"Let's grab some food before we go out," suhestyon ni Danzel na pilit hinila ang kamay ni Shanaya para tumayo. "Saan tayo pupunta?" tanong niya. "May isa pa tayong hindi napupuntahan, hindi ba?" Napilitan siyang tumayo at inayos ang sarili. Nakita niya sa salamin ang namumulang mata kaya't nagsuot siya ng eyeglasses at hinayaang nakalugay lang ang buhok. "Paanong bumabagay sa 'yo lahat ng ayos mo?" nakangiting wika ni Danzel na nakasandal sa dingding at pinagmamasdan siyang mag-retouch ng manipis na makeup. Hindi siya umimik. Hinawakan nito ang kamay niya nang palabas sila sa silid para kumain ng tanghalian sa komedor. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya si Danzel na may pupuntahan. Sa isang saradong building sa Pasay ang tinungo nila; ang dating opisina, boutique, at wareho

