29: NO PLACE THAT FAR

1542 Words

DALI-DALING nagtungo si Lucas sa loob ng kaniyang sasakyan para kunin ang gamot niya sa migraine. Matapos maka-inom ng gamot ay nagpahinga muna siya sandali sa loob ng kotse. Pinag-krus niya ang mga kamay sa ibabaw ng manibela at sinubsob doon ang ulo. Sa pagpikit ng kaniyang mga mata at agad niyang nakita ang magandang mukha ni Geri. Napangiti siya nang muling sumagi sa isipan ang maamo nitong mukha. Ano ba ang mayro'n sa babaeng iyon at halos mabaliw na siya sa kakaisip dito? Nang mabawasan ang sakit ng ulo ay bumalik siya sa event hall para mabati ang tita niya sa kasal nito at syempre para makita ulit ang babaeng laging hinahanap-hanap ng kaniyang paningin. Ngayong nakita na niya si Geri ay hindi siya makakapayag na hindi niya ito makilala ng personal. Agad na inilibot ni Lucas a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD