9

1914 Words
“THANK god you’re still alive.” bulalas ni Yani na noon ay nakatayo sa tapat ng silid ni Geri na tila inaabanagan ang kaniyang pagbalik. “Grabe! Nag-alala kaming lahat sa iyo. Okay ka na ba?” Tumangu-tango siya. “Oo, besh. Okay na ako.” Si Yani ang nagbukas ng pinto ng kwarto niya. Dala nito ang pouch niya na naiwan niya kagabi sa bar dahil sa sobrang kalasingan. “Bakla ka talaga ng taon! Sa susunod nga huwag kang iinom kung hindi mo naman kaya.” sermon nito sa kaniya. “Oo na po.” pumasok na sila sa loob. Agad na nahiga si Geri sa kama. Ang tindi ng hang over niya kaya gusto niya lang mahiga at magpahinga ng mga oras na iyon. Tumabi si Yani sa kaibigan. “Buti na lang talaga at sinundan ka ni sir Lucas kagabi. Kung hindi naku, baka nawala na ang best friend ko.” Bumaling siya kay Yani. “Talaga ba? Sinundan niya ako?” “Oo, teh!” agad nitong tugon. “No’ng lumabas ka kagabi sa bar, nagbayad agad siya ng in-order niya. Hindi na nga hinintay iyong sukli niya sa sobrang pagmamadali. Ang laki tuloy ng tip ko.” Napangiti siya sa narinig. Tila may kung anong humaplos sa puso niya sa nalaman. Bakit niya kaya ako sinundan? “Sana all may knight in shining armor.” kinikilig na wika ni Yani. “In fairness, bagay kayong dalawa.” Inirapan niya ang kaibigan. “Sira.” Napansin ni Geri ang unti-unting pagbilis ng t***k ng puso niya. Ano ba itong nararamdaman niya? Hindi ba’t ganito rin ang naramdaman niya noon sa tuwing kinikilig siya kay Zion? May pagtingin ba siya para kay Lucas? Hindi pwede! Agad niyang sita sa sarili. Dahil lang siguro ito sa pagligtas ni Lucas sa buhay niya kagabi. “Alam mo, baks? Bagay na bagay kayo.” nagpatuloy pa rin sa pambubuyo si Yani sa kaibigan. “Kung ako sa iyo, kalimutan mo na si Zion. Mapapahamak ka lang sa impaktong iyon. Kay papa Lucas ka na lang. Mas gwapo at mas macho pa. At mukhang mayaman.” “Tumigil ka nga. Lalong sumasakit ang ulo ko sa iyo. Kahapon lang natin nakilala ‘yong tao. Sa gwapo ni Lucas imposibleng walang girlfriend or asawa ‘yon.” pilit niyang tinago ang kilig na nararamdaman sa harap nito. Mukha ngang mayaman si Lucas. Pansin niya kasi na puro mamahalin ang mga damit at gamit nito. Kaya imposibleng magkagusto sa kaniya ang isang tulad nito. At isa pa, sa tindi ng sakit na pinagdadaanan niya ngayon, parang ayaw na niyang pumasok ulit sa isang relasyon. “Alam mo ba kagabi habang kumakanta ka sa stage titig na titig siya sa iyo? Gusto ko na ngang bigyan ng tissue kasi baka tumulo iyong laway.” Natawa siya sa sinabi nito. “Baliw.” Pinikit na niya ang mga mata. Hindi rin makatulog si Geri nang mga sandaling iyon. Hindi dahil patuloy pa rin si Yani sa pagkukwento nito, kundi dahil naiisip niya ang mga sinabi nito kanina. Totoo nga kayang todo ang titig sa kaniya ni Lucas kagabi? At totoo rin bang sinadya nitong sundan siya sa tabing dagat? Pero bakit? MATAPOS ang halos isang oras na pakikipagkwentuhan, sa wakas ay naisipan ding lumabas ni Yani sa kaniyang silid. Nanatili lang siyang nakahiga sa kama. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang ulo niya dala ng matinding hang over kaya naman gusto niya lang matulog at magpahinga. Nang ipikit niya ang mga mata ay may isang eksenang nag-flash sa kaniyang isipan. Nakahiga sila ni Lucas sa kama. Yumakap siya sa nakatalikod na binata at nang humarap ito sa kaniya ay umunan siya sa matipuno nitong braso at hinalikan niya ito sa mga labi. At hindi iyon simpleng halik lang kundi torrid kiss. Napabalikwas siya ng bangon. Imagination lang ba ‘yon? Pero bakit parang totoo? "What the f**k, Geri? Did I kiss him last night?" naiinis niyang tanong sa sarili. Pakiramdam niya ay parang lalong sumakit ang ulo niya sa katanungang iyon. Tila wala sa sariling napahawak siya sa mga labi. "Aayyyy! Geraldine Acosta, nakaka-inis ka talaga!" naiinis na sinabunutan niya ang sarili. "Muntik ka na ngang malunod bigla ka pang nanghalik. Nakakahiya ka! Baka isipin niya ang landi-landi mo." Muli siyang nahiga subalit hindi na siya dinalaw pa ng antok. Naligo na lang siya tapos ay nilabhan ang t-shirt at boxer shorts na pinasuot sa kaniya ni Lucas kagabi. Matapos ayusin ang sarili ay bumaba na siya at nagtungo sa laundry area para i-dryer ang kaniyang nilabhan. Tapos ay nagtungo siya sa silid ni Lucas. Bumunot muna siya ng hininga bago kumatok sa pinto. Agad na nagbukas ang pinto at niluwa ang gwapong binata. Naka-asul itong board shorts at sandong itim kaya naman bakas na bakas ang kakisigan nito. Agad itong napangiti nang makita siya. "Geri, ikaw pala." Pakiramdam niya ay biglang umurong ang dila niya nang makita ang gwapo nitong mukha, lalo na ang mapupula nitong mga labi na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makompirma kung hinalikan niya nga ba ang mga iyon kagabi o hindi. "May kailangan ka ba?" "Ah, eh." tumikhim muna siya bago nagsalita. "Isasauli ko lang iyong damit mo." Inabot na niya rito ang isang paper bag na agad naman nitong tinanggap. "Salamat nga pala ulit kagabi." Napakamot siya sa ulo. Muli na naman kasing nanumbalik sa kaniyang alaala ang mga kagagahang nagawa niya kagabi. Isang desisyon ang agad na nabuo sa kaniyang isipan. Kailangan niyang alamin ang katotohanan. Nakakahiya man ay tatanungin niya si Lucas kung hinalikan niya nga ba ito kagabi. Pakiramdam niya kasi ay hindi matatahimik ang loob niya hanggang hindi niya nalalaman ang totoo. "May gagawin ka ba ngayon? Gusto mo bang magmeryenda? My treat." nakangiting alok niya rito. Ginantihan siya nito ng ngiti. Lumabas ang mapuputi't pantay-pantay nitong mga ngipin. Pakiramdam ni Geri ay para siyang nalusaw sa ngiting iyon. Pak! Ang gwapo! tili ng utak niya. Parang gustong batukan ni Geri ang sarili niya nang mga oras na iyon. Kagabi lang ay halos mamatay siya dahil sa kahibangan sa dati niyang kasintahan pero ngayon ay kinikilig na siya sa isang simpleng ngiti ng isang lalaking kahapon niya lang nakita at nakilala. "Well, sino ba naman ako para tanggihan ang alok ng isang napaka-gandang babaeng tulad mo." tugon nito sabay kindat sa kaniya. "Bolero!" kunwari ay naiinis niyang turan ngunit ang totoo ay kinilig siya sa mga sinabi nito. Inihagis na lamang ni Lucas ang paper bag sa ibabaw ng kama tapos ay lumabas na ito ng silid at ni-lock ang pinto. Laking gulat niya nang hawakan ni Lucas ang isa niyang kamay. "Shall we?" Nginitian niya lang ito. Habang naglalakad sila ay ramdam ni Geri ang tila libo-libong boltahe na gumagapang sa kaniyang katawan dahil sa simpleng paghawak nito sa kaniyang kamay. Ramdam niya rin ang abnormal na pagtibok ng puso niya. Ano ba ang nangyayari sa kaniya at gan’on na lang ang tensyon na kaniyang nararamdaman? ISANG nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Amanda nang makita nito sina Geri at Lucas na magka-holding hands habang naglalakad papasok sa resto bar. Sa umaga kasi ay kainan iyon at sa gabi naman ay inuman at may live band kung saan tumutugtog sina Geri. "Good afternoon." bati nito habang naglalakad palapit sa kanila. “Good afternoon po.” bati ni Lucas dito. "Mukang may date ang alaga ko. At ang sobrang gwapo ng ka-date." kinikilig na bulong ni Amanda sa teynga ni Geri. "Mamang, magmemeryenda lang kami." ganting bulong niya rito. "Nang magka-holding hands? Huwag mo akong charutin!" Pinamumulahanan ang mukhang binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Lucas. Iginiya na sila ni Amanda sa isang bakanteng lamesa. Inalalayan siya ni Lucas sa pag-upo bago ito naupo sa isang silya sa kaniyang harapan. "Pogi, here's our menu." malanding wika ni Amanda sabay kindat sa binata. "Ano bang especialty niyo rito?" "Ako sa umaga, si Geri naman sa gabi." Natawa sila sa sinabi nito. "Mamang, umayos ka nga!" sita niya rito. "Ako na ang bahala rito. Asikasuhin mo na lang ang ibang customers." "Yes? Ikaw ang amo?" tinaasan siya nito ng kilay. "Ang kulit mo kasi, eh." Natatawa na lang si Lucas habang pinagmamasdan ang masayang pagtatalo ng dalawa. Gusto pa sanang makipagkwentuhan sa kanila ni Amanda subalit may pumasok sa resto bar ng isang grupo ng kalalakihan na puro mga naka-topless kaya mabilis pa sa alas-kwatro na iniwan sila nito at sinalubong ang mga bagong dating. "Pasensya ka na sa kakulitan ni Mamang." "Okay lang. Nakakatuwa nga siya." "Mahilig ka ba sa pasta? Masarap ang shrimp pasta namin dito." "Wow! Favorite ko 'yon." "Wait lang. Kukuha lang ako sa loob." tumayo na si Geri at naglakad papalayo. Isang sigh of relief ang kumawala sa kaniyang bibig nang makapasok sa loob ng kitchen. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. "Kalma, Geri! Kalma!" aniya sa sarili habang marahang tinatapik ang kaliwang dibdib. "Hoy! Anyareh sa 'yo? Para kang tanga riyan." usisa ng kusinerang si Elma na noon ay natatawa habang pinagmamasdan siya. "W-wala. Gutom lang 'to." lumapit na siya rito. "Mamshie, penge akong dalawang shrimp pasta. Lagyan mo ng maraming shrimp at cheese. Saka dalawang orange juice na rin." Agad naman itong tumalima sa utos niya. "Okay, pahatid ko na lang sa table mo." "Thank you.” Lumabas na siya sa kitchen at bumalik sa upuan nila ni Lucas. Habang naglalakad ay napansin niya ang pagsunod ng mga mata ng binata sa kaniya. Hanggang sa maka-upo na siya sa harapan nito ay patuloy pa rin ito sa pagtitig sa kaniya. "By the way, maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala ka na bang hang over?" "Medyo masakit pa rin ang ulo ko. Pero tolerable na naman. Thank you talaga sa pagligtas mo sa buhay ko kagabi. I owe you big time" "Wala ‘yon. Kahit naman sino siguro, gagawin din iyong ginawa ko." "Basta. Thank you talaga. Sorry nga rin pala kasi masyado kitang naabala kagabi. Nakakahiya tuloy." "Okay lang iyon. Mabuti nga at ako ang nakakita sa 'yo. Kung ibang lalaki ang tumulong sa‘yo, baka napahamak ka lalo. Huwag ka ngang magpapakalasing ng todo kung hindi mo naman kaya ang sarili mo." muli nitong sermon sa kaniya. "Oo na po." Tumikhim ang dalaga. Hindi niya kasi alam kung paano sisimulan ang bagay na kanina pa niya gustong itanong kay Lucas. "Can I ask you something? But please don't get me wrong." "What is it?" "Ano kasi-" napakamot siya sa ulo. "Did I-" parang hindi niya magawang tapusin ang gustong sabihin. "Did what?" untag nito sa kaniya. "Did I kiss you last night?" sa wakas ay lakas loob niyang tanong. Pinamulahan siya ng mukha nang marinig ang pagtawa ng kaharap. "So naalala mo pala." Pinanlakihan siya ng mga mata. "So you mean, hinalikan talaga kita kagabi?" Tumangu-tango si Lucas. Sa lapad ng ngiti nito ay tila proud na proud ito sa nangyari kagabi. Habang si Geri naman ay lalong namula ang mukha dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi niya tuloy alam kung paano magpapaliwanag dito. “Sorry talaga. Hindi ko sinasadya. Lasing lang talaga ako kagabi kaya ko nagawa ‘yon.” Lalong lumapad ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi. “Wala ‘yon. Anytime basta ikaw.” Nasapo niya ang sentido. Pakiramdam niya ay bigla na namang sumakit ang ulo niya. Hang over sa alak? O hang over dahil sa paghalik niya kay Lucas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD