Napakapit na si Shanaya kay Danzel habang pababa sila sa hagdan. Hindi niya tiyak kung ilang pinsan at kapatid nito ang naroon pero puno ang living room. Ang iba ay natanaw niya na sa dining room. "Okay, Danzel, introduce your fiancée to everyone," wika ni Ethan niya na noong una sa opisina ng Albano Corp. "Hi, everyone, meet my wife-to-be, Shanaya Ricafort. Just a warning, she's pregnant." "Hi! I'm Anikka, Jayzee's wife." Inilahad niya ang kamay pero bumeso ito sa halip na nakipagkamay. Sumunod naman ang ibang mga pinsan nito at isa isang lumapit sa kanya. She barely remembers them all. Na-overwhelm din siya sa dami ng pinsan nito. Lahat nga talaga ay magagandang lalaki at magagandang babae. Walang itulak kabigin, ika nga. And despite the wealth the family possessed, the

