Day 1

1867 Words
PUBLISHED under Kilig Republic PSICOM! Available in bookstores, Shopee, and Lazada at only 100 PHP!!!! GRAB YOU COPIES NOW! Thank you! 2013 ko pa po ito naisulat sa w*****d noon at naging libro no'ng 2015. Matagal na rin po itong story na ito pero sana ay magustuhan niyo. :) Day 1: A Big Trouble Nakauwi na ako sa bahay, ngayon dapat ang unang araw namin no'ng babaeng baliw na stalker ko pero tinakasan ko siya sa school. Maaga ako umuwi, hindi ko na pinasukan 'yong last two subjects ko, mahirap na baka maabutan pa ako ng luka-lukang babaeng iyon at ayoko siyang makita ngayon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala, iniisip ko pa rin kung paano nga ba ako napapayag ng babaeng iyon sa gusto niya! Damn! Hindi kaya h-in-ypnotize niya ako? Uso kasi ngayon 'yong mga nanghi-hypnotize. Napailing na lang ako. Sabagay, maganda naman siya kaya puwede na rin but damn! Ipinangako ko na sa sarili kong hindi na ako lalapit sa kahit na sinong babae! Panira lang sila sa buhay! Except kung mag huhubad siya sa harapan ko. "Please just seven days with me. Please! Then after no'n, hinding-hindi na kita susundan ulit, hindi na kita guguluhin pa..." Pero siya na rin naman mismo ang nagsabi na after seven days, hindi na niya ako guguluhin. Kapag hindi niya ginawa 'yon, ako na mismo ang gagawa ng paraan para mawala siya sa buhay ko! Narinig kong may gumalabog sa kabilang kuwarto, sa kuwarto ng parents ko. Hindi na ako nagulat, dahil umalis at bumalik ako sa bahay ay lagi namang ganoon kapag nandito sila. Lagi naman silang nag-aaway. Wala na silang ginawa kundi ang magbangayan. Hiwalay na sila, actually broken family kami. Parehas na may sarili na silang pamilya. Si Mama, sa Canada nakatira at si Papa sa Japan. Umuuwi lang naman sila rito sa bahay namin--ko lang pala kapag gusto nila para daw madalaw ako at makumusta. But I don't need they're presence here, sanay na ako ng wala sila. Sanay na ako ng mag-isa. Umpisa pa lang naman ay pinaramdam na nila sa akin na wala sila sa tabi ko, tanging pera lang nila ang naibibigay nila sa akin. Akala ng lahat perpekto ako, mayaman, matalino, good looking, athletic. A man that every girl could dream of. Pero isang bagay ang wala ako, wala akong pamilya at wala akong natatanggap na pagmamahal. Wala. Okay na sana ako ng dumating sa akin si Scarlett, kasi ibinigay niya sa akin ang pagmamahal na hinahanap ko pero katulad ng mama ko, katulad ng papa ko. Iniwan niya rin ako, ipinagpalit sa iba. Nakita ko lang namang nakikipag*** siya sa iba sa condo niya. Tanggap ko na sana kung ipagpapalit niya ako sa isang matino sa akin, pero sa isang mukhang aso niya ako ipinagpalit. Hindi ko alam na 'yong mga asong-kalye pala ang tipo niya. What a freakin' life I have? Well, I guess. I'm not that lucky as they thought. My life was totally a mess and I hate it. Bago pa ako tuluyang mairita sa pag-aaway ng dalawang matandang iyon ay lumabas na ako ng bahay papunta sa isang convenience store malapit sa amin. Makabili ng beer, sa pagkakataon kasing ganito, ito lang ang kaibigan ko. Mag-aalas-siete na pero wala pa rin akong balak umuwi. Ayokong may maabutang tao sa bahay, medyo nakakailang bote na ako ng beer pero wala akong pakialam. Naglakad lang ako nang naglakad, hindi ko alam kung saan ako pupunta bahala na ang mga paa ko. "Hoy! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw sa akin ng isang lalaki matapos ko siyang mabangga. "Ikaw ang tumingin sa dinadaanan mo! Alam mo na ngang naglalakad ako, humarang ka pa sa dinaraanan ko. Are you stupid?" sigaw ko sa kanya tapos ay nagpatuloy na ako sa paglalakad ng pagewang-gewang. Wala akong pakialam sa kanya. "Teka! Mayabang ka pala! Anong akala mo palalagpasin kita? Nagkakamali ka!" hablot nito sa akin sabay suntok sa pisngi ko. "s**t!" nasabi ko na lang. "Sinong nagsabi sa iyong saktan mo ang maganda kong mukha? Gusto mo bang mabasag ng tuluyan 'yang ubod ng pangit mong mukha?" nagising ang diwa ko. "Wag ka puro salita, boy!" susuntukin niya sana ako pero inunahan ko na siya, sinigurado kong mapupuruhan ko siya sa suntok na iyon. "Salamat sa suntok mo at nawala ang lasing ko." sinuntok ko siyang muli na nagpabagsak sa kanya. "Sino sa atin ngayon ang puro salita?" "Nagkamali ka ng kakalabanin mo!" biglang may dumating na tatlong lalaki. Apat na sila ngayon. Napangisi ako ng mapakla. "At talagang apat pa kayo laban sa isa? Mga duwag!" sigaw ko sabay sugod sa kanila. Tumagal din ang suntukan namin, dehado ako kahit pa sabihin kong malakas ako at sanay sa mga away. Apat pa rin sila at nag-iisa lang ako. Ang daya nila pero kaya ko ito. Hindi ako papatalo. "Itigil niyo 'yan!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako kung sino ang sumigaw na iyon. Napailing lang ako nang makita kung sino ang tagapagtanggol ko. 'Yong babaeng luka-luka. Teka, bakit nandito siya? "At sino ka namang babae ka? Girlfriend mo ba ito, boy? Ganda, ah?" sabi no'ng isang lalaki. Sasagot na sana ako pero nagsalita ulit ang luka-luka. "Hindi niya ako girlfriend, ako ang tagapagligtas niya! Kaya, humanda kayo sa akin! Kyaaah!" sigaw niya palapit sa apat na lalaki, mayroon pala siyang bitbit na pamatpat sa likuran niya at akmang ihahampas niya 'yon sa kanila. Pero bago pa siya nakalapit, siyempre napigilan na agad no'ng lalaki 'yong pamatpat. Ano ba ang aasahan niyo? Na matatakot sila sa isang maliit at patpating babae? Geez. "Aww. Dahan-dahan naman, kuya!" narinig ko na lang at nakitang nakahilata na siya. "Teka naman po, masakit!" reklamo niya. "Ano bang naisipan mo at sumugod ka rito? Pabigat ka lang sa akin," sigaw ko sa kanya. Hindi ko na nga mailigtas ang sarili ko, may sumabit pa. Hay, buhay talaga! "Ililigtas nga kita sa kanila," sagot niya. Nagbibiro ba siya? Paano niya ako maliligtas sa apat na lalaking ito sa pamamagitan ng patpat niya? Napailing na lang ako. "Hep, hep, hep! Tama na 'yang LQ niyo. Ayos 'tong girlfriend mo, boy! Matapang. Gusto ko siya!" sabi no'ng isang lalaking halatang manyak. "Wag niyo idamay ang babaeng ito, ako ang kalabanin niyo. 'Wag kayong duwag," baling ko sa kanila sabay sumugod ako. "Pagkatapos ka naming bugbugin, kami ng bahala sa syota mo!" sabay-sabay na nagtawanan iyong mga lalaki. 'Yong tawang pangdemonyo. "Ah..." napabagsak ulit ako ng suntukin ako ng isa sa kanila. Damn! Ang lakas nila lalo na kapag sabay-sabay silang sumusugod sa akin. Napansin kong nawala na pala 'yong luka-lukang babaeng iyon. Hindi ko alam kung saan na siya napunta at walang nakapansin kung saan siya nagpunta. Iniwan niya ako. Duwag. Hinayaan ko na lang siya at nag-focus ako sa pakikipag msuntukan sa mga bruskong lalaking ito at bago pa ako mabugbog ng tuluyan. Maya-maya ay narinig ko na lang ang pagsipol na mga pulis. "Sila po 'yong apat na lalaki, mamang pulis." sumbong no'ng luka-luka. Tumawag pala siya ng pulis, may utak din pala ang baliw na 'to. Tatakbo na sana 'yong mga lalaki pero nahuli na sila ng mga pulis at dinala sa presinto. Naiwan kaming dalawa ng luka-lukang babaeng iyon dito. "s**t. Ang mukha ko!" pinupunasan ko ng kamay ko ang dugo sa labi ko. Masyado ata nila akong pinuruhan. Dehado na nga ako sa laban, dehado pa ko sa itsura. Kabanas! "Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin na hinawakan ako sa braso ko at tinulungang makatayo. "Are you damn kidding? Sa itsura ko ba ay mukha ba akong okay?" sigaw ko sa kanya, sabay bawi ng braso ko mula sa kanya. "Ano bang ginagawa mo rito?" "Bago ko 'yan sagutin, umupo ka muna sa bench doon," hinila niya ako papunta sa itinuturo niya. "Ang dami mong sugat, hintayin mo ako d'yan. 'Wag kang aalis, okay?" sabi pa niya saka tumakbo. "Saan ba pupunta ang babaeng 'yon? Baliw talaga! s**t. Ang sakit," reklamo ko pa rin. After 20 minutes bumalik na rin siya. Napaupo siya na hingal na hingal at pawis na pawis. "Saan ka ba nanggaling at pinaghintay mo ako ng napakatagal dito? You wasted my time," singhal ko sa kanya pero sa halip na sumagot ay iniangat niya ang kamay niyang may dala-dala ng medical kit. "U-umuwi pa kasi ako sa amin. Hay, napagod ako." hingal na hingal na sabi niya sabay ngiti. Hindi ba siya napapagod ngumiti? "Stupid. Bakit bumalik ka pa rito?" Napakatanga rin talaga ng babaeng ito. "Di ba sabi ko sa iyo hintayin mo ako. Kaya bumalik ako dahil alam kong hinihintay mo ako rito," lumapit siya sa akin. "Gamutin na natin iyang mga sugat mo," binuksan niya 'yong medical kit at saka pinunasan ang mga sugat ko. "Ah... Ano ba masakit," tinabig ko 'yong kamay niya nang idiin niya ang pagpunas sa labi ko. "Bakit pa tinawag na sugat iyan kung hindi masakit? Tsk. Basagulero ka naman kasi," sabi niya. "Shut up! Ako na lang ang magpupunas, hindi ka marunong magdahan-dahan," inagaw ko sa kanya 'yong bimpo. "Bakit ka ba nandito? Paano mo nalamang nakikipagaway ako?" "Nakalimutan mo na ba? First day natin ngayon, hinintay kaya kita sa labas ng school niyo pero sabi nila nakauwi ka na raw kaya naman hinanap kita sa mga lugar na puwede mong puntahan. At nakita nga kitang binubugbog ng apat na lalaki rito," paliwanag niya sa akin. Kumuha siya ng gamot sa dala niyang medical kit at nilagyan ang sugat ko sa noo. "Ang lakas din ng loob mong kalabanin sila, akala mo naman matatakot mo sila. Akala mo naman maililigtas mo ako kanina." "At least, t-in-ry kitang iligtas sa kanila, 'di ba? Kaysa naman wala akong ginawa at panoorin lang kita," sinunod naman niyang lagyan 'yong pisngi ko at sa may bandang labi. "Baliw ka na ba? Ano bang utak ng babae mayroon ka?" tumayo na ako at ibinigay sa kanya 'yong bimpo. "Oh," abot ko sa kanya. "Uuwi na ako." "Teka!" hinablot niya ako. "Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya. Nakakairita talaga siya. "Tuloy pa rin naman 'yong usapan natin, 'di ba?" sabi niya sa akin na tila nagdadasal na sumagot ako ng oo. Hay, mukha siyang kawawang anghel. Tumango lang ako sa kanya. Sa palagay ko ay kahit na tumakas pa ako ulit sa kanya bukas ay hahanapin niya lang din ako katulad ngayon at malamang sa malamang malalaman niya kung nasaan ako. Stalker ko nga siya, 'di ba? Alam na niya 'yong mga lugar na pinupuntahan ko. May samangkukulam ata ang babaeng ito. Tumalikod na ako pero hindi pa ako nakakalayo ay... "Lelou!" tawag niya sa akin. s**t! "Ano na naman ba?" humarap ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "Wala bang 'thank you' d'yan?" sabi niya sa akin sabay ngiti. Napailing nalang akong tumalikod sa kanya. "Thank you," sabi ko sabay takbo pauwi. *** You can read the completed stories of Lie To Me Again and Ways To Win Your Heart here on Dreame at Yugto! Also, please check out my story, MY NAUGHTY ICE too. Don't forget to follow me po. God bless! D A R A N A K A H A R A
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD