Barrio Pag asa

1023 Words
WALONG buwan na rin noong makauwi ang pamilya nila Mila sa probinsiya. Gusto lang sana ni Mila na siya na lang ang umuwing mag isa sa barrio. Pero ayaw naman pumayag ng Papa niya dahil sa wala raw mag aasikaso sa kanya lalo na at malapit na itong manganak. May lupa naman silang sakahan kaya hindi nila magiging problema ang pagkain at iba pang ipangtutustos sa araw araw nilang pangangailangan. "Kuya, gusto ko ng mangga?" request nito sa kanyang Kuya Mel. "Bunso, malapit ka ng manganak ah. Naglilihi ka pa rin," sagot nito sa bunsong kapatid. Nasa kabuwanan na ang tiyan ni Mila. Lahat sila ay sabik nang makita ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Lalo na si Mila, gusto na rin niyang makita ang mukha ng anak. Nais niyang malaman kung sino ang kamukha nito. At ano ang kasarian ng anak nila ni Raven. Ayaw niyang makita ang gender ng magiging baby. Sa kadahilanan na gusto niyang maging sorpresa ito sa kanila. Unang app ata ito ng kanyang mga magulang. Kaya dapat na maging espesyal ang pagdating ng anak niya. "Ah, basta! Gusto ko ng mangga!" nagmamaktol naman na wika nito. Magsi-siyam na buwan na ang tiyan niya. Pero nakakaramdam pa rin ng paglilihi. "Sige, ikukuha kita. Pero, mamaya na pagkauwi ko galing sa bukid," turan na wika rin ni Mel sa kapatid. "Ayoko gusto ko po ngayon na," matigas na sabi ni Mila sa kapatid. At namaywang pa ng kamay. "Ngayon na? Anong oras palang? Alas otso palang ng umaga, oh. Hindi ka ba sasaktan ng tiyan niyan? Ang aga aga mangga na agad ang hinahanap ng tiyan," natitigilan na sagot ni Mel sa kapatid. "Mama, si Kuya po, oh. Ayaw po ako ikuha ng mangga!" parang batang nagsusumbong sa Mama nito. Nanlaki ang mata ni Mel sa naging gawi ni Mila. "Hoy! Sige, na ikukuha na kita," natatakot na saway sa kapatid. "I love you, Kuya," tuwang tuwa na sabi ni Mila sa Kuya niya. Ngumiti lang si Mel sa kapatid at pakamot kamot ng ulo. Nang ibigay ng Kuya Mel niya ang mga mangga ay kinuha agad ni Mila ang kanyang cellphone at inilagay ang headphone sa tenga. Makikinig siya ng music sa cellphone niya habang nakaupo at kumakain ng mangga. Nang biglang sumakit ang kanyang tiyan. "Papa, Mama, Kuya!" tawag na sigaw ni Mila. Nagmamadali na tumatakbo ang Papa ni Mila para makalapit sa anak. "Anong problema, Mila?" nag aalalang tanong ni Mencio sa anak. "Manganganak na po ata ako," napapangiwi sa sakit na sagot ni Mila. Namimilipit na ito sa sakit ng tiyan. "Huh, mga anak dali buhatin na ninyo si Mila! Dalhin na natin siya sa hospital," natatarantang na utos ng Papa nila sa mga nakakatandang kapatid. Nairaos naman ni Mila ng maayos ang panganganak. Isinilang niya ang isang malusog na babaeng sanggol. At pinangalanan niya itong Mirabelle Renzy Batungbakal. Pinagsamang pangalan nilang dalawa ni Raven. "Anak, ang ganda naman ng apo ko," puring sabi ni Aling Josie kay Mila habang karga karga nito ang sanggol. Kompleto ang buong pamilya nila Mila para bisitahin at makita sa unang pagkakataon ang bagong miyembro ng pamilya. "Josie, ako naman ang kakarga sa apo ko," sabi ni Mang Mencio sa asawa. At ibinigay nga ni Aling Josie ang apo sa asawa. Pinagpasapasahan na nila ang anak ni Mila na sobrang cute. Masaya naman si Mila na pinagmamasdan ang buong pamilya niya na masayang nilalaro ang anak. Nakauwi na silang mag ina sa bahay nila. Tuwang tuwa ang buong pamilya Batungbakal sa napakagandang blessing na dumating sa kanila. Mabilis na lumipas ang halos isang taon. Malapit na ang 1st Birthday ni Baby Mira. Abala ang lahat sa gagawing preparasyon ng nalalapit na birthday ni Baby Mira. Sobrang bilis ng panahon parang kailan lang ng isilang ito ni Mila ngayon ay sobra ng makulit ito. Ipinagpapasalamat naman niya sa Diyos na naging malusog na lumalaki ang anak na si Mira. "Happy Birthday, Baby Mira!" sabay sabay na bati ng buong pamilya kasama si Mila. Nakatawa naman na nakaupo si Baby Mira sa isang upuan na nasa gitna. Si Mila na rin ang nagblow ng kandila para sa anak. Mahirap ang mag isang itinataguyod ang anak at sa batang bata niyang edad ay natutunan na niya ang maging isang responsableng ina. Wala na siya sigurong mahihiling pa sa buhay. Kundi ang mapabuti pa si Mira. "Anak, halika na kumain na tayo," yaya ni Aling Josie kay Mila. "Salamat po, Mama, Papa at mga Kuya ko, sa lahat ng naitulong ninyo sa aming mag ina," may numuong luha na sabi ni Mila sa kanila. Ngumiti naman silang lahat at niyakap si Mila at si Baby Mira. Naging tahimik ang buhay nila sa probinsiya at wala na ding naging balita pa si Mila kina Dina at Raven. Wala na din naman siyang dahilan na alamin pa ang nangyayari sa kanila. Pero miss na niya si Dina ang best friend niya. "Sana maging masaya sila ni Raven," usal ni Mila sa isip niya at niyakap ang anak. Lumipas ang isa pang taon na nakatira sila sa Barrio Pag asa. Nasanay na si Mika sa buhay sa barrio. Hindi na din siya nagtuloy pa ng kanyang pag aaral niya kahit na nakapanganak na siya. Si Kuya Marvin niya ay tinawagan ult ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya sa Makati. Kaya lumuwas ito ng Manila. "Mama, puwede po ba akong pumasyal kay Kuya Marvin? Gusto ko din pong ipasyal si Baby Mira," tanong ni Mila sa ina. Ito ang unang beses na ipapasyal ni Mila ang anak sa Manila. "Anak, kung iyon ang gusto mo. Magpasama ka sa Kuya Melchor mo, para may kasama kayo ni Baby Mira doon," sagot ni Aling Josie kay Mila. "Mama, may trabaho po si Kuya rito," wika ni Mila. "Kami na lang po ni Baby Mira. Kaya ko naman pong alagaan si Mira. Saka ilang araw lang naman po kami r'on kay Kuya," dugtong pa ni Mila sa Mama Josie niya. "Ikaw ang bahala anak," turan ni Aling Josie at ngumiti sa anak. "Basta iingatan mo si Baby Mira namin," dugtong pa nito. "Oo naman po, Mama," nakangiting naisagot ni Mila sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD