5. Haplos

1659 Words
PAGDATING KO SA loob ng kuwarto, hindi ko napigilang mapasandal sa likuran ng pinto. Ramdam ko ang mabilis na pag-angat-baba ng dibdib ko habang mahigpit na nakakapit ang kamay ko rito. Para bang kaya kong pigilan ang rumaragasang pintig ng puso ko. Hindi ko talaga inasahan ang mga nangyari kanina—ang malinaw na pagtanaw ko kung gaano kahaba ang pagkalal*ki ni Papa, ang mga titig niya na hindi ko maipaliwanag, ang marahang pisil niya sa braso ko… at higit sa lahat, ang tanong niya kung kaya ko bang pumatol sa kasing-edad niya. Napabuntonghininga ako. Kung uulit-ulitin ko sa isip ang bawat detalye, baka tuluyan na akong mabaliw. Mas mabuti nang kumbinsihin ko ang sarili na nagkataon lang ang lahat, at baka ako lang itong sanay magbasa ng kahulugan kahit saan—kahit sa mga bagay na dapat ay wala lang. Humakbang na ako patungo sa kama. Pagdating ko, agad akong napatalon at nagpagulong-gulong. Napatigil lang ako nang makaramdam ako ng hilo. Ipinikit ko na ang mga mata ko para magpahinga sana, pero nang makita ko sa isipan ko ang sukat ng pagkala**ki ni Papa, agad kong iminulat ang mga mata ko at bumangon. Isinandal ko ang sarili sa kama. Hindi lang ako makapaniwala sa sarili ko kung bakit iyon ang nakikita ko. Wala lang dapat iyon sa akin. Napabuntonghininga ako. Sigurado akong ganito lang ang nararamdaman ko dahil hindi ako sanay makakita ng ganoon. Kahit hindi ko iyon nasilayan nang walang takip, nakaiilang pa rin. At sa sukat niyon, hindi ko maiwasang buuin sa aking imahinasyon ang kabuuan nito. Nang maalala ko ang bawat pisil ni Papa sa braso ko, kusa nang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Pilit kong iniisip na wala lang iyon para sa kaniya—isang simpleng haplos lang ng isang tagapangalaga. Pero masisisi ba ako kung iba ang gumigising sa akin tuwing naaalala ko iyon? “Hindi ko dapat iniisip ang bagay na ito!” inis na sabi ko sa sarili ko. Natapos kong sabihin iyon, humiga na muli ako. Pinilit kong makatulog nang makapagpahinga na ako. ••• NAGISING AKO NANG marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto ko. Dahan-dahan na akong bumangon lalo na nang marinig ko na ang boses ng kapatid ko. Pagtingin ko sa orasan, nanlaki ang mga mata ko at nagmamadaling bumaba mula sa kama. Napatakbo ako patungo sa pintuan. Pagdating ko, agad kong binuksan iyon. Napakamot na lang ako sa ulo nang makitang nakahanda na ang kapatid ko para umalis. “Bakit hindi ka pa nakaligo, Ate?” nagtatakong tanong ni Parker. “Pasensiya. Mauna na siguro kayo ni Papa. Magtatawag na lang ako ng pampasaherong sasakyan,” sabi ko. “Magmadali ka na lang. Hindi rin naman papayag si Papa na mauna kami,” aniya. “Pero baka mahuli ka. Ayaw kong makaabala,” katuwiran ko. Napatingin siya sa suot niyang relo na yari sa pilak. Kung tama ang pagkakatanda ko, milyon ang halaga niyon. Regalo pa iyon mula kay Madam Lavinia—ang lola ni Parker at ina ni Papa Fernando. “Hindi ka naman siguro aabot ng isang oras mula sa paghahanda?” Napatango ako. “Salamat. Sige at bibilisan ko na lang. Pakiabot ng aking paghingi ng pasensiya kay Papa.” Pag-alis ni Parker, nagmamadali na akong tumungo sa banyo para maligo. Hindi ko maikakailang ang dahilan kung bakit matagal akong nagising, matagal akong nakatulog. Nahirapan akong makatulog dahil sa kaiisip sa nangyari kahapon. Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin akong maligo at agad akong nagbihis. Pinili ko ang pulang blusa na regalo sa akin ni Mama noong nagtapos ako sa kolehiyo. Sa tuwing suot ko ito, pakiramdam ko’y kasama ko pa rin siya. Hindi ko maalis sa isipan ang nagniningning niyang mga mata, ang malapad niyang ngiti, at ang saya sa mukha niya nang ibigay niya ito sa akin. Pagkatapos kong mag-ayos, kinuha ko ang amerikana at isinuot iyon. Isinuot ko rin ang kulay-itim na takong upang mas magmukha akong matangkad. Hindi naman ako maliit na babae—maituturing pa nga akong matangkad kung pagbabasehan ang karaniwang taas ng babae—ngunit kapag katabi ko si Papa, parang ang liit ko. Anim-na-dalawa kasi ang taas niya. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Gusto ko lang lumabas dito sa kuwarto na maayos na talaga ang itsura ko. Nang pakiramdam kong wala ng kulang sa ayos ko, lumabas na ako. Pagdating ko sa sala, nadatnan kong nakaupo si Papa sa mahabang sofa, may hawak na diyaryo. Ang guwapo niya talaga sa suot niyang puting long sleeves at itim na pantalon, malinis ang tiklop at walang kahit isang gusot. Kung paano siya manamit, para siyang bidang lalaki sa mga nobelang nababasa ko—matikas, disente, at may kakaibang presensiyang mahirap ipaliwanag. “Magandang umaga po, Pa,” bati ko, subalit tanging pagtango lamang ang isinagot niya. Hindi man lang inalis ang tingin sa binabasa. Hahakbang na sana ako papunta sa silid-kainan, pero napatigil ako nang marinig ang mababa at madiin niyang pagtikhim—hindi basta paglinis ng lalamunan, kung hindi parang hudyat na kailangan ko munang lumapit o makinig sa kaniya. Nilingon ko siya. “P-Po?” “Gusto ko lang sabihin na napakaganda mo sa iyong kasuotan. Hindi ko maikakailang pula ang iyong kulay,” aniya. Napangiti ako. “Salamat po sa iyong papuri, Pa.” “Sasakit na naman ang leeg ng mga binatilyo’t ginoo roon sa aking kumpanya sa katitingin sa anak kong napakaganda,” sabi ni Papa. “Binatilyo na lang po, Pa. Huwag na po ninyong isali ang mga ginoo sapagkat sila’y may asawa,” batid ko. Seryoso niya akong tinitigan. “Hindi lahat, Mara. Ang iba’y biyudo.” Tipid akong ngumiti at marahang tumango. Bago ko siya tuluyang iniwan, yumuko muna ako bilang pagpapakita ng respeto sa kaniya. Pagdating ko sa kusina, kumuha ako ng maliit na lalagyan ng pagkain. Imbes na kumain doon, naisip kong sa opisina na lang ako kakain. Ayaw kong paghintayin sina Papa at Parker, at baka ako pa ang maging dahilan ng pagkahuli ni Parker sa unang klase niya sa Agham. “P-Pa, si Ate?” narinig kong tanong ni Parker. “Nandito na ako,” sagot ko. Pagdating ko sa sala, napakunot ang noo ko nang makitang may hawak ng bola si Parker. Ang aga pa para magpapawis. Natatakot lang ako na baka siya’y magkakaroon ng amoy. “Ang aga mong naglaro. Baka magkakaamoy ka niyan,” nag-aalalang sabi ko. “Hindi naman ako nagpapawis, Ate. At isa pa, sinigurado ko namang mabango ako.” “Dapat lang. Labin-tatlong taong gulang ka na at papapunta ka na sa yugtong-pagbibinata. Diyan na magsisimula ang lahat kaya dapat lang na may malay ka na sa sarili mo,” sabi ko. “Tumubo na ba ang iyong mga buhok sa—” “P-Papa,” nahihiyang sabi ni Parker. Hindi natapos ni Papa ang balak na sabihin nang pinutol ni Parker ang pagsasalita niya. Halatang nahihiya ang kapatid kong pag-usapan ang bagay na iyon. Naiintindihan ko siya roon at karapatan niya iyon. Pero nakatutuwa lang. Parang kailan lang, musmos pa ang kapatid ko—iyong nang-aasim na amoy sa kakalaro sa labas ng bahay, iyong panahong umaasa pa siya kay Mama, at iyong mga sandaling papasok lang siya sa kuwarto para magpalambing sa akin. Ngayon, binata na siya, at ang sarap niyang pagmasdan. Sigurado akong, katulad ko, labis din ang saya ni Mama na masaksihan ang paglaki niya. “Kili-kili lang naman sana ang sasabihin ko,” sabi ni Papa. Napatawa na lang ako. “Binata na talaga ang bunsong anak mo, Pa.” “Pinapantanda ako nang mabilis ng panahon. Nakalulungkot lang. Gusto ko pang sulitin ang buhay,” sabi ni Papa. “Maghanap ka ng magpapasaya sa iyo, Pa. Puwedeng pisikal na aktibidad o… hindi kaya babae?” biro ko. “Ay, hindi, Ate! Hindi ako papayag!” pasigaw na sabi ni Parker. Pagtingin ko sa mga mata ng kapatid ko, bigla akong nakaramdam ng takot. Nakita ko roon ang galit. Tila hindi siya natuwa sa narinig niya mula sa akin. “Hindi mo kailangang sigawan ang iyong panganay na kapatid,” paalala ni Papa. “Pero hindi ako natuwa sa sinabi niya. Hindi ako papayag na iibig kang muli. Hindi ako papayag na palitan mo si Mama. At lalong hindi ako papayag na magkaroon ka ng panibagong asawa,” mariing sagot ni Parker. “Pero hindi mo nga kailangang sumigaw. Iniutos kong humingi ka ng paumanhin sa iyong kapatid,” maawtoridad na wika ni Papa. Napatingin ako sa kaniya. “Pa, hindi naman kailangan. Naiintindihan ko si Parker. Hindi ko dapat iminungkahi iyon sa harapan niya. Ako ang panganay, dapat inisip ko iyon nang mabuti.” Nilingon ko si Parker. “Parker, patawarin mo ako. Nagbibiro lang ako.” Napabuntonghininga si Parker. “Patawad din. Pero sana’y huwag mo ng ulitin iyon. Ayokong magkaroon ng panibagong pamilya. Maliban na lang kung anak mo o hindi kaya anak ko.” Napalingon ako kay Papa at napansin ko ang pagkamot niya sa batok. Ano kaya ang ibig sabihin niyon? May balak din ba talaga siyang mag-asawa muli? Pumunta ako sa tabi ni Papa... “Pa, bigyan mo ng kapayapaan ang puso ni Parker. Mangako ka sa kaniya na hindi ka na iibig muli,” sabi ko, para wala ng gulo. Tumingin siya sa akin. Nang magtama ang mga mata namin, bigla siyang ngumiti—ngunit hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos, ibinaling niya ang atensiyon kay Parker, na halatang hinihintay ang kanyang sagot. “Pangako, anak. Ikaw lang, ako, at ang…” muli niyang nilingon ako, “…Ate mo hanggang dulo. Tayo lang tatlo, at ang magiging mga apo ko.” Habang sinasabi niya iyon, marahan niyang ipinatong ang kamay niya sa balikat ko at hinagod iyon pababa hanggang sa braso ko. Mainit ang palad niya, masyadong mainit para sa isang simpleng haplos ng ama. Ngumiti siya, ngunit sa mga mata niya, may kung anong lihim na ayaw kong tuklasin. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD