sa Dumangas. 'Yong asawa ko taga Davao."
"May anak na kayo?" Tanong ko.
"Meron. Isa, si Amena. Ikaw?"
Napatawa ako ng mahina.
"Wala akong anak, mas lalong wala akong nobya." Sabat ko sa kanya.
Natawa rin ito ng mahina.
"At least payapa ang isip mo Terman, hindi kagaya ko. Halos mabaliw baliw na kung ano ang gagawin."
"Alam mo Boss, bigyan mo lang ng pagkakataon na mag isip isip ang asawa mo. Baka naguguluhan lang kayo pareho."
Akala mo naman eksperto ako sa pagbibigay advice. Pero totoo naman. Kapag lalong nasakal sa kanya ang asawa niya, e mas lalo siya nitong iiwan.
"Salamat Terman, salamat sa pakikinig."
Tinapik ko lang ang balikat niya bago kami sabay na tumayo mula sa pagkakasadlak sa upuan sa hindi namin nabilang na oras.
"Tama nga sila, mas maganda sa estranghero mag kwento." Natatawa nitong saad.
"Si Misis mo ba ang tinutukoy mo sa akin ng nakaraan?"
"Oo, kaya kapag may nadaan sa entrance ng ganitong oras paki-tawagan mo ako ha?" Pakiusap nito sa akin.
"Oo naman, makakaasa ka."
Sabay na kaming naglakad pabalik sa entrance, nahinto ako sa pwesto ko at napangiti pa ito sa akin at kumaway bago tuluyang bumalik sa lounging unit niya.
May iilang lodgers pa ang pumasok ng madaling araw, pero sigurado naman ako na hindi iyon ang misis ni Siniel.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya bilang lalaki.
Pero hindi ba mas nakakaawa ang asawa niya na ayaw niya pang palayain gayong alam naman niya na hindi na siya nito mahal.
Putik na relasyon 'yan.
Nakakasakal.
Bakit kasi hindi maintindihan ng mga tao na sa buhay may kailangang bitawan? At hindi sa lahat ng oras, e maghahabol at magmamakaawa.
Begging to be love is not asking for love. . . Kasi ang hinihingi mo ay awa. Hindi pag-ibig.
Bakit kasi kailangan mamilit!
Ang gulo-gulo ng sitwasyon nila.
Nagkaka-crush naman ako, hindi nga lang umabot sa punto na magmumukha akong ulol na aso sa kakahabol.
HINDI pa halos nagbubukang liwayway, pagtingin ko sa orasan ko ay alast kwatro impunto pa lang ng umaga.
May mga dumadaan nang mga sasakyan at mga nakabukas na rin ang lugawan at kapehan sa harap at gilid ng Lounging.
Hindi pa ako pwede umalis sa pwesto dahil wala pa si Ader.
Nagugutom na ako.
Pansamantala akong umupo sa mono block ko, ngunit hindi pa man nakakalapat ang pwetan ko sa upuan ay napaigtad ako ng may mamataan na babae na halos doble ang bilis ng paglalakad papasok sa entrance.
Kakaiba ang suot nito.
Nakakulay itim balabal na balot na balot sa mukha at buong katawan niya.
"Sandali lang!" Bulyaw ko.
Napahinto ito at napalingon sa akin at nagtama ang aming mga mata.
Tila may kung ano sa loob ko ang biglang tumambol habang hindi ko maalis ang mga titig ko sa kanya.
Pakiramdam ko ay hinihigop ako ng mga mata niyang parang hinahalukay ang kaluluwa ko.
Mahaba, itim, at may kakapalan ang mga kilay nito na pinarisan ng mga mata niyang parang mata ng isang indian. Itim na itim ito na parang may eye liner.
"Bakit po?"
Parang nabalutan ako sa malamig at malaki nitong boses.
"D-Dito ka po naka check in, Ma'am?" Pinilit kong h'wag mautal pero nabigo lang ako.
"Opo," saad nito bago tumungo.
"Bago lang kasi kita nakita rito, Ma'am."
"Matagal na po ako dito," sagot nito.
Napaiwas na ito ng tingin sa akin. Mapino ito magsalita at gumalaw, parang sinanay siya at iningatan.
"May ID po ba kayo?"
Agad na man itong napailing ng ilang beses habang nakayakap sa kanyang sarili.
Alam ko kung anong uri ng pananamit ang mayroon siya. Ng nakaraan lang ay nakakita kami ni Ader ng kapareho ng damit niya sa labas ng simbahan na inakala ko pang madre.
Bahagya itong napatagilid na para bang may inaabangan sa may hagdanan ng hallway papuntang second floor.
Magsasalita na sana ako ng mahagip ng mata ko ang lunal niya sa gilid ng mga mata. . .pamilyar ito!
Parang nakita ko na siya. Posible kayang siya rin ang na sa labas ng simbahan ng linggo?
Magsasalita pa sana ako para tanungin siya kung siya nga iyong na sa labas ng simbahan ngunit mabilis na itong tumalikod at iniwanan akong nakatunganga na parang timang.
Parang may hinahabol na naman itong oras. Kahit sa mabilis niyang paglalakad ay parang ang pino-pino pa rin ng galaw niya.
Ano ang ginawa sakin ng babaeng 'yon?
Pakiramdam ko ay nalunod ako sa mga titig niya.
Napalingon ako sa pinanggalingan niya, napakunot ang noo ko sa isang bagay na naiwan niya sa kinatatayuan niya.
Nilapitan ko ito at dinampot. Agad na kuminang ang kulay pulang mga beads ng parang kwintas na may palawit na tinastas na mga tela.
Ano ito?
Hindi ito kwintas o lucky charm.
Ang babaeng 'yong ay isang Muslim. . . Ano kaya ang bagay na ito na nahulog niya?
Pero higit sa lahat na tanong ko ay, bakit kakaiba ang naramdaman ko ng nagtama ang aming mga mata?