"MIRA Mira! Dahan dahan sa pagtakbo," saway ni Mila kay Baby Mira. At ng maabutan ay binuhat na nito ang anak. "Ang kulit na talaga ng baby ko," panggigil na sabi ni Mila at hinalikan sa pisngi ang anak. Nang biglang may narinig siyang tumawag sa kanya mula sa kanyang likuran. "Mila! Best, ikaw ba yan?" sigaw na tawag ni Dina. Napalingon naman si Mila sa kaibigan. Nang matiyak na si Mila nga iyon ay tinawid ni Dina ang pagitan nila. Saka kinabig ng yakap ang kaibigan. "Ikaw nga, best! Namiss kita," naiiyak na sabi nito kay Mila. Natigilan si Mila ng mayakap siya ng kaibigan. Hindi na nakapagsalita si Mila sa kaibigan. "Mama," tawag ni Baby Mira sa ina. Doon lang napansin ni Dina ang batang karga karga ni Mila. "Anak mo? Ang cute naman ng baby girl na ito," puring sabi ni Dina at pin

