Kinabukasan ay maagang nagising si Shanaya dahil masama ang pakiramdam. Nag-alala naman si Danzel at nataranta kung ano ang gagawin. "Is this the first time? May puwede ka bang inumong gamot? How do you feel?" sunod-sunod nitong tanong. Wala naman siyang maisuka dahil wala pa siyang kinakain. "Just hand me the towel, please..." pakiusap naman niya. Nang matapos siya sa pagduduwal ay nanghihina siyang naupo sa kama. "Huwag ka na munang umuwi sa inyo. I have a merting at eleven, but I'll be back right away." "No," agad niyang tanggi. "Ayokong maiwan dito mag-isa." "Hindi ka mag-isa. May katulong akong magbabantay sa 'yo at nand'yan din si Mommy." "Sa bahay na lang ako ni Mama, Danzel. Ihatid mo na lang ako doon. Maaga pa naman, makakapasok ka kaagad sa opisina." "No, sweetheart. Un

