Day 2 (part 1)

1843 Words
Day 2 (part 1): "Her Boyfriend" TINATAMAD akong pumasok pero hindi ko alam ang dahilan ko kung baket papunta pa rin ang mga paa ko sa school. Nakakatamad. Panigurado ay patsitsismisan na naman ng mga tsismosa at tsismoso ang mga pasa ko sa mukha! f**k those old ugly men! Sila ang sumira ng maganda kong mukha. Papasok pa lang ako ng gate pero heto’t naririnig ko na ang mga bulungan nila, parang mga bubuyog. Nakakairita talaga, kapag ganitong sikat ka hindi ka talaga lulubayan ng tsismis! “Tingnan mo si Lelou, oh, may mga pasa sa mukha. Ano kaya nangyari sa kanya?” nag-aalalang tanong ni girl 1. “Nako. Hindi mo ba alam na nakipag-away raw ‘yan kase binastos ‘yong girlfriend niya," saad ni girl 2. “Kilala niyo ba ‘yong girlfriend daw ni Lelou?” tanong ni girl 3. “Iyon ba ‘yong kasama niya kagabi? May bagong girlfriend na ba siya?” tanong naman ni girl 4. “Eh, 'di ba niloko siya no'ng ex niya kaya siya nagbago at naging basagulero?” si girl 5. “Oo. Kaya ang sabi nila panakip butas lang daw ‘yong bago niyang girlfriend ngayon,” si girl 6. Fuck! Ang bilis talaga kumalat ng balita parang virus. Paano naman nila nalaman agad ang pakikipag-away ako kagabi? At bakit sinasabi nilang girlfriend ko ang luka-lukang babaeng ‘yon? s**t! “Sino kaya ‘yong babae?” “Taga ibang school daw, eh, hindi raw dito nag-aaral sa atin,” tugon ng isa. "Maganda kaya siya?" Humarap ako sa mga tsismosang nagbubulungan sa likod ko. Bulong nga ba iyon o sadyang pinaririnig lang nila sa akin ang mga usapan nila. “What’s your f*****g problem? Will you stop talking about my private life or I will kick all of you out in this school NOW?’’ nanggagalaiti kong banta sa kanila. Kayang kaya ko ‘yong gawin dahil sa si papa ang may-ari ng school na ito kaya hindi ako naki-kick-out kahit anong kalokohan ang gawin ko. “Ah. Eh. Lelouch, sorry!” sabay-sabay nilang sabi sa akin habang nakayuko. “Promise, hindi ka na namin p-pag-uusapan,” sabi ng isa. “Don’t call me, Lelouch. We’re not f*****g close, I don’t even f*****g know you,” nairita na talaga ako. “A-ah, s-sorry,” sabi nito na mangiyak-ngiyak na. Pinagtitinginan naman kaming lahat ng mga estudyante, another usapin na naman ito. “I don’t need your f*****g sorry, I want all of you to get lost! NOW!” pagkasigaw ko no'n ay nagmamadali silang tumakbo palayo sa akin. Wala akong pakialam kung sabihin man nilang masama ako. Tanggap ko na at matagal ko ng alam iyon. Nang dahil ulit sa luka-lukang babaeng iyon ay nasira na naman ang araw ko. Kahit wala naman siya rito ay siya pa rin ang bida sa mga usapin, nagsabay-sabay pa ang problemang dumadating sa akin. She’s a cursed. Lalo tuloy akong tinamad pumasok sa klase, lalabas na lang ako para makapagpahangin ng mawala ang pagkabadtrip ko. Ayokong magtagal sa eskwelahang ito. “Lelou!” hindi pa sko nakakalayo ay may tumatawag sa akin. FUCK! Anong ginagawa niya rito? Kahit hindi pa ako lumilingon sa direksyon niya, alam ko na kung sino ang tumawag sa akin. Nakakabadtrip talaga, araw ko ba 'to? “Lelou!” nag-wave pa siya sa akin na akala mo ay isang anghel. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyari. “Why are you here?” galit kong tanong. “Babe naman!” akma siyang kakapit sa braso ko pero lumayo na agad ako. “Don’t call me babe, and don’t you ever touch me again baka mahawa pa ako ng karumihan mo!” sabi ko. “How, how can you say that to me?” nangingilid ang luha sa mga mata niya. Paawa-effect. “Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako napapatawad, huh? It’s been a month.” “Yeah, it’s been a month Scarlett. So, move on! Hindi mo na ako makukuha sa paiiyak-iyak mo,” tatalikod na sana ko ng bigla niya akong hinila at niyakap. s**t! “Please, babe. Kalimutan na natin iyon. Ikaw lang talaga ang mahal ko. Hindi ko na uulitin iyon, bumalik ka lang sa akin, oh.” Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin habang tinatanggal ko naman ang braso niya. “Stop this, Scarlett!” sigaw ko pero hindi pa rin siya bumibitiw. Bakit ba parang linta kung yumakap ang mga babae? Arg! “Give me another chance, Lelou. Please!” nagmamakaawa niyang sabi sa akin habang nakayakap pa rin. Bahagya ko siyang tinulak para kumalas na siya sa akin. “A b***h like you don’t deserve a second chance.” pagkatapos no'n ay tinalikuran ko na siya pero hinablot niya ang braso ko. “What the h—“ naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita. “Bibitiwan mo ba siya o babaliin ko itong braso mo? Mamili ka, madali kasi akong kausap.” Guess who? Si Luka-luka ‘yon, hawak niya ng mariin ang braso ni Scarlett, mukhang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. Matapang pala ang luka. “Bitiwan mo nga ako! Aw!” Agad naman akong binitiwan ni Scarlett at humawak sa braso niya na namumula. “Oh my god, tingnan mo ang ginawa mo sa braso ko? Namumula!” maarte nitong sabi. “It’s your fault, nakakakilala kasi ng s**t ang maganda kong kamay. So, tsupi. Alis na!” taas-kilay niyang sagot, may pagkamaldita rin pala ang isang ito. Hindi na ako kikibo, sila na lang ang mag tuos d’yang dalawa. Bahala sila. “Ang kapal ng mukha mo! Sino ka ba sa akala mo? Bakit ka nakikialam sa away namin, huh?” inis na tanong ni Scarlett dito sabay tingin mula ulo hanggang paa kay Yassie. “Alam mo ang ex ay ex, ang girlfriend ay girlfriend kaya puwede ba kung may kahihiyan ka pa, leave my boyfriend now!” Hanga na talaga ako sa tapang ng babaeng ito pero teka lang, boyfriend daw? Sino? Ako ba? Boyfriend niya raw ako? Anong pinagsasabi nito? May sayad ba siya? “Boyfriend?” hindi makapaniwalang tanong ni Scarlett sa kanya. “Girlfriend mo ba siya, huh, Lelou?” baling naman niya sa akin. s**t! What i’m gonna say?! Arrg! Ang babae talagang ito, pahamak! “Ano, Lelou? Answer me now! Girlfriend mo ba ang babaeng ito?” tanong niya ulit. “A-ah. Y-yes?” Nag-stutter ako. Hindi ko nga alam kung nasagot ko ba ng maayos, para kasing patanong pa ‘yong sagot ko. s**t. Ano ba itong sinabi ko? Nakita ko ang gulat sa mukha ni Scarlett, nangingilid rin ang luha sa mga mata niya bago siya tumakbo palayo sa amin. Naiwan na lang kami ng luka-lukang babaeng ito, at ang mga tsismosang estudyante na nakikiusisa sa amin. What a life? Ang daming taingang naglalakihan para makinig. “Yehey! Oh, 'di ba nilubayan ka rin nang babaeng iyon?” ngiting-ngiting sabi niya sa akin. "Galing ko, 'no? Hanga ka na ba sa akin?" “WHAT ARE YOU DOING HERE?” sigaw ko sa kanya sabay hatak, kailangan makalayo agad kami bago pa lumabas lahat ng estudyante sa school at pagtsismisan kami. Bakit ba sa tuwing may problema dumadating siya para tulungan ako?  Tulungan nga ba o lalong palakihin lang ang g**o? “Uy, dahan... dahan naman, nasasaktan na ako. At saka ahmmm... n-nakaka—pagod na,” napaubo siya. b Binitiwan ko na siya ng makalayo na kami sa school. “What do you think of yourself? A hero? Bakit bigla ka na lang sumusulpot kapag may problema ako?” tanong ko. “Para tulungan ka, pero actually timing lang ang dating ko. Hinahanap kasi kita, eh!” ngumiti na naman siya. Nakakairita! Hindi dahil sa pangit ang ngiti niya kundi dahil kapag nakikita ko ang ngiti niyang iyon ay nawawala na ang pagkainis ko sa luka-lukang ito. Napailing ako. Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad, uuwi na lang ako dahil wala na talaga ako sa mood dahil sa pangyayaring iyon. Itutulog ko na lang ang pagkainis ko. “Saan ka pupunta?” sabay hawak niya sa braso ko at pinihit ako paharap sa kanya. “Hmm.... iyong usapan natin, Mister. Seven days ho na magkasama tayo baka po nakakalimutan ninyo. Day two na ho natin ngayon pero wala pang nangyayari,” sunod-sunod na sabi niya. “I don’t care about your seven days. Hindi mo ako utusan para mapasunod sa iyo.” Hinila ko ang braso ko sa kanya at naglakad ng muli pero as usual makulit siyang humarang sa daraanan ko with matching unat ng kamay niya pa-sideward, akala mo nakikipagpatintero. Parang bata! “Hindi puwede iyon! May usapan na tayo, eh, pumayag ka. Kaya... kaya kailangan samahan mo ako. Kailangan magkasama tayo sa loob ng pitong araw!” sigaw niya saka huminga ng malalim. “Wala namang bawian, oh...” naging mahinahon ang boses niya at nakikiusap ang mata niya. s**t! “So, ano na? Magtititigan na lang ba tayo?” tanong ko sa kanya. “Saan na tayo pupunta?” pagkasabi ko no'n ay unti-unting bumalik ang saya sa mata niya at ngumiti na naman. “Punta tayo sa park! Date tayo!” sabi niyang hindi maalis ang ngiti sa labi. Tuwang-tuwa. “Park? Are you f*****g serious? Bata ka ba at sa park tayo pupunta?" gulat kong tanong. "And date? Hell no! Hindi ako makikipagdate sa iyo. As you wish, Miss.” “Eeh,” reklamo niya, nakapout pa ‘yong lips niya. Akala naman niya cute, eh, ang ganda kaya este— HINDI MAGANDA. “Sige na sa park na tayo, oh. Please. Please!” pagmamakaawa niya sa akin. “At saka may pangalan ako, Yassie! Don’t forget that name, okay?” “Okay.’’ Tapos ay tinalikuran ko na siya. “Yehey! Magde-date kami sa park!” sigaw niya. Mukha talagang timang itong babaeng ito. Saan bang lugar galing ito, ibabalik ko na as soon as possible! “Teka, ‘wag ka nga sumigaw! Nakakahiya ka!” huminto ako at humarap sa kanya. “At puwede ba hindi nga sinabi date ‘yon, eh, huwag ka mangarap ng gising, oy.” pinitik ko ang noo niya ng bahagya. “Yipee! Magde-date kami ni Lelou,” patuloy lang siya sa pagsasalita. Naglakad na siya at nilagpasan lang ako. Babaeng ito talaga! Sarap kitilin ng buhay! “Date with Lelou. Date, date, date, date!” “Hindi nga iyon date!” sigaw niya ulit. Nakakarindi. Paulit-ulit siya na parang sirang plaka. “Sasamahan lang kita,” sabi ko pa. “Lalalalalalala~ Date!” Arg! Luka-luka siya! Badtrip! --- Please, be reminded na matagal ko na po itong naisulat kaya medyo childish. Haha. Pero, baon po kayo ng tissue. Char! I Will post another chapter tomorrow! Thank you for reading! Dara Nakahara
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD