"Bakit nakatulala ka d'yan sa mga papel na hawak mo?" tanong ni Ethan kay Danzel nang magpunta ang pinsan sa opisina niya. Binitawan niya ang hawak at sumandal sa executive chair. "Dumami ang advertisers na gustong kumuha kay Shanaya," tamad niyang sagot. "So? Hindi ba't 'yon ang gusto mo, ang ipakita sa buong mundo kung ano ang mayron s'ya at ang kaya niyang gawin?" "But I am jealous. Baka mawalan siya ng oras sa 'kin. O sa preparation ng kasal namin." "Then, discuss everything with her. Natatakot ka ba talagang mawalan siya ng oras sa 'yo o natatakot kang makuha ng iba ang atensyon niya?" Tumitig siya kay Ethan habang iniisip kung ipagtatapat niya ang totoo. "Okay, fine... I am afraid I will lose her. I have this feeling of possessiveness, and I want to control her. I d

