19: BEAUTIFUL IN WHITE

1375 Words

NANG makabalik sina Geri sa resort ay dumerecho ang dalaga sa kwarto ni Amanda habang si Lucas naman ay nagpahinga sa loob ng kaniyang silid. “Bakit nandito ka na agad? Akala ko ba sa Maynila kayo magpapalipas ng gabi.” buong pagtatakang tanong ni Amanda kay Geri na noon ay naglalakad palapit sa kamang kinahihigaan nito. Nahiga siya sa tabi ni Amanda at tila isang paslit sa sumiksik dito. “May problema ba?” Bumunot muna siya ng mahabang hininga bago nagkwento rito. “Ayaw sa ‘kin ng mommy ni Lucas.” “At bakit?” mataray na tanong ni Amanda. “Mayaman ang pamilya niya. Tama ang mommy niya. Hindi kami bagay sa isa’t isa.” “Bakit? Mayaman din naman tayo, ah. Dapat sinabi mo sa mahaderang iyon na balang araw ikaw ang magmamana ng resort na ‘to.” “Mamang naman puro ka talaga biro.” “Gaga,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD