NAKAUWI na si Mila sa bahay nila at nadatnan ang Mama niya na naghihintay sa sala. Napayuko ng ulo si Mila ng makita na galit ang mukha ng ina. Alam naman niya kung bakit galit ito sa kanya. Hindi siya umuwi kagabi at inumaga pa ng uwi. Alam niya na magagalit din ang Papa niya kapag nalaman na hindi siya umuwi nung gabi. Naisip niya na magsinungaling sa ina. Ito ang kauna unahang nagsinungaling siya sa mga magulang. Ayaw man niya itong gawin pero kailangan.
"Mila! Saan ka nanggaling kagabi at hindi ka umuwi?" bungad na tanong ni Aling Josie kay Mila nang inumaga ito ng uwi.
Napayuko ng ulo si Mila dahil sa nakitang galit sa mga mata ng ina. Ito ang unang beses na hindi umuwi ng bahay si Mila ng hindi nagpapaalam sa Mama niya. Ayaw man niyang magsinungaling sa Mama niya pero kailangan niya itong gawin.
Ito din ang unang pagkakataon na sinigawan siya ng Mama niya at galit na galit sa kanya. Hindi din niya kanyang sagutin ang tanong ng Mama niya kung saan siya nanggaling kagabi dahil lalo lang itong magagalit kapag nalaman nito ang nangyari sa kanya. Ayaw niyang may ibang makaalam ng namagitan sa kanila ni Raven kagabi.
"Pinuntahan kita kina Dina. Sabi ni Dina hindi ka raw pumunta sa kanila kagabi at hindi pa kayo nagkikita!" dugtong pa ng Mama Josie niya.
Nakayuko pa rin si Mila sa harap ng Mama niya. At umiyak na siya sa takot sa Mama niya. Nagulat naman si Aling Josie sa nakikitang pag iyak ni Mila sa harap niya.
"Mila, anak?" nagtatakang sambit ni Aling Josie kaya. niyakap niya ito. Para namang lumambot ang puso ni Aling Josie sa mga iyak at hikbi ni Mila.
"Mama, sorry po," umiiyak pa rin na sabi ni Mila. Hindi nito alam kung ano ang isasagot sa Mama niya.
"Bakit ka nagso-sorry?" nagtatakang tanong ni Mama Josie kay Mila. Humarap si Mila sa ina.
"Ma, sorry po kasi hindi po ako umuwi kagabi. At saka natatakot lang po ako na mapagalitan ninyo kaya ako umiiyak," pagsisinungaling na sagot ni Mila sa ina.
Nagtatakang napayakap ulit si Aling Josie kay Mila. Hindi niya kayang nakikita ang bunsong anak na umiiyak.
Lumambot ang puso ng ina sa nakitang hilam na luha ni Mila sa mga mata. Naawa siya sa anak. Ganoon naman ang mga ina malambot ang puso para sa mga anak lalo na kapag nakita nilang nasasaktan ang mga anak nila.
"Okay, pero sana hindi na mauulit ito. Hindi ko na kayang pagtakpan ka pa sa Papa mo," babalang sabi ni Aling Josie.
Tumango ng ulo si Mila bilang sagot sa ina. Nakokonsensiya siya sa pagsisinungaling niya sa Mama niya.
Napakamaunawain talaga ni Aling Josie. Pero hindi din niya kinukunsinti ang mga mali na magawa ng mga anak.
Nalaman ng Papa ni Mila ang hindi pag uwi ni Mila kagabi. Magagalit sana ito sa anak pero pinaliwanagan ito ng asawa na nakausap na niya si Mila at hindi na uulitin.
Pagkatapos ng insidente na napagalitan si Mila ng Mama niya ay parang nanamlay si Mila. Hindi na ito iyong dating masayahin at madaldal. Hindi na din siya masyadong lumalabas ng bahay.
Lalo na ang pakikipag usap sa kaibigan ay iniiwasan na niya. Dumadalaw si Dina para kausapin si Mila pero laging sinasabi ng Mama ni Mila na masama ang pakiramdam ni Mila kaya hindi na ulit nakapag usap ang magkaibigan.
Napapansin ito ng mga magulang ni Mila ang mga ikinikilos niya nitong mga nagdaang araw. Kaya kinausap nila ito ng masinsinan para alamin kung mayroon siyang problema na hindi sinasabi sa kanila.
"Mila, puwede ka ba naming makausap ng Papa mo?" pakiusap na tanong ni Mama Josie. Tumango naman ng ulo si Mila at bumangon sa pagkakahiga sa kanyang kama..
"Anak, may dinadamdam ka ba? Ayaw mo na ring pumasok sa eskwelahan," nag aalalang tanong ni Papa Mencio. Hindi naman sinagot ni Mila ang tanong ng Papa niya.
Hinawakan ni Aling Josie ang kamay ni Mila. Nag aalala silang mag asawa sa mga ikinikilos ng anak na si Mila. Ayaw na din nitong pumasok sa University at ipagpatuloy ang pag aaral.
"Anak, hindi sa dinidiktahan ka namin ng Papa mo. Pero, paano ang pag aaral mo?" tanong ni Aling Josie sa anak.
"Next school year na po ako papasok," sagot ni Mila sa ina na nagtataka sa mga ikinikilos niya. Ayaw naman nila itong pilitin na mag aral dahil alam nila na may isip na ang anak nila para magdesisyon sa gusto nitong gawin.
"Anak, gusto mo bang umuwi muna sa barrio pag asa?" tanong ulit ng Papa ni Mila. Naisip niya baka kailangan ni Mila ng maayos na kapaligiran kesa sa magulong lugar ng Maligaya.
"Papa, okay lang po ako," maikling sagot ni Mila sa ama.
"Mila, nag aalala na kami ng Papa mo sayo," malungkot na sabi ng Mama ni Mila. Tumunghay ng ulo si Mila sa Mama at Papa niya at pekeng ngumiti.
"Ma, Pa, huwag po kayong mag alala sa akin. Sobrang okay po ako," pinagsigla ang boses para maniwala ang mga magulang ni Mila na totoong okay siya.
Sa loob ni Mila hindi talaga siya okay. Pinipigilan niya lang umiyak sa harap ng Mama at Papa niya. Yumakap ang Papa ni Mila sa kanya pati na rin ang Mama niya. Doon na lumuha ng palihim si Mila. 'Yong hindi nakikita ng mga magulang niya. Ayaw niyang makita nila na nasasaktan siya.
Lumipas ang isang buwan hindi na nakikita ni Mila si Raven halata naman na iniiwasan na siya ni Raven. Hindi na din siya nakikipagkita kay Dina. Kahit ang dumalaw sa bestfriend ay hindi na niya ginagawa. Tinitiis ni Mila na hindi kausapin si Dina dahil ayaw niyang makita si Raven na kasama ang bestfriend niyang si Dina.
Sinubukan ni Mila na kausapin si Raven pero hindi niya ito matiyempuhan ang binata kapag sumisilip siya sa bakuran nina Dina. Talagang iniiwasan na siya ni Raven.
HINDI na nakikita ni Dina si Mila. Hindi na rin siya pumasok sa University. Nakapasa sila sa exam pero hindi nito itinuloy ang pag aaral sa University. Napagpasyahan niya na sagutin na si Raven. Medyo matagal na rin itong naghihintay kahit na binasted na niya ito noon, itinuloy pa rin niya ang panliligaw. Gustong gusto rin naman siya ng Nanay niya para kay Dina.
Gusto niya sanang kausapin ang bestfriend at kumbinsihin na pumasok sa University. Pero dahil sa dami ng trabaho, sumabay pa ang pagpasok sa University ay nawalan na siya ng oras paea puntahan si Mila.
"I miss Mila so much! I miss my bestfriend," nawika ni Dina sa sarili.
PINUNTAHAN ni Aling Josie si Dina para kausapin ang kaibigan ng anak baka sakali na may malaman siya mula kay Dina. Kung bakit parang nagbago ang mga ikinikilos ng anak.
Nadatnan niya roon si Dina at ang boyfriend nito na si Raven. Nalaman din ni Aling Josie na sinagot na ni Dina si Raven.
"Mama Josie, pasukan na nga po namin ni Mila sa University. Hanggang ngayon po hindi ko pa rin alam kung papasok ba si Mila," nag aalalang sabi ni Dina sa Mama ni Mila habang nakikinig si Raven sa tabi ni Dina.
"Dina, hindi ko rin alam kung anong plano ni Mila sa ngayon. Pero gusto namin ng Papa niya na hayaan na lang ang gusto ni Mila. Nalulungkot din kami na hindi namin alam kung bakit nagkakaganoon si Mila," mahabang paliwanag ni Mama Josie.
"May alam ka ba Dina kung bakit parang nanamlay si Mila? Ayaw na rin nitong pumasok sa University," tanong na dugtong ni Mama Josie. Nag aalala lang siya para sa anak.
Tahimik na nakikinig lamang si Raven. Ayaw niyang magsalita sa pinag uusapan nila Dina at Mama ni Mila.
"Sa totoo lang po, Mama Josie. Wala po akong alam. Hindi na po kami nagkakausap pa ni Mila kaya nga po nag aalala na din ako sa kanya," sagot ni Dina.
Lumipas ang tatlong buwan, bumalik na unti unti ang sigla ni Mila. Lagi na itong nakikipag kwentuhan at nakikipagbiruan sa buong pamilya niya. Parang kakaiba ang pakiramdam ni Mila simula pa nuong umaga. Napansin din niyang malakas siyang kumain nitong mga nagdaan na araw. At parang nasusuka pa siya.
"Mama!" sigaw na tawag ni Mila sa ina. Tumakbo naman palapit si Aling Josie sa anak. Nakita niyang namumutla si Mila at parang papanawan ng ulirat.
"Anak, bakit? Anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong ni Aling Josie.
"Nahihilo po ako at masakit po ako ang tiyan ko dahil nasusuka po ako," sagot ni Mila at nawalan na nga ito ng malay.
"Mila!" sigaw ni Aling Josie.
Dali dali naman na sinalo nito ang anak para hindi tuluyan na malalag sa sahig.
Itinakbo si Mila sa hospital ng Mama niya. Maigi na lang at day off ng Kuya Marvin niya sa trabaho at ito ang nagbuhat kay Mila.
Naiiyak ang Mama nito hindi alam kung anong sasabihin sa Papa ng dalaga kung anong nangyari sa bunso nilang anak.
Iniiwasan ni Raven si Mila. Natatakot siya na malaman ni Dina, ang nangyari sa kanila ni Mila. Hindi noyq na hahayaan mawala pa si Dina sa buhay niya.
Wala na siyang mukhang maihaharap pa kay Mila. Kasalanan din naman talaga kung bakit may nangyari sa kanila. At hindi pa siya handang malaman ito ni Dina. Lalo pa't sinagot na siya nito.
Ang tagal niyang hinintay ang araw na iyon. Kahit na alam niya at ramdam, na hindi naman talaga siya nito mahal. Hindi pa rin nawawalan ng pag asa na matutunan din siyang mahalin ng dalaga.
DUMATING na ang doktor na tumitingin kay Mila. Kasalukuyan nakahiga si Mila sa hospital bed at natutulog pa.
"Normal naman po ang vital sign ng anak ninyo Aling Josie. Three months pregnant na po ang pasyente."
Nanlaki ang mga mata ni Aling Josie at napatingin sa anak na si Marvin.
Pagkaalis ng doktor na tumingin kay Mila ay napaiyak na si Aling Josie. Niyakap naman ito ni Marvin.
"Ma, tama na po," alo ni Marvin sa ina na umiiyak pa din.
"Marvin, si bunso. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa Papa mo mamaya," sagot ni Aling Josie. Nag aalala siya sa magiging reaksiyon ng asawa kapag sinabi niyang buntis ang anak.
"Mama, kailangan po nating ipaalam kay Papa ang lahat," wika ni Marvin. Tumango lang ng ulo si Aling Josie sa anak. At tumingin kay Mila na natulog pa din.
Nang magising si Mila ay inuuwi na rin siya sa bahay nila sa Maligaya. Wala namang masamang nangyari sa kanya na ayon sa doktor ay okay naman si Mila pati na rin ang baby nito sa tiyan.
Kinakabahan ang Mama ni Mila kung anong sasabihin sa Papa nito at kung paano ipapaliwanag ang maagang pagbubuntis ng bunso nilang anak.
"Sinong ama niyan?!" galit na galit na tanong ni Papa Mencio habang nakatayo sa harap ni Mila na nakaupo sa sopa sa sala. Nalaman na nito ang kalagayan ng bunso.
Napakabata pa ng bunsong anak para magkaroon ng responsibilad at magkaroon agad ng anak. Unang taon palang nito sa kolehiyo at tiyak na masisira na ang kinabukasan ng anak.
"Papa..." Umiiyak na tawag nito sa Ama. Lumapit si Aling Josie sa anak at niyakap ito habang umiyak.
"Sorry po. Patawarin niyo po ako," umiiyak na sabi nito sa ama. Umiyak na din si Aling Josie at lalong hinigpitan ang yakap sa anak.
"Mencio, 'wag ka ng mgalit sa anak mo," umiiyak na sabi nito sa asawa. "Andiyan na yan. Huwag na nating sisihin si Mila sa nangyari sa kanya ngayon. Suportahan na lang natin ang bunso mo. Kung ayaw man niya sabihin kung sino ang ama ng anak niya. Hayaan nalang natin," mahabang nawika ni Aling Josie.
Hinarap nito si Mila at pinunasan ang mga luha sa pisngi nito. Hinawakan ng dalawang kamay ang pisngi ng anak.
"Tahan na, anak. Andito lang kami para sayo at para sa magiging apo namin ng Papa mo," umiiyak na sabi no Aling Josie sa anak.
"Mama," tawag nito sa pangalan ng ina at napayakap sa ina.
Napakaswerte niya talaga sa pamilya niya. Sila lang ang tunay na nagmamahal sa kanya at hinding hindi iiwan.
Lumapit at yumakap na rin si Mang Mencio sa mag ina niya. Hindi na din nakatiis ang mga kapatid ni Mila na sina Mel, Marvin, Melchor, at Mario lumapit silang apat sa Mama at Papa nila na nakayap kay Mila. Nagyakapan ang buong mag anak ni Mang Mencio. Gusto nilang iparamdam kay Mila na kasama niya ang buong pamilya sa pag harap ng problema at sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya.
Buong puso nila itong tatanggapin at tutulungan si Mila sa lahat ng kailangan nito para sa bata. Andoon lang din ang mga kapatid ni Mila. Nalaman na rin nila na buntis ang kapatid at ayaw nito sabihin kung sino ang ama.
"Sorry, anak," mahinang usal ni Mila habang hinihipo ang tiyan. Tumulo na ang luhang nagbabadyang lumabas mula sa kanyang mga mata.
"Mahal na mahal ka ni Mama. Ayaw man ng Papa mo kay Mama, mahal na mahal naman kita. Andito lang si Mama para sayo. Aalagaan kita at hindi sasaktan," umiiyak na sabi nito sa tiyan.