Third Person POV: Nanatiling nakaupo si Ace sa loob ng dilim ng kanyang sasakyan, his piercing eyes fixed on the two figures standing outside. Hindi siya kumukurap, tila ba natatakot siyang may mamiss kahit isang maliit na galaw lamang. Kung maliwanag lang sana. Kung nakikita niya nang maayos ang mukha ng lalaking iyon. Pero dahil nakatalikod ito at natatakpan ng mahinang liwanag mula sa poste, lalo lamang pinapakain ng kanyang imahinasyon ang galit at selos na unti-unting sumusunog sa kanya. Sa isip niya, paulit-ulit na nagre-replay ang eksena. Ang yakap. Ang halik. At ang ngiting ibinigay ni Ziri sa lalaking iyon. The same smile he thought was meant only for him. Who is he? Sino siya? Boyfriend ba niya? Fiancé? Bawat tanong ay parang matalim na kutsilyong dahan-dahang tumatara

