8

1756 Words
“TAPOS ka na bang magbihis?" sigaw ni Lucas mula sa labas ng kaniyang silid. Naiinip na siya dahil mahigit sampung minuto na siyang nakatayo sa labas. Wala siyang narinig na tugon mula sa loob. Kinatok niya ang pinto. "Geri, are you done?" Lalo niyang nilakasan ang pagkatok subalit wala pa rin itong response mula sa loob. "Geri, ano ba? Bubuksan ko na 'tong pinto. Inaantok na ako." Tinapat niya ang teynga sa pintuan at pinakiramdaman ang dalaga ngunit sobrang tahimik nito sa loob ng kaniyang silid. Ilang sandali pa ay binuksan na niya ang pinto. Napa-iling na lang si Lucas nang makitang mahimbing na itong natutulog sa ibabaw ng kaniyang kama. Nakapagpalit na ito ng damit habang ang mga pinaghubaran nito ay basta na lamang tinapon sa sahig. Isa-isa niyang pinulot ang mga damit nitong nagkalat at tinupi ang mga iyon, ang basang blouse, leggings pati ang bra at panty nito na basta na lang hinagis kung saan. Hindi niya tuloy alam kung sadyang burara ba ang dalaga o dala lamang iyon ng matinding kalasingan. Pinatong niya ang mga basang damit sa ibabaw ng lamesa tapos ay muling naupo sa gilid ng kama. Sunod-sunod ang naging paglunok ni Lucas habang pinagmamasdan si Geri. Tanging maluwag na t-shirt at boxers lang ang suot nito kaya naman hantad na hantad ang flawless nitong mga hita. Wala rin itong suot na bra kaya naman bakat ang dalawang n*****s nito. Naramdaman niya ang biglang pag-iinit ng kaniyang katawan, pati na rin ang pagkislot ng alaga niya sa pagitan ng kaniyang mga hita. Sino ba naman kasing lalaki ang hindi maa-arouse kung ganito kaganda at ka-seksi ang babaeng nasa harapan niya ngayon? Pinigilan niya ang matinding pagnanasang nararamdaman. Pinilit niyang magpaka-gentleman. Ayaw niyang samantalahin ang kalasingan nito. Masyado na itong maraming pinagdadaanan kaya ayaw niyang makadagdag pa. Agad niyang iniwas ang tingin kahit na napaka-ganda pa ng tanawing iyon. Tinakpan niya ng kumot ang katawan nito bago pa muling magkasala ang kaniyang mga mata. Nang makaramdam ng antok ay nahiga na rin siya patalikod dito. King size ang kama na hinihigaan nila kaya naman maluwag ‘yon para sa kanilang dalawa. Ano ba ang nangyari sa dalaga at uminom ito ng gan’ong karaming alak? At sino ang lalaking paulit-ulit nitong binabanggit kanina? Boyfriend? Asawa? Mayamaya ay naramdaman niya ang pagyakap ni Geri sa katawan niya mula sa likuran. Muli na naman siyang nakaramdam ng kakaibang init sa katawan, lalo na nang maramdaman ang malulusog nitong dibdib na nakasiksik sa kaniyang likuran. "Mahal na mahal kita, Zion. Pakiusap huwag mo na akong iiwan ulit." Narinig niyang wika nito sa paos na tinig. Tila hirap na hirap ang damdamin. Nagtagis ang kaniyang mga bagang. Ramdam na ramdam niya ang matinding sakit sa tinig nito. Naaawang pumihit siya paharap sa dalaga. “Kung sino man ang lalaking ‘yon ay napaka-gago niya. Paano niyang nagawang lokohin at saktan ang isang napaka-gandang babaeng katulad mo?” inis na bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha nito. May isang parte ng kaniyang isipan na gustong damayan ang paghihinagpis ng dalaga. Gusto niya pag gising ni Geri kinaumagahan ay matulungan niya ito para gumaan ang kalooban nito. Habang ang isang parte naman ng kaniyang puso ay gustong palitan ang puwang na iniwan ni Zion sa buhay nito. Oo, attracted siya kay Geri. Kanina pa lang nang sunduin siya nito sa port ay nakaramdam siya agad ng matinding paghanga dahil sa sobrang ganda nito. Kahit napaka-simple ng suot nito at walang kolorete sa mukha ay lutang na lutang ang mala-dyosa nitong kagandahan. Paghanga na lalong nadagdagan nang marinig niya ang napaka-gandang tinig nito habang kumakanta sa bar kanina. Bad trip lang talaga siya kaninang umaga dahil biglang nag-back out ang mga kaibigan niya na dapat ay kasama niyang pupunta sa resort na ito kaya naman pati si Geri ay nadamay sa init ng ulo niya. Bigla tuloy siyang nagsisi kung bakit niya ito sinungitan kanina. Ang tindi na pala ng pinagdadaanan nito tapos ay sinungitan pa niya. Marahan niyang inunan ang ulo ni Geri sa kaniyang braso. Mayamaya ay dumilat ito at nagsalubong ang kanilang mga mata. Ramdam ni Lucas ang biglang pagpintig ng puso niya. Ano ba itong kakaibang nararamdaman niya para kay Geri? Umangat ang isang kamay nito at masuyong hinaplos ang pisngi niya. “I love you.” Nakagat niya nag pang-ibabang labi. Ang sarap sanang pakinggan subalit alam niyang hindi para sa kaniya ang mga salitang iyon. Nagulat siya sa sumunod na ginawa ng dalaga. Siniil siya nito ng halik sa mga labi. Hindi na nakapagpigil pa si Lucas. Binuka niya ang bibig at mainit na tinugon ang halik nito. Hinawakan niya ang likod ng ulo nito at lalong pinalalim ang paghihinang ng kanilang mga labi. Nag-espadahan ang kanilang mga dila. Kapwa sila umuungol sa pagitan ng kanilang mga bibig. Alam ni Lucas na mali ang kaniyang ginagawa. Hindi niya dapat sinasamantala ang kalasingan ng dalaga subalit naging alipin na siya ng masidhing init ng katawan. Sa totoo lang ay kanina pa niya gustong halikan ang mga mapupulang labi ni Geri. Kaya naman nang ito na ang unang gumawa ng hakbang, sino ba naman siya para tumanggi? Lalo niyang pinagbuti ang pagsibasib sa bibig ng dalaga. Hindi naman ito nagpatalo sa kaniya. Kaya naman kapwa sila habol hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Isang matamis na ngiti ang pinukol nito sa kaniya. “I love you, Zion.” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang nag-iinit niyang katawan. Fuck you! Kung sino ka mang Zion ka! Lalo siyang nabwisit sa lalaking iyon. Pinikit na ni Geri ang mga mata at siniksik ang ulo sa dibdib ni Lucas. Niyakap niya ang dalaga at masuyong hinaplos-haplos ang buhok nito. Ginawaran niya ng halik ang noo nito at kapwa sila nakatulog nang may matamis na ngiti sa mga labi. NAGISING si Geri kinaumgahan nang tumama ang sikat ng araw sa kaniyang mukha. Napabalikwas siya ng bangon. Hindi kasi pamilyar sa kaniya ang kwartong kinaroroonan. Ang tanging alam niya lang ay isa iyon sa mga mamahaling kwarto sa resort nila. “Hala! Bakit ako nandito?” Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Ang tanging naaalala niya lang kasi ay uminom siya sa bar at kumanta siya sa stage. Hindi niya talaga maalala kung paano siya napunta sa silid na ito. Mayamaya ay napasabunot siya sa buhok. Bigla kasing sumakit ang ulo niya. Nasagot lang ang tanong niya nang bumukas ang pinto at pumasok sa silid si Lucas. “Gising ka na pala.” wika ng binata habang naglalakad palapit sa kaniya. Naupo ito sa gilid ng kama tapos ay sinalat ang noo niya. “Mabuti naman at wala na ang sinat mo.” Naaasiwang tinabig niya ang kamay nito. Para kasing bahagya siyang na-kuryente sa simpleng pagdikit ng kamay nito sa katawan niya. “Ano nga palang nangyari? Bakit nandito ako?” gustuhin niya mang tumayo para lumabas na ng silid nito pero hindi niya magawa dahil sa matinding sakit ng ulo. “Muntik ka nang malunod kagabi. Sa susunod nga huwag kang iinom kung hindi mo naman kaya ang sarili mo.” naiinis nitong sermon sa kaniya. Lalong naningkit ang mga mata nito sa inis. “Mabuti na lang sinundan kita kagabi. Kundi baka pinaglalamayan ka na ngayon.” Biglang naalala ni Geri ang mga eksena kagabi, ang paglusong niya sa dagat dahil akala niya ay tinatawag siya ni Zion, ang pamumulikat ng paa niya, ang paglubog niya sa tubig hanggang sa marinig niya ang pagtawag ni Lucas sa kaniyang pangalan. Kinilabutan siya sa mga tagpong iyon. Mayamaya ay napa-iling siya. Muntik na palang masayang ang buhay niya dahil sa masyading katangahan sa pag-ibig. Mutik nang masayang ang buhay niya dahil sa isang isang walang kwentang lalaki na niloko lamang siya at ngayon ay nagpapakasaya na sa piling ng iba. Nang sandaling iyon ay biglang natauhan si Geri. Simula ngayon ay tuluyan na talaga niyang kakalimutan si Zion. “I’m sorry kung naabala kita kagabi.” nahihiya niyang turan. “Thank you for saving my life. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa iyo.” “Hmm.. Pano nga ba?” Sandaling nag-isip ito. Kinabahan naman si Geri. Baka kasi kung ano ang isagot nito. “Ah, alam ko na. Can you be my personal tour guide?” Nagulat siya sa sinabi nito. “Ha?” “I’m gonna stay here ‘til Monday morning and while I’m here I want you to be my personal tour guide. Ang sabi mo sa akin kahapon maraming magagandang isla at tourist spots dito sa lugar niyo. Sapat na sigurong kabayaran iyon sa pagligtas ko sa buhay mo.” “O-Ok.” wala siyang magawa kundi pumayag na lang sa kagustuhan nito. Napakalaki ng utang na loob niya kay Lucas. Tama ang sinabi nito. Kundi dahil dito malamang ay pinaglalamayan na siguro siya ngayon. Saka sino ba naman ang makakatanggi sa ganitong kagwapong lalaki? In fainess, mabait naman pala siya. aniya sa sarili. Mayamaya ay nanlaki ang mga mata ni Geri nang mapansing iba na ang suot niyang damit. Isa iyong loose shirt at boxer short. “Nasaan nga pala ‘yong damit ko? S-sino ang nagbihis sa akin?” nag-aalalang tanong niya habang pinamumulahan ang mukha. Natawa ito. “Don’t worry hindi kita pinagsamantalahan. Lumabas ako ng kwarto habang nagbibihis ka. Pasensya ka na kung dito kita dinala. Hindi ko kasi alam kung saan ang bahay mo.” “Ah, gano’n ba?” tila napahiya siya sa sarili. Akala niya kasi ay si Lucas ang nagpalit ng damit niya at nakita nito ang private parts ng katawan niya. “Salamat ulit.” Simula ngayon ay hindi na talaga siya maglalasing ng todo. “Saan ka nga pala nakatira? Ihahatid na kita.” “Huwag na. Sa taas lang naman ako nakatira. Sa fourth floor.” “You mean dito ka talaga nakatira?” “Oo.” Kumunot ang noo niya matapos marinig ang malakas na tawa ni Lucas. Shit! Ang gwapo! Tili ng utak niya habang pinagmamasdan ang masaya nitong awra. Hindi na importante kung bakit ito natatawa, basta masaya siyang nakikitang masaya ang tagapagligtas niya. Tapos! “Sorry.” mayamaya ay sumeryoso na ito. “Akala ko kasi nagbibiro ka lang kagabi nang sabihin mong dito ka nakatira.” Nginitian niya na lang ang gwapong binata. Nang mabawasan ang pagkahilo ay nagpaalam na siya kay Lucas at bumalik na sa kaniyang silid bitbit ang mga basa niyang damit. Gusto sana siyang ihatid nito subalit tumanggi na siya dahil masyado na siyang nakaka-abala rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD