#5 Hala may multo!

1092 Words
may #ghost ata?... Masaya si Hanie sa itinatakbo ng lahat lalo na pag nasa school siya,ngunit sa tuwing uuwi na siya ay ibayong takot at pag-aalala ang hatid sakanya. Pag nasa bahay na kasi siya ay kakaiba ang kanyang mundo,malungkot at nakakatakot. Minsan walang pasok, maagang gumising si Hanie para umpisahan ang trabaho niya sa bahay. Habang nagpupunas ng sahig ay nagising ang pamangkin na pupungas pungas, nabangga nito ang timbang may lamang tubig at sabon na pinagbabanlawan sa pamunas niya sa sahig, kaya ang nangyari ay natapon ang laman nito at naglawa na siyang ikinadulas ng pamangkin niya. Pumalahaw ng iyak ang bata na dahilan ng pagkagising ng mag anak. Nilapitan agad ito ni Hanie kahit magkandadulas dulas siya sa natapong tubig sa sahig. Inalo niya ang bata para tumahan na ito sa ganoong tagpo sila nakita ng mag asawa. "tanga tanga ka talaga! anong ginawa mo?" sigaw ng kuya niya. "ah eh kuya natabig niya kasi ang timba kaya natapon at nadulas siya." paliwanag ni Hanie. "kasalanan pa ng anak ko ang katangahan mo!?" nanggagalaiti namang sabi ng asawa ng kanyang kuya. Napayuko na lang si Hanie. At pagkakuha ng ina ng bata sa bata ay siya namang pagsabunot ng kuya niya sakanya. Kinaladkad siya nito papuntang kwarto. Wala namang magawa si Hanie kundi iiyak ang sakit ng pagkakasabunot sakanya. Pagkapasok niya sa silid ay binalibag ng kuya niya ang kanyang pintuan. "bwisit ka! ga**! wag kang lalabas dyan! hindi ka kakain sa maghapon! tanga tanga ka kasi! bwisit!" sigaw nito sakanya kahit nakasara na ang pinto ay rinig na rinig niya ang mga sinabi nito. Tahimik na lang siyang umiyak sa sulok habang basang basa ang damit niya sanhi ng pagkakadulas sa sahig ng natapong tubig. Isang malamig na haplos sa kanyang buhok ang kanyang naramdaman na kanya ring ikinatingala. Ngunit wala siyang nakitang sinuman... "hanie...araw araw ka na lang nahihirapan,araw araw ka na lang nasasaktan. Di ka ba naaawa sa sarili mo?" sabi ng malamig na tinig. "okay lang naman ako,tsaka kasalanan ko naman eh ang tanga ko kasi..hik." sagot ni Hanie. "hanggang kelan ka ganyan? hanggang kelan mo kakayanin?" naaawang sabi ng tinig. "hanggat kaya ko..hik." sagot pa niya uli, habang pinipigilan na ang pagluha. "igaganti kita!" sabi ng tinig at isang bagsak ang gumulantang kay Hanie ng bumaliktad ng pabalabag ang lamesa niya sa kwarto. Nanlalaki ang kanyang mata sa nakita,siya namang pagbukas ng pintuan na iniluwa ang kanya kuya na masama ang tingin sakanya. "nagdadabog ka? ang kapal ng mukha mo! sampid ka lang dito gaganyanan mo ko? wala kang utang na loob. Kinupkop ka namin! palamunin ka lang!" nanlilisik na mga matang sabi pa nito. Akmang papasok sa silid niya ang kanyang kuya ng biglang bumagsak ang kabinet na humarang sa daan ng kuya Cam niya.Na ikinagulat naman nito. "tarantado ka ahh! papatayin mo ba ako ha at ginawan mo ng paraan para sadyaing tumumba iyan sa pagpasok ko?demonyita ka!" sabay balabag uli ng pinto pasara. Nanginginig naman sa takot si Hanie sa nasaksihan. "aaahhh!" sigaw ng kuya Cam niya sa labas ng kanyang silid. Dali dali niyang tinungo ang pinto pagbukas niya ay tumambad sakanya ang dugong nagmumula sa paa ng kuya Cam niya habang nakatusok ang kutsilyo na tinanggal naman ng asawa nito. "Hayop!" sigaw nito kay Hanie. "bwiset ka hanieeeee!!" muling sigaw nito sakanya. Ang eksena kasi nang paglabas ng kuya niya sa kanyang silid ay nagtungo sa kusina at kinuha ang kutsilyo at sa di malamang dahilan ay nanigas ang kamay nito na animoy may umaawat sa kamay niya kaya nabitawan nito ang kutsilyo na saktong nahulog sa paa niya. 'hahahahahaha' tawa ng tinig sa tenga ni Hanie. 'ayan ang dapat sakanya! kulang pa iyan! hahahaha' sabi pa nito. "lumayas ka sa paningin ko! bwiset ga**!" sigaw muli ng kuya niya sa kanya. Kaya muli niyang sinara ang pinto at naupo sa isang sulok. "nakita mo ang ginawa ko di ba?" sabi ng tinig. "tigilan mo sila...wag mong gawin to maawa ka.. sino ka ba talaga?" tanong ni Hanie. "magpakita ka." sabi pa niya. "gusto mo ba talagang makilala at makita ako?" sabi ng tinig. "oo" sagot niya. "hindi pa napapanahon,pero sasabihin ko ang pangalan ko. Ako si Lady B. Okay na muna yan." sabi nito. "Lady B? magpakita ka.." ngunit wala ng tugon mula rito. "magpakita ka! Nasaan ka na?" sabi ni Hanie. Hanggang sa napagod na lang siya at nakatulog sa pwesto niyang basang basa pa ang suot na damit. Nagising si Hanie sa lamig na nararamdaman kaya dali dali siyang tumayo at nagtungo sa kanyang higaan saka nagbalot ng kumot. Nasa ganoong sitwasyo siya nang halos matagal na oras. "kawawang Hanie... sabi ko na nga ba eh...wag kang bibitiw Hanie kaya mo yan at ako nang bahala sakanila." sabi ni Lady B habang haplos nito ang buhok niya na nagdedeliryo na sa sobrang taas ng lagnat. Samantala sa silid ng mag asawa: "pah,paano si Hanie maghapon na di kumain ang batang yun. Baka kung mapaano siya,malilintikan tayo sa mama mo?" sabi ng asawa ni Cam. "tumigil ka nga! alam ko ang ginagawa ko! hayaan mo siya ng madala!" sabi nito na naiinis. Nagpatay sindi naman ang ilaw sa kanilang kwarto. "anong nangyari sa ilaw eh nakapatay naman yan kanina pa?" takang tanong ng asawa. "baka mapupundi na." sagot ni Cam. "eh paanong mapupundi eh nakapatay nga?!" sabi pa nito. Nang biglang bumukas ang pintuan nila ng pabalabag na siyang ikinagulantang ng lahat maging ang mga batang natutulog ay nagising sa ingay ng pinto. Tumayo naman si Cam para tignan kung sinong pangahas na nagbukas ng naka lock nilang pinto. Ngunit kahit aninoy walang bakas ng sinuman ang makikita,kaya muli siyang bumalik sa silid. Pagbungad pa lang niya sa pinto ay nag iyakan na ang mga bata. "bakit kayo biglang umiyak mga anak?" tanong ng ina. "may..may monters sa..sa likod ni papa." sabi ng panganay habang nakaturo sa likuran ng ama. Sabay na nilingon ng mag asawa ang itinuturo ng mga bata. "wala naman mga anak." sagot ng ina. "meron po huhuhu." sabay sabay na sagot ng tatlo. "hala magsipagtulog na kayo! guni guni nyo lang iyon!" sabi ni Cam sa mga anak. Ngunit isang malakas uling paghampas ng pinto pasara, napatalon sa gulat si Cam at nagsipagsiksikan ang mga bata sakanilang ina habang pumapalahaw ng iyak. Nanlalaki ang mga mata ni Cam,makikita ang takot sakanyang mga mata. "papa mama si tita Hanie puntahan natin!" sigaw ng pangalawang anak nila kahit na umiiyak ay lakas loob na hinihila ang mga magulang patungo sa kwarto ng tita Hanie niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD