bc

Seven Days With Miss Stalker (Filipino) COMPLETED

book_age12+
2.4K
FOLLOW
8.3K
READ
possessive
badboy
goodgirl
drama
comedy
sweet
bxg
humorous
highschool
illness
like
intro-logo
Blurb

FREE STORY/TEEN FICTION/COMEDY/DRAMA/INSPIRATIONAL/FILIPINO

***

Isang araw bigla na lang may nagpakitang isang babae kay Lelouch, si Yassie ang babaeng luka-lukang nanggulo sa tahimik niyang buhay.

Sa unang paghaharap nila ay gumawa ito ng isang eksena sa school niya para lang makausap siya. Lumapit ito sa kanya, asking him a favor to be with her in Seven Days. Ni hindi nga niya ito kilala pero kung makapag-demand ay akala mo kung sino. Sino namang tangang tao ang papayag sa request ng stalker niya?

Pinangako nito na titigilan na siya pagkatapos ng pitong araw na magkasama sila kaya pumayag naman siya agad mawala lang ito sa buhay niya. Makakaya kaya niyang makasama si Yassie sa loob ng pitong araw?

Eh, paano kung ito na pala ang babaeng matagal na niyang hinihintay? 'Yong babaeng magpapasaya sa kanya at 'yong babaeng magpaparamdam sa kanya ng pagmamahal na matagal na niyang pinapangarap?

Can Seven Days be enough for them to feel that crazy little thing called love or will it be too short for them to be together?

---

Copyright © 2015 Dara Nakahara

All rights reserved.

Published under PSICOM PUBLISHING INC.

Book copy available on Shopee and Lazada for only 100 pesos! Grab yours now!

Ps. I wrote this way back in 2014 and was made the book in 2015. Hope you like it! :)

Also, read my other stories here in Dreame at Yugto. Don't forget to follow me and add this to your library. Thank you! :)

chap-preview
Free preview
Prologue
PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM Publishing! Available in bookstores nationwide, Shopee and Lazada at only 100 PHP. GRAB YOU COPIES NOW! Thank you! :) All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without written permission from the author, except in the case of a reviewer, who may quote brief passages embodied in critical articles or in a review. SEVEN DAYS WITH MISS STALKER (COMPLETED) PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM Publishing Teen-Fiction, Young Adult, Comedy-Drama, General Fiction Prologue Nakatayo lang ako habang tinitingnan siya... Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko... Hindi ko magawang kumurap man lang kahit isang segundo... Para akong nadikit sa kinaroronan ko... Hindi ko man lang magawang ikilos ang katawan ko... Pero tanging pag-iyak lang ang nagagawa ko... "Kyaaaah! Nandiyan na si Lelou! Ang cool niya!" "Si Lelou ba? Iyong hot na guy sa Engineering Department?" "Waaaah! Si Lelou iyong Campus Hearthrob!" "Hindi ba siya 'yong Mr. Campus natin? Kyaaaah!" "Ang dream boy ko! Super hot niya, gash!" "Ang cute niya, grabe!" 'Yan ang mga naririnig kong bulungan or should I say 'sigawan' nila dahil kahit pabulong nilang sabihin iyon sa mga kadaldalan nila ay naririnig ko pa rin. At nakakairita lang talaga! I'm Lelouch Perez. No need to describe myself dahil sa tingin ko naman alam niyo na kung gaano ako kaguwapo sa mga sinasabi pa lang ng mga istudyanteng babae rito sa school namin. Hindi ko na lang sila pinapansin kahit minsan ay nakakairita na, sa tuwing dadaan ako puro ganyan na lang ang bulungan nila. Wala bang iba? "Lelou!" tawag sa akin ng isang babae. Hindi pamilyar ang boses niya kaya naman hindi ako lumingon. Malamang niyan ay isa lang din siya sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin. Dire-diretso lang akong naglakad hanggang sa... May tumama sa akin. Napaaray ako at napahawak sa ulo ko ng tamaan ako ng isang sapatos. Ang sakit lang! Geez! Galit akong humarap sa kanya. "What the hell--" naputol ang sasabihin ko nang makita kung sino siya. Actually, hindi ko siya kilala sa pangalan, pero sa mukha, oo, dahil araw-araw ko siyang nakikita kahit hindi naman siya rito nag-aaral. "Please don't break up with me," napataas ang kilay ko ng sabihin niya 'yon at makita ang luhang pumapatak sa mga mata niya. Best Actress! Ang galing niya! "What? What the hell are you saying, Miss?" sigaw ko sa kanya. "Miss? Iyan na lang ba ang tawag mo sa mahal mo? Babe, don't do this to me..." napapaligiran na kami ng maraming tao. Nakakahiya lang! Ano ba kasing sinasabi ng baliw na 'to? Nagbubulungan na sila, malamang nito ay panibagong usapin na naman ako sa buong eskuwelahan. Panigurado mamaya lang ay kakalat na itong parang virus. Ano ba kasi ang pinagsasasabi ng babaeng ito? Pahamak talaga! "Stop acting like this... I don't know you! Palalagpasin ko ang pagbato mo sa akin ng sapatos mo dahil hindi ako pumapatol sa babae. Ikaw pa lang kung sakali. But please, ako na ang nakikiusap, just stop this. You heard me? STOP THIS CRAZY ACT!" tumalikod na ako at diretso uling naglakad na akala mo'y walang nangyari. Palalagpasin ko 'to, tutal nasa mood naman ako. "But Lelou! Just this time! Please. Talk to me! Lelou! Lelou! Lelou!" sigaw siya nang sigaw na tila nag-iiskandalo na sa buong school, lalo tuloy dumadami ang mga estudyanteng nakikiusisa sa amin. Ano bang gagawin ko para tumigil ang babaeng ito? Napahinto tuloy ako at muling humarap saka lumapit sa kanya. Naiirita na talaga ako at malapit na rin akong mawala sa mood ko. "What do you want?" sigaw ko sabay hawak sa braso niya. Wala akong pakialam kung nasasaktan siya sa paraan ng paghawak ko pero talagang maikli ang pasensiya ko. "I want to talk to you," nangigilid ang luha niya. Wow! Hanep na babae ito, ang galing! Ang galing talaga umarte. Napailing na lang ako at hinatak ko siya. Kinaladkad ko at lumabas kami ng school. Kung nasasaktan siya, wala akong pakialam, siya ang nag-umpisa ng gulong ito. "Now, talk!" binitawan ko na ang braso niya. Nakita kong namumula 'yon but the hell I care? She ruined my day! Ang aga kong pumasok para sa ganitong arte lang. "A-ahmm... I-i'm sorry," pag-uumpisa niya. "Sorry? Sorry for what? Sa pagsira mo ng araw ko o ang pag-iiskandalo mo sa loob ng school namin?" nakakunot noo kong tanong. "I-i didn't mean to! Ayaw mo kasing humarap sa akin," nakayukong sagot niya na hinihimas ang brasong hinawakan ko kanina. "So, ako pa pala ang may kasalanan ngayon, stalker girl?" nakita ko ang gulat na bumakas sa mukha niya. Yeah, right. She's my stalker for about a year? Kaya nakilala ko siya kanina. Alam kong lagi-lagi niya kong sinusundan kahit saan man ako magpunta. Akala niya siguro ay hindi ko alam pero matagal na, umpisa pa lang ay nahalata ko na siya pero hindi ko na lang siya pinapansin. Hindi naman kasi siya nakakatakot katulad ng ibang stalker na akala mo'y adik, mukha kasi siyang anghel. Maamo ang kanyang mukha, mahaba ang buhok, katamtaman ang laki, maganda ang hubog ng katawan. In short, maganda naman siya. Kaya hinayaan ko na lang siya na sumunod nang sumunod sa akin kahit minsan ay naiinis na talaga ko. Hindi ko lang alam na aabot sa ganitong punto na magkukunwari siyang ex-girlfriend ko at mag-iiskandalo sa school ko para lang makausap ako. "What are you waiting for? TALK!" singhal ko sa kanya na hanggang ngayon ay hindi man lang nagsasalita. Ano ba talaga ang gusto niya? "Time's up. Inuubos mo lang ang oras ko," tumalikod na ako at papasok na sana sa loob ng school nang sa wakas ay nagsalita na siya. "I'm sorry for ruining your day. Sorry dahil kailangan ko pang umarte ng gano'n para lang makausap kita. At sorry dahil... dahil sinusundan kita pero ang gusto ko lang naman ay..." humarap ako sa kanya ng putulin niya ang sinasabi niya. "What do you want? Money or date with me just for you to stop?" "I want..." napatigil siya sabay huminga ng malalim na parang kumukuha ng lakas ng loob. "I-i want seven days, just seven days with you please," iyong mukha niya ay nakakaawa. Parang sinadya niya talagang magmukhang kaawa-awa. Sinamahan pa ng namumula niyang mga mata at namumutla pa siya. "What? Seven days?" gulat kong tanong. "Are you crazy asking me to be with you in a week? Ni hindi nga kita kilala, maybe I know your face but not even your name!" Umiwas ako nang tingin sa mga mata niyang nakikiusap dahil baka kahit hindi ko pa naiintindihan ang dahilan niya sa seven days na sinasabi niya ay mapapayag niya agad ako. "I'm Yassie D. Sam, you can call me Yass," inilahad niya ang kamay niya sa akin, hindi naman ako bastos para hindi tanggapin iyon. Kaya nakipag-shakehands ako sa kanya. "So, now you know my name. Can you be with me in seven days? Please?" pagmamakaawa niya. Mabilis kong binitawan ang kamay niya. "It's not like that! Hindi dahil alam ko na ang name mo, papayag na ako sa gusto mo! Are you freaking stupid?"napatirik ang mata ako, saan ba nanggaling ang babaeng ito at parang maluwag ang turnilyo sa utak. "Please just seven days with me. Please! Then after no'n, hinding-hindi na kita susundan ulit, hindi na kita guguluhin..." patuloy pa rin siya sa pagmamakaawa at akmang luluhod pa sa harapan ko pero pinigilan ko siya. "You're asking me to be with you in seen days? That's hell! But if you make a promise to me now na gagawin mo ang mga sinabi mo after seven days, it's not that bad.. I'll take it." "Pumapayag ka na? Huh?" nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha niya pati ang malawak na pagngiti niya na lalong nagpaganda sa maamo niyang mukha. "You heard me right? If not, then forget it." "NO! I heard it. I just want to make sure about it. Salamat!" ngiting-ngiti siya. Geez! That smile, I hate it. I smirked. Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako pabalik sa school. "That seven days will start tomorrow, see you!" dugtong pa niya. Dire-diretso lang akong naglalakad. "I'll be waiting here after your class! I have your schedule here with me. Hihintayin kita, ha? Don't forget, okay? Thank you! Lelou. Take care!" sigaw pa rin niya kahit hindi ako tumitingin o sumasagot sa sinasabi niya. I waved at her. Kawawa naman. Mukha na siyang tangang nagsasalita sa hangin. Napaisip ako nng makarating ako sa room ko. Bakit nga ba ako napapayag agad sa babaeng 'yon? It's not me, hindi ako agad agad pumapasok sa ganitong kasunduan. Well, titigilan naman daw niya ako after that freakin' seven days. Seven days to be with that girl. Seven days to be with that stalker. Seven days to be with that crazy. Oh! It's hell! *** Please, follow me and leave some comments if you like it. Thank you and God bless! D A R A N A K A H A R A

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.4K
bc

My Son's Father

read
583.5K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.3K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.9K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.3K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook