ILANG buwan na ang tiyan ni Mila. Sinubukan niyang kausapin si Raven pero talagang iniiwasan na siya nito. Kaya naisip na nitong puntahan na lang ang lalaki sa trabaho nito.
"Miss, puwede ko bang malaman saan ang opisina ni Engineer Buenaventura?" tanong ni Mila sa receptionist.
"Akyat na lang po kayo sa first floor, Ma'am," sagot naman nito.
"Salamat," wika ni Mila at ngumiti sa babae. Nagtaka naman ang receptionist ng makitang buntis ang naghahanap sa kanilang head engineer ng kompanya.
Pumunta sa elevetor si Mila para umakyat sa first floor. At nang bumukas ang pintuan ay lumabas na siya. Nakita niya na pinto na ng opisina ni Raven ang nabugaran niya.
Huminga muna ng malalim si Mila saka kumatok sa pinto.
"Bukas 'yan. Pasok," sagot ni Raven sa hindi inaasahang bisita na dumating.
Nagulat naman ang binata sa kung sino ang pumasok ng kanyang opisina. Si Mila ito na malaki na ang tiyan at parang manganganak na sa umbok ng tiyan.
"Gusto ko lang sana ipaalam ang tungkol sa anak mo dahil karapatan mo pa rin itong malaman dahil ikaw ang ama," bungad sabi ni Mila.
Taas noo niya itong sinabi sa harapan ng binata. Gusto niyang ipakita na matapang siya kahit sa ganitong paraan lamang.
"Huh? Anak mo iyan? Paano ko naging anak iyan?" sunod sunod na tanong ni Raven.
Nagpanting ang tenga ni Mila sa narinig mismo sa bibig ni Raven. Ang ikaila ang sariling anak ay sobrang napakasakit sa kanya. Pareho nilang ginawa pagkatapos, itatanong niyo sa kanya kung paano nito naging anak ang dinadala niya.
"Hindi ba obvious? Gusto mo idetalye ko pa sayo kung paano natin ito ginawa?!" galit na sagot ni Mila.
"Hindi ko anak iyan!" matigas na tanggi ni Raven at tinalikuran si Mila. Habang kuyom ang kanyang kamao.
"Ang kapal ng mukha mo para sabihin iyan! Sarili mong anak ikinakaila mo!" galit na galit pa rin na sabi ni Mila. Ang isang kamay niya ay nasa kanyang tiyan. "Ito ang tandaan mo kahit mahal kita. Hindi mo na makikita ang anak mo! Hinding hindi kita mapapatawad dahil sa ginawa mo sa amin ng anak mo. Kaya ko pang tanggapin kong ako na lang ang sinaktan mo at hindi ang batang walang kasalanan sa mga nangyari!" umiiyak na dugtong nitong sabi kay Raven.
"Hindi ko ipinipilit na tanggapin mo ang bata, gusto ko lang na malaman mo. Kaya ko naman buhayin ito mag isa. Hindi namin kailangan ng tulong mo. Pero iyong marinig ko sayo lahat ng iyon,, para mo na ring sinaksak ako ng kutsilyo!"
Awang awa si Mila sa sarili niya. Bakit pa ba niya sinabi kay Raven ang tungkol sa ipinagbubuntis niya? Sana hindi na lang niya ito ipinaalam di sana hindi siya nakarinig ng mga salitang masasakit lalo na sa magiging anak niya.
Tinalikuran na ni Mila si Raven at dire diretsong lumabas ng opisina niya. Umiiyak na pumunta siya sa harap ng elevator habang hawak hawak ang tiyan.
Nahabag si Raven kay Mila. Pakiramdam niya ay wala siyang kwentang lalaki dahil ikinaila niya ang sariling anak. Pero, paano si Dina? Ang tagal niyang hinintay na maging kanya ito. Hindi niya kayang hayaan na mawala ulit si Dina sa kanya. Dahul lamang sa anak nila ni Mila.
Hindi dapat malaman ni Dina ang tungkol sa kalagayan ni Mila. 'Di nito dapat makita ang kaibigan. Pero ano ang gagawin niya? Tiyak na mabubuko siya ng nobya sa oras na magkita sila.
Napasuklay na lang si Raven ng kanyang buhok. Saka naupo sa kanyang swivel chair. Iniisip ang naging tagpo nila kanina ni Mila. Hindi maalis sa isipan niya ang maumbok na tiyan nito.
Nagpasya ang mga magulang ni Mila na umuwi na muna ng Barrio Pag asa para doon na manganak si Mila. Mas makakasigurado silang maaalagaan doon ng maigi ang anak. Magiging malusog din ang bata dahil sa sariwang hangin sa Barrio.
Pinuntahan ni Dina si Mila sa bahay nila. Hindi nito nadatnan ang pamilya nila Mila. Umalis na daw ang buong pamilya nito at umuwi muna sa probinsiya.
Bumalik si Dina sa bahay nila at nadatnan si Raven na nakaupo sa sala.
"Love, saan ka galing?" bungad na tanong ni Raven nang makitang papasok si Dina sa loob ng bahay nila.
Inaantay kasi niya ito at sinabi ng Nanay Corazon niya na umalis daw ito. Hindi din nito sinabi kung saan pupunta.
"Ah, kina Mila. Hindi ko na kasi nakikita ang bestfriend ko. Ilang buwan ko na din siyang hindi nakakausap. Hindi na din siya pumasok sa University. Pakiramdam ko tuloy iniiwasan na ako ng bestfriend ko," mahabang sagot ng dalaga habang lumalapit ito kay Raven at umupo ito sa tabi nito.
Malungkot si Dina na matagal na ding hindi nakikita o nakakausap ang kaibigan. Hindi din nito sinasabi sa kanya kung may problema ito. Wala talaga siyang alam sa lahat ng nangyayari sa buhay ng kaibigan. Kung hindi pa niya ito pinuntahan sa bahay nila ay hindi niya malalaman na umalis na sila Mila ng Maligaya.
"Kaya lang hindi ko na sila naabutan. Umuwi daw ng probinsya ang buong pamilya ni Mila," malungkot na dugtong pa ni Dina. Hindi man lang nagpaalam ang kaibigan nito sa kanya.
Hindi inaasahan ni Dina na hindi madadatnan ang kaibigan sa bahay nito. Kaya laking gulat niya na umalis na pala ang buong pamilya nina Mila sa probinsya.
Hindi naman na nagulat pa si Raven sa mga narinig kay Dina. Alam niya kung bakit umalis si Mila sa Maligaya at pumunta ng probinsiya at ito ay dahil sa kanya.
"Hayaan mo alam ko naman na hindi ka matiis ng kaibigan mo. Tatawagan ka nuon huwag kang mag alala," along sabi ni Raven sa nobya. Kahit na alam niya na wala ng balak pang makipagkita si Mila sa kanila.
"Sana nga. Miss ko na ang bestfriend ko," may lungkot na wika ni Dina kay Raven. Hinawakan naman ni Raven ang kamay ni Dina at ngumiti dito.
Kahit na hindi sigurado si Dina ay umaasa pa din siyang magkikita sila ni Mila. Hindi niya hahayaan na masira ang pagkakaibigan nilang dalawa.