“WHAT THE f**k?” hindi makapaniwalang bulalas ni Geri habang nakatingin sa lalaking papalapit sa direksyon nila. Pinanlakihan siya ng mga mata. Tila nagdilang anghel kasi ang biro ni Amanda kanina. Sino ang mag-aakala na ang lalaking pinag-uusapan nila kani-kanina lang ay heto na ngayon at nakatayo na sa harapan nila. "Hello, ladies." nakangiting bati ng lalaki nang tuluyan itong makalapit sa kanila. Nilahad nito ang kamay sa harapan nila at nagpakilala. “I'm Lucas Alegre." “You’re Lucas from Victoria’s Construction Firm?” paninigurong tanong ni Amanda. Ang secretary kasi nila ang nag-confirm ng reservation ni Lucas kahapon kaya naman hindi masyadong na-check ni Amanda ang mga personal details na ibinigay nito. At sa sobrang pagmamadali ni Amanda kanina, ang tanging nakuha lang nito

