TINULAK NI Krisha si Jaden matapos matauhan pagkatapos ay nagmamadali siyang lumabas. “Krisha, wait!” habol ni Jaden sa kanya sabay hawak sa braso niya. Agad siyang pumiksi at hinarap ito. Sa mga sandaling iyon ay wala na siyang pakialam kung mabasa man siya ng ulan. Hindi na napigilan ni Krisha ang sarili at tuluyan napaiyak. “Please Jaden, huwag mong gawin mahirap ito para sa akin!” pakiusap niya. Gusto niyang pasalamatan ang langit dahil sa pagbuhos ng ulan. Kahit paano ay nagawa niyang ikubli doon ang pag-agos ng luha niya. “Krisha!” “Ginagawa ko ang lahat para iwasan ka! Kahit nahihirapan ako hindi kita pinapansin!” bulalas niya. “What?” hindi makapaniwalang tanong ni Jaden. “Kaya parang awa mo na! Tigilan mo

