NAPABALIKWAS ng bangon si Geri nang magising kinaumagahan at makita ang oras sa nakasabit sa wall clock, alas-dyes na ng umaga. Wala na si Lucas sa kama. Plano pa naman niya ay maaga siyang gigising para ipagluto ng almusal ang kaniyang asawa, para magampanan niya ang isa sa mga tungkulin bilang mabuting may-bahay nito. Babangon na sana siya sa kama nang biglang bumakas ang pinto ng kanilang silid at niluwa niyon si Lucas na may bitbit na tray na puno ng pagkain. Naka-boxer shorts lang ito kaya naman hantad ang matipuno nitong pangangatawan at ang nakabukol nitong p*********i. "Good morning, honey." malapad ang ngiting bati nito habang naglalakad palapit sa kama. "Breakfast in bed." Napakamot siya sa ulo. Nakakahiya naman. Ito pa talaga ang nagluto ng agahan nila. "Sana ginising mo ako

