SHIFT IV

2513 Words
SHIFT IV Hypnotize, tama! Napakurap ako ng ilang beses ng maalala ko na naman ang babaeng muslim na nakadaupang palad ko ng nakaraang linggo. Hindi naman siguro siya nang hy-hypnothize, diba? Timang lang siguro talaga ako. Alam kong hindi magagawa ng kagaya niya ang mang hypnotize. Matapos ang isang linggo hindi ko na siya ulit nakita pa matapos ang tagpong 'yon. Pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing naaalala ko ang mga mata niya, parang nangangatog talaga ako at hindi ko maipaliwanag ang pagtambol ng mga daga sa dibdib ko. Nakakabakla pero ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa mata ng tao. Alam ko hindi naman siya masamang tao. Mapino at malumanay ang malayelo't malaki niyang boses. Pati ang pag galaw niya ay mapino---hindi kagaya ng mga babaeng nakilala ko mga magaslaw. Sa katunayan hinahangaan ko ang mga babaeng katulad niya, konserbatibo at may pangangalaga sa dignidad. Ang katulad niyang babae ay parang pinalaki sa pamilya ng mga disiplinado at mga ka respe-respito. Wala akong gaanong alam sa mga pananampalataya ng mga Muslim, basta ang alam ko sila 'yong mga taong may mataas na pananampalataya. Ano kaya ang pangalan niya? Gusto ko siya makilala. Habang nagkakape ako at nag-iisip isip ay dumating na si Ader. Shift na pala namin. Inumaga na ako kakaisip sa babaeng 'yon. Lumipas na naman ang gabi na hindi na dumaan ang babaeng Muslim dito. "Ayos ka lang, Terman?" Usisa nito ng hindi pa ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nasanay 'yan na sabik ako umuwi. Pero ngayon parang ayaw ko pa. Gusto ko pa siyang abangan. Gusto ko pa abangan sa entrance na iyan ang babaeng hindi na ako pinatulog ng isang linggo. Kapag pipikit ako bigla ko na lang makikita ang mga mata niyang parang may lahi na may lunal sa gilid. "Dito lang muna ako." Sabi ko habang sumisimsim sa kape. "Hoy, ungas! May problema ka, no?" Napangisi ako sa kanya. "Wala, boryo lang ako sa boarding house." "Ogag, paano ang shift mo mamaya kung hindi ka magpapahinga?" May punto siya. Napanakaw ako ng tingin sa entrance. Gusto ko pa rin kasi manatili para makita siya. Kahit matanong ko lang ang pangalan ayos na ako do'n. "Terman," tawag ni Ader sa'kin. Umupo ito sa tabi kong mono black at hinawi ang mukha ko paharap sa kanya. Napaurong ako sa ginawa niya. "Ano ba, Adriano!" Suway ko sa kanya. "Ungas ka, h'wag mong sabihing tumitira ka na ng damo Terman, kaya hindi ka ina-antok---" Hindi niya natapos ang sasabihin ng inunahan ko siya ng kaltok sa ibabaw pershing cap na nakapatong sa ulo niya. Hindi siya magkamayaw sa kakatawa't tinuturo turo pa ako nito. "Ulol, hindi ako nag sha-shabu. Ba't ko gagawin 'yon." Pinasadahan ako nito ng tingin na tila ba inaalisa niya ako habang nakangiti. "Ilang araw ka ng aligaga Terman. . . May naka one night stand ka 'no---aray!" Reklamo nito habang hawak sa ulo niya na may pershing cap. "Mahal ang ang ano ko 'no. Hindi ako namimigay basta-basta." Ako naman ngayon ang napangisi. "Eh, ano 'yang dinadrama mo?" "Babae." Napapilantik ito na para bang na kumpirma ang na sa isip niya. "Sabi na, e! Oh, bakit? Akala ko ba ayaw mong pinoproblema ang mga babae?' "Iba siya. Saka hindi ko siya gusto." "Tapos?" "Curious lang ako." Sagot ko. Napahalakhak ito sa sagot ko. "Wow, pare. Ibang klase ang style mo ha? Curiousity? Bakit?" "Hindi ko siya gusto, Ader." Pagkumpirma ko ulit. "E, bakit ka curious sa babaeng 'yon?" Napabuntong hininga muna ako at hinigop ang kape kong nag aagawan na sa init at lamig. Nakaligtaan ko na dahil sa pakikipag usisa ni Ader sa katimangan ko ng mga nagdaang araw. "Takot." "Ha? Takot?" "Oo, takot." "Nakatira ka nga talaga yata. Bakit ka naman matatakot?" "Natakot ako ng magtama mga mata namin, hindi siya pangkaraniwang babae." Tila na weirduhan na si Ader sa mga sinasabi ko. Alam ko kung ano-ano na namang mga kwentong enkanto ang nabubuo sa isipan niya. "She's a Muslim." Pag amin ko. Napakurte bilog ang mga labi nito na parang may isa pang nakumpirmang teorya sa isipan niya. "Kaya pala! Mahilig ka siguro talaga sa mga nakabalot. No'ng na sa labas tayo ng simbahan parang tutunawin mo na 'yong babaeng muslim din sa kakatitig." Gusto kong sabihin kay Ader na malaki ang posibilidad na ang babaeng 'yon ay ang babae ding nakatagpo ko dito sa entrance. "Natakot ako. Hindi ko alam kung bakit." "Gusto mo siya makilala?" Napatango ako agad sa kanya. "Tutulungan kita. Ng mawala yang kabag mo." Napapailing na saad nito. "Talaga?" Hindi ko alam pero na sabik ako. "Oo, pero umuwi ka nga muna! Night shift mo mamaya ulit nandito ka pa." "Salamat, tol ha!" Sa wakas sana makilala na kita. HAWAK-hawak ko ang tila kwintas na may mga kulay pulang beads at palawit. Mataman ko itong tinitigan. Maganda. . . Makislap. Buong ingat ko itong inilagay sa aking kabinet. Sana kapag nagkita kami ng babaeng 'yon ako mismo ang magsasauli ng bagay na ito sa kanya. Alam ko. Nararamdaman ko na napakahalaga ng bagay na ito sa kanya. Baka nga hinahanap na niya iyon ngayon. Nakaupo ako sa mono block ko habang nakapatong ang mga paa sa lamesa at nilalantakan ang cup noddles. Ito na ang hapunan ko para mamaya. Magbabaon na lang ako mg biscuit sakaling gutumin ako. Sa katapusan sweldo ko na. Sa wakas makakapagpadala na ako kay Nanay ng unang sweldo ko. At higit sa lahat makakatikim na ako ng matinong agahan at hapunan. Pakiramdam ko puro na lang noddles at kape ang laman ng tiyan ko, e. Nag ayos na ako ng mga gamit bago maligo, nasasabik na ako sa balita ni Ader sa akin. Sana lang may maganda siyang balita. "PASENSIYA na Terman, inabangan ko naman kung may lalabas diyan na naka pang damit Muslim pero wala talaga, e." Parang bumagsak ang mga balikat ko sa balita ni Ader. Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganitong uri ng pagkadismaya. Parang makirot sa dibdib. Putik. Ano ba nangyayari sa'kin. "Paano? Mauna na ako." Tumango lang ako kay Ader. Buong magdamag na naman akong nakadilat dito sa pwesto ko, hindi ko nga alam kung guwadiya pa ba ang tawag sa'kin dito. Halos alas nueve na ng gabi, panaka naka akong napapasiplat sa smoking area baka sakaling maligaw ulit si Siniel para naman may makausap ako. Isinukbit ko ang batuta ko para romunda sana sa buong Lounging area. Wala naman akong gagawin kundi tumunganga diyan hanggang sumikat ang araw. Nakatalikod ako sa pwesto ko habang inaayos ang mga gamit ko. "Excuse me," Napaigtad ako at apalingon sa pinanggalingan ng malaki't pamilyar na boses na halos magbalot na naman ng yelo sa'kin. Tumama ang mga mata ko sa mga mata niyang parang nanghihigop. Bumaba ang tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa. Nakasuot na naman ito ng pandamit muslim, ngayon ay kulay puti ito. "Magandang gabi po," saad ko ng makabawi ako. Antagal kong hinantay ang pagkakataon na ito. Bahagya itong napayuko, "magandang gabi," Napalingon lingon ako sa paligid para tingnan kung may kasama siya o kung ano ang possibling kailangan niya. "May kailangan po kayo, Ma'am?" "Pasensiya na sa abala, Sir. Puwede po ba makisuyo?" Malumanay pero ang laki ng boses nito. Hanggang dibdib ko lang siya at kung babasihan ang kanyang noo, siguradong kutis porselana siya. Tatlong beses akong napatango at itinukod ang kaliwang kamay ko sa poduim. "Mga paninda ko 'to hindi na kasi ako makakalabas pa mamaya. Maykukuha nito rito." Sabi nito sabay abot sa akin ng may katambukang tote bag na kulay maroon. Inabot ko ito mula sa mga kamay niya. . . Pero napatitig ako sa mga kamay niyang parang mga kandila ang daliri. Totoo palang may mga daliring gano'n? Napakurap ako ng tila nagtataka ito kung ano ang tinitingnan ko. "Puwede niyong inspekyunin ang laman niyan," Alam kong nakangiti siya ng sinabi niya iyon. Hindi ko alam pero parang nilamig bigla ang sikmura ko sa kanya. "Ano po ba mga laman nito?" Mausisa kong itinaas ang bag at bahagya lang na sinilip ito. Minsan naiinis ako sa trabaho ko. Kailangan ko kasing manghalungkat lagi ng mga bag ng may bag. Nagmumukha akong tsismoso! "Mga polseras, kwintas, Tasbeeh, saka sibha ang mga laman niyan." Paliwanag nito. Sa mga binanggit niya polseras lang at kwintas ang naiintindihan ko. Siguro hindi naman mapanganib ang mga 'yon diba? Ayaw ko naman siya pagdudahan gayong napakadisente niyang babae. Trabaho lang talaga 'to. Tumango ako sa kanya at inilapag na ang bag niya sa loob ng poduim ko. "Sige Ma'am, makakaasa ka." "Suralin," saad nito. Alam kong sa likod ng telang nakatabing sa mga labi niya, alam kong nakangiti siya. Diyos ko, mali ba na hilingin ko na sana nakikita ko ang mga ngiti niya? "Suralin na lang ang itawag mo sa akin." Saad nito at inabot sa akin ang kamay niya. Sa buong buhay ko ngayon lang naging mapurol ang utak ko at napatitig lang ako sa kamay niyang nakalahad. Kung kanina parang lumamig lang ang tiyan ko, ngayon gusto ko nang maupo sa kakaibang pag deleryo nito. Kabag ba 'to o usog?! Put*k! "Ayos ka lang?" Tanong nito. Agad akong napakurap bago tumayo ng tuwid. Tumama ang mga mata nito sa dibdib ko. "Terman. Terman po Ma'am." Turan ko bago tinanggap ang kamay niya. "Alisin mo na ang po at Ma'am. . . Suralin Marohom. Suralin na lang." Sabi nito. "Nagkita na tayo ng nakaraan, kaya lang nagmamadali ako late na kasi." Dugtong niya. Sa bawat galaw ng ulo niya mas lalong na hi-highlight ang nunal nito sa gilid ng kanang mata. "Ah, o-oo." Parang gusto kong batutahin ang sarili ko sa pagkakautal. Putiks. Tumango tango naman ako at napaigtad ng kusa nitong binawi ang kamay niya. Parang napaso ako sa sariling pagkapahiya. Ang lambot ng palad niya. Halatang inilagaan siya ng sobra. "Budyal ang pangalan ng kukuha ng bag naiyan, tapos babalikan ko na lang bukas?" Maikli kaya ang buhok niya? Curious ako kung ano ang buong itsura niya. "Sige, kung hindi mo ako maabutan ihahabilin ko na lang kay Ader. Siya ang ka shift kong security guard dito." Tumango naman ito ng marahan. Ang lumanay at lambot pati ekspresyon ng mga kilay niya. Pero yong mga mata niya hindi ko maitatanggi na parang nanghihigop ng kaluluwa. Pakiramdam ko may lahi siyang Indiana. "Thank you, Terman." Marahan itong tumungo bago humakbang upang talikuran na ako. Kahit sa paglalakad niya ay parang sinanay rin sa mapinong paraan. Tuwid na tuwid ang likod nito habang ang dalawang kamay ay nakapaloob sa kanyang bulsa. Kahit sinong lalaki na makakasalubong niya uurong ang dila dahil sa nakakaintimidate niya presensiya. Suralin Marohom. . . Ngayon lang ako nakarinig ng pangalang ganoon, kakaiba----maganda. Maganda rin kaya siya? Kasalanan kaya kung pati sa itsura niya ay curious ako? Akala ko ba pangalan niya lang ang aalamin ko? Bakit ngayon pati mukha niya. May awtoridad sa pagkilos ni Suralin. Na kahit ako na malaking tao kesa sa kanya, parang tumiklop ang angas ko. Ano kaya ang meron sa babaeng muslim na iyon? ALAS TRES pasado ng may humintong tricycle sa harapan ng lounging. Lulan ng tricycle ang sa hula ko ay mag asawang Muslim. Pareho silang nakasadamit pang Muslim, ngunit hindi katulad ng kay Suralin. Ang babaeng naka kulay dilaw ay walang takip sa mukha pero may balabal. Pwede pala 'yon? Ibig sabihin pwede ring ilantad ni Suralin ang mukha niya. Umibis ng tricyle ang lalaking muslim na naka kulay puti na damit, alam ko pang muslim ito pero hindi ko alam ang tawag. "Magandang gabi po," bati ko sa kanya. "May Allah bless you," at tinunguhan ako nito. May katambukan ang lalaki at sa tansiya ko ay na sa kwarenta na ang edad. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Basta ang alam ko lang din, Allah ang tawag nila sa Diyos. "Ikaw po ba si Budyal?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito at may kinuha sa bulsa niya. "Paki sabi na lang kay Suralin na maraming salamat sa produkto niya." Inabot nito sa akin ang isang sobre. Nahagip agad ng mga mata ko ang hindi pamilyar na kataga. Shukran, Mater Suralin. Kinuha niya na ang bag na iniwan sakin ni Suralin at agad ding umalis. Nasasabik na akong magbukang liwayway. Gusto ko ulit siya makita! SUMAPIT ang bukang liwayway. . . Para akong timang na nakaabang pa rin ang mga mata sa entrance ng lounging. Ano ba ang nangyayari sa'kin? Hindi naman ako nag dadamo pero parang nakatira ako. Ilang sandali pa at six thirty na ng umaga, saka ko naman na mataan na papalapit ang motor ni Ader. Nandito na ang ungas. Nakangising pumwesto sa harapan ko si Ader na para bang kinikilatis na naman ako. "Dakilang night shift, ano ang baon mong kwento ngayon?" Napailing ako sa kanya ng natatawa. "Nakilala ko na siya." Pag amin ko. "Sino, 'yong Muslim?!" Napatango ako sa kanya at hindi ko na naman maiwasan ang pag arko ng mga labi ko. Putiks. Ayaw ko na nito. Nakakatimang! Kapag naaalala ko ang mga mata niyang nanghihigop parang gusto ko na lang din magpahigop. That woman is something. "Ano ang pangalan niya?" Napaupo ako sa mono block at inilagay sa likod ng aking ulo ang mga nakasalikop kong kamay. Naka puting tshirt na lang ako ngayon at slacks. Napatingala ako sa ulap. . . Ngayon lang yata ako natuwa sa ulap. Puting puti ang mga ito. . . Parang si Suralin kagabi sa suot niyang nakabalot sa kanya. Napapailing na lang ako sa sarili ko. "Terman may problema ka na yata sa Night shift mo, puyat na yata utak mo kung ano ano na nangyayari sayo." Kumento ni Ader. Sasagutin ko na sana ang litanya ni Ader ng bigla ako nitong tapikin sa mga binti ko. Napalingon ako sa nginunguso niya. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa kinauupuan ko. Na sa harap ko na kasi ngayon ang ulap--- Si Suralin. Naka puti pa rin ito. Parang buhay na buhay ang itim na itim niyang mga mata. "Magandang umaga," bati nito sa akin. "Nandiyan ka pala," natataranta akong tumayo at nanghalungkat ng gamit. Parang bigla na lang hindi ko maalala kung saan ko nilagay ang sobre na binigay ng Budyal kagabi. Nasaan ba 'yon?! Ramdam ko ang tensyon sa loob ng tiyan ko. Kabag, usog, ngayon naman pururot yata! "Pare, umayos ka yong poise mo." Bulong ni Ader. Nakapa ko sa likurang bulsa ko pala nailagay ang sobre. "Pasensiya na," hilaw akong napangiti sa kanya. "Salamat Terman, ah." Hindi ko alam kung paano pa akong nakakatayo ng tuwid gayong parang hinahalukay na ang tiyan ko sa presensiya niya. I should be masculine and firm! Ano ba ginagawa ko?! Sa pag iisip ko ng kung ano-ano, hindi ko agad na pansin ang iniaabot nitong supot. "Para sayo, pasasalamat lang. Niluto ko 'yan kanina." Sabi nito. Alam kong nakangiti siya. "Salamat din Suralin." Naamoy ko kaagad ang ampalayang ginisa. . . Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Maliban sa curious ako sa kanya, ano pa ba ang nagpapasidhi ng kaba ko tuwing nakikita ko ang pares ng mga mata niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD