NANG makapasok si Lucas sa resto bar ay agad na hinanap ng kaniyang mga mata si Geri. Gano’n na lang ang panlulumo niya nang makitang wala ito sa stage at tanging ang dalawang ka-band mates lang nito ang nagpe-perform. Lumapit siya kay Yani sa bar counter. “Yani, nasa’n si Geri? Hindi ba siya kakanta ngayong gabi?” “Naka-leave siya ngayon.” Bigla siyang nanlumo sa sinabi nito. Ilang oras niya pa lang hindi nakikita si Geri pero miss na miss niya agad ito. “Alam mo ba kung kailan siya babalik?” Hininto ni Yani ang paghihiwa ng lemon at tumingin sa kaniya. “Well, ang sabi niya sa amin ni mamang babalik lang daw siya sa trabaho ‘pag wala ka na sa resort na ‘to.” “Seryoso?” Tumangu-tango ito. “Ayaw ka kasing makita ni Geri. Anino mo pa nga lang makita niya, nabubwisit na ‘yon.” d

