_MASTURBATE 🫣😆

1572 Words
ZIRI'S POV: GRABE.. Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng epekto ni Sir Ace sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko. Kalma ka lang, Ziri. Boss mo iyon. Iyong dibdib ko, parang may marathon na nagaganap sa loob. Hanggang sa sumagi sa isipan ko si Asher. "Lord, nagkakasala na ako.." mahinang sambit ko. Hindi! Hindi pwede ito. At higit sa lahat… masyado siyang mataas para sa isang katulad ko. Pagbalik ko ng aking desk ay naabutan ko pa si Miss Monica na nagta-type. "Hindi kapa ba uuwi?" Tanong niya sa akin. "Aayusin ko lang po itong mga files at iyong email about sa updated schedule ni Sir para bukas, ipapasa ko na lamang po sa inyo mamaya." Tugon ko pa saka hinarap ang aking laptop. "Hmm..okay.." tanging naisatinig niya. “Anong oras na, Monica?” Pareho kaming napalingon nang marinig namin ang malalim na boses ni Sir Ace ng hindi man lang namin namamalayan ang paglapit niya at kaagad namang tumayo si Monica. “Seven-thirty na po, sir.” Kalalabas lamang niya mula sa office niya habang inaayos ang cuffs ng suit niya. At gaya kanina, parang biglang nag-iba na naman ang atmosphere. Kahit simpleng paglalakad niya ay may kasamang authority. Napasulyap siya sa akin. “You’re still here.” “O-Opo… tinatapos ko lang po—” “Go home.” Naputol agad ang sasabihin ko. “Sir?” “It’s late.” “Ah… opo.” sabay tango ko nang nanginginig ang dalawa kong kamay. Mabilis kong inayos ang gamit ko habang pilit binabalewala ang tingin ni Monica sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang masyado niyang napapansin ang bawat kilos ko? Pagkatapos kong maayos ang lahat ng pwede kong ayusin sa table ko ay inayos ko narin ang sarili ko. Kinuha ko ang bag ko at ang laptop ko at ako'y naghanda narin upang makauwi na. Nagmamadali akong sumakay ng elevator pababa. Hindi ko na napansin kung anong elevator ang nasakyan ko. May elevator kasi para sa mga employees at may isa pa ang VIP elevator. Pagkapasok ko sa loob ng elevator, kaagad akong sumandal sa metal wall. Ramdam ko na ang pagod ko, at dito ay napapikit ako. Dahil sa pagod ko at dahil sa kagustuhan kong maginhawaan ang pakiramdam ko ay kinalas ko ang tatlong butones ng long sleeve ko, dahilan upang lumantad ang inner tops ko. Wala akong suot na bra kundi tanging ang white inner tops ko lamang. "Hmm.." nakapikit ako habang himas ko ang batok ko. "Mmm.." Hindi ko na alintana ang mga pinaggagagawa ko dahil mag-isa lang naman ako. At kahit malamig ang loob ng elevator ay pakiramdam ko naiinitan parin ako kaya naman bahagya ko nang ibinukas ang white long sleeves ko. Napahawak ako ng aking dibdib, kinapa ko iyon dahil parang namamasa iyon kanina dahil sa pawis. Hanggang sa hawak-hawak ko na ang isa kong dibdib. Nasa ganoong ayos ako, nakapikit at hawak ko ang aking bandera ng bigla na lamang akong napamulat ng aking mga mata ng marinig kong may tumikhim mula sa malapit. "Ehemm.." God! Nanlaki ang mga mata ko habang hawak ko parin ang isang dibdib ko napatingin ako sa kanya, tapos balik, napatingin ako sa sarili ko, tapos tumingin ulit ako sa kanya. Si Sir Ace na hindi ko namamalayan na nasa harapan ko na pala. "You really think you own this place. Umuwi ka sa inyo at doon mo gawin ang bagay na iyan! Masturbate inside the elevator?" sabay turo niya sa dibdib ko na patuloy kong hawak. Mariin akong napalunok. Nanlaki ang mga mata ko. MASTURBATE? "Ahm.. s-sorry po." kaagad na hinila ko ang kamay ko at nagmamadaling ibinalik ang butones ng damit ko nang nanginginig ang kamay ko. "Alam mo bang VIP elevator ang sinakyan mo?" seryosong tanong ni Sir Ace nang hindi tumingin sa akin bagkus ay nakatingala siya sa itaas. Dito muling nanlaki ang mga mata ko. Shocks! VIP pala ang napasukan ko. "S-sorry po Sir Ace, nawala po sa isipan ko. Hindi ko na po napansin. Sorry po talaga." Hinging paumanhin ko ng nakayuko. “First day mo pa lang,” malamig niyang sabi. “Pero para kang laging takot.” Napakurap ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. Eh paano naman kasi hindi ako matatakot? CEO siya. At hindi lang basta CEO—siya si Ace Williams. Iyong klase ng lalaking kahit tahimik ay kayang magpayanig ng buong paligid. “I just don’t want to make mistakes, sir, sorry po,” mahina kong sagot pero nakayuko. Saglit siyang natahimik. Pagkatapos ay.. “Everyone makes mistakes.” Saad niya. Bahagya akong napatingala sa kanya. “But careless people repeat them.” Parang awtomatikong napalunok ako. “Understood?” taas ang isang kilay niya. “O-opo…” Hiyang-hiya ako, first day sa trabaho pero ang dami ko nang kapalpakan at saktong.... TING!!! Bumukas ang elevator at siya ay walang pasintabing naglakad palabas nang hindi na lumingon pa sa akin at ako naman na parang itinulos na mula sa aking kinatatayuan. Pagkasara ng elevator, doon pa lang ako tila biglang binitawan ng mundo. Humawak ako sa gilid ng pader habang pababa ang elevator, pilit pinapakalma ang sarili kong parang takbo nang takbo ang dibdib ko. “Bakit ganito…” bulong ko sa hangin. Hindi ko maintindihan. Kung takot ba ito—bakit parang may init sa loob ng dibdib ko na hindi lang basta kaba? Pagdating ko sa lobby, malamig ang hangin sa labas. Pero kahit ganoon, hindi nito kayang patayin ang init na naiwan sa akin sa loob ng opisina niya. Sa bawat hakbang ko palabas ng building, paulit-ulit sa isip ko ang boses niya. “Don’t disappoint me.” Umalingawngaw parin sa utak ko ang sinabi niyang iyon. Parang simpleng salita lang, pero bakit parang kay bigat niyon? “Ziri!” Napalingon ako. Si Miss Monica na papalapit na may bitbit na folder. “Uuwi ka na?” tanong niya. “O-oo…” sagot ko agad, pero halatang wala sa sarili. Tinitigan niya ako sandali, parang may gustong basahin sa mukha ko. “First day mo pa lang, pinatawag ka na niya sa office niya… at pinaupo ka pa.” mahinang sabi niya. Napalunok ako. “Normal po ba ‘yon?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot. Bahagya siyang ngumiti, pero hindi iyon nakakaaliw. Iyong tipo ng ngiti na may laman. “Sa kanya? Hindi.” Napahinto ako. “Then bakit po—” “Hindi ko alam, pero mag-ingat ka.” putol niya. Tumahimik siya sandali bago idinagdag, mas mahina na parang ayaw niyang marinig ng iba: “Hindi siya basta boss na galit kapag nagkamali ka.” Napalunok muli ako. “Eh ano po siya?” Hindi siya sumagot kaagad sa halip ay inayos niya ang hawak niyang folder at tumalikod. “Yung tipo ng tao na kapag napansin ka niya… mahirap nang bumalik sa dati mong buhay.” Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Parang may malamig na dumaan sa batok ko. Pagkaalis ni Miss Monica, nanatili akong nakatayo sa harap ng building, hindi alam kung uuwi ba ako o babalik. Pero kahit gusto kong umalis, may isang bagay na nakakainis sa sarili ko…hindi ko maalis sa isip ko ang itsura niya kanina. Yung tingin niya. Yung ngiti niya. Yung paraan ng pagsabi niyang “First lesson.” Parang hindi trabaho ang binigay niya sa akin. Huminga ako nang malalim at pilit pinapakalma ang sarili. “Kalma, Ziri,” sabi ko sa sarili ko. “Boss mo lang siya. Trabaho lang ito.” sabay napapabuga sa hangin. Pero kahit ilang ulit kong ulitin iyon… bakit parang mas lalo lang akong hindi naniniwala? Paglabas ko ng building, agad akong sinalubong ng malamig na hangin ng gabi. Wala na si Sir Ace, hindi ko na siya nakita pa paglabas ko. Naglakad ako papunta sa waiting shed habang yakap ang bag ko. Punuan na ang kalsada. May mga busina. Usok. At pagod na mga taong pauwi galing trabaho. Napabuntong-hininga ako. Kahit nakakapagod… masaya pa rin. Kasi kahit paano, mas malapit na ako sa pangarap ko. “Ziri!” Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalake. “ASHER?” Ngumiti agad ako nang makitang kumakaway si Asher mula sa loob ng isang itim na nakaparadang sasakyan. Bumaba siya at siya ay sinalubong ko naman. "It's almost late, nandito kapa sa labas? Anong klase ba ng trabaho ang pinasok mo Ziri?" Tila galit na bungad niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Napalunok ako ng madiin, walang kaalam-alam ang boyfriend ko na nagtatrabaho na ako, na pumapasok na ako sa isa sa mga pinakamalaking kumpanya dito sa bansa. Hangga't maaari ay ayaw ko ng malaman pa niya, dahil sigurado akong hindi niya ako papayagan at ipagpipilitan na naman niyang kaya niyang ibigay ang lahat sa akin. Oo, mayaman si Asher, iyon ang alam ko, iyon ang pagkakakilanlan ko sa kanya, pero never ko pang na-meet ang pamilya niya. Hindi sa ayaw niya akong ipakilala kundi dahil ako mismo ang tumututol dahil natatakot ako na makatanggap lamang ako ng pangungutya dala ng kahirapan namin sa buhay. Ako si Ziri Lorenzo, isang simpleng dalaga. Isang mapagmahal na anak na walang ibang hinangad kundi ang mabigyan ng magandang buhay ang aking Ina. Ilang taon na lang ang bibilangin, makakapagtapos na ako sa kolehiyo. Makakamtan ko na rin sa wakas ang matagal ko ng pangarap at iyon ay ang alisin mula sa kahirapan ang buhay naming mag-ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD