"MAG-INGAT ka sa byahe mo. Tumawag ka agad sa akin pagdating mo sa Manila. Saka ikumusta mo ako sa mommy mo. Tell her to get well soon." Sunod-sunod na habilin ni Geri sa asawa habang naglalakad sila palapit sa ferry boat na sasakyan nito. "I will." Mayamaya ay huminto si Lucas sa paglalakad. Napilitan din siyang huminto sa paglalakad tapos ay bumaling dito. Laylay ang mga balikat nito at sa mga mata naman ay bakas ang matinding kalungkutan. "Hon, what's wrong?" Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Para bang ayaw na siya nitong bitawan. "Parang ayoko nang umalis. Huwag na lang kaya ako tumuloy? Hindi na ako sanay nang wala ka sa tabi ko, Geri." "Lucas, hindi p'wede. Kailangan ka ng mommy mo ngayon." "Pero paano ka?" Nalulungkot man dahil sa nalalapit nilang paghihiwalay ay pinili

