NANG magising si Geri kinaumagahan ay ang gwapong mukha ni Lucas ang bumungad sa kaniyang paningin. Napabuntong hininga siya matapos maalala ang mga maiinit na sandaling pinagsaluhan nila buong magdamag. Kusang kumilos ang isa niyang kamay at masuyo iyong humaplos sa pisngi ng asawa. Ayaw niya mang aminin pero na-miss niya ang lalaking ito. Sa totoo lang ay ito talaga ng dahilan kung bakit iniiwasan niya si Lucas. Alam niya kasing hanggang ngayon ay may pagtingin pa rin siya rito. Alam niya ring agad na bibigay ang katawan niya sa oras na dumampi ang mga labi nito sa kaniya. Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari kagabi kaya naman kailangan na niyang umalis bago pa man ito magising. Masakit man ang buong katawan ay pinilit niyang tumayo at dahan-dahang pumasok sa loob ng banyo. Kasaba

