DUMATING ng Barrio Pag asa ang mg inang sina Mila at Mira. Nadatnan nila ang Papa niya na nanonood ng TV sa sala nila. "Anak, bakit hindi mo kasama si Raven bumalik?" nagtatakang tanong ni Papa Mencio nang makita na umuwi ng bahay ang mag ina. "Papa, hayaan ninyo na 'yong tao wala namang responsibilidad iyon sa aming mag ina. Saka isa pa, si Mira lang po talaga ang ipinunta niya sa atin," sagot ni Mila sa ama. Masama ang loob niya kay Raven dahil hinayaan niyang umuwi sila, na silang lang mag ina at hindi kasama si Raven. "Mila, hindi ka ba naawa sa apo ko? Magdadalawang taon na siyang walang kinikilalang ama. Huwag kang maging makasarili. Bigyan mo ng pagkakataon si Raven na patunayan n'ya sayo na mahal niya kayong mag ina. At 'wag pairalin ang galit sa puso mo," mahabang sermon ng Pap

