AFTER ONE MONTH Lumapit ang isang waiter kay Geri na noon ay nasa stage at tumutugtog kasama ang kaniyang banda. Inabot nito sa kaniya ang isang nakatuping tissue. Binuklat niya ang tisuue at napangiti nang makita ang pamilyar na penmanship na iyon. Agad niyang nilibot ang mga mata sa loob ng bar. Nakita niya si Lucas na naka-upo sa tapat ng bar counter at nakatingin sa direksyon niya. Lalong lumapad ang ngiti niya. Masaya na siya ulit dahil nakabalik na sa resort ang pinakamamahal niyang kasintahan. Binalik na ni Geri ang tingin sa tissue at binasa na ang nakasulat doon. “Our next request is ‘I Wanna Grow Old With You’ by Adam Sandler.” natawa ang dalaga nang makitang may kasama pa iyong note. “I’d like to dedicate this song to the wonderful woman that I would like to spend my lifet

