bc

[RECKLESS SERIES #1] TRAGIC REVENGE/SPG

book_age18+
227
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
possessive
arranged marriage
dominant
drama
twisted
bxg
city
cheating
reckless
like
intro-logo
Blurb

**Girl Power - Ang Desperadang Asawa**

Ang pamilya ni Sheila Mae Recto ay nagtrabaho para sa Campbell. Isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Para makapagtapos siya ng pag-aaral, at makahanap siya ng magandang trabaho. Siya ay isang simpleng babae na may simpleng pangarap. Nais niyang mabigyan ng komportableng buhay ang kanyang mga magulang.

Biglang nagbago ang buhay niya. Isang kasunduan sa pagitan ng kanyang pamilya at ng mga Campbell ang ginawa. Siya ay ipinangako na pakasalan ang panganay ng Campbells.

Iniisip ng bawat babae na siya ay masuwerte, hindi nila alam na siya ay miserable sa mga bisig ng kanyang asawa.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:
AUTHORS NOTE: This is a work of fiction. Names , characters, businesses, places events and incidents are either products of the author’s imagination. Any similarity to real persons, living or dead or actual events is purely coincidential. Plagiarism is a crime: PROLOGUE: “A-anong ibig sabihin nito, H-Hendrix?” nauutal kong tanong kay Hendrix. Nang makita kong may inuwi siyang babae rito sa bahay. Agad naman akong ginapangan ng kaba at biglang nanginig ang aking katawan. Akala ko ay maayos na kaming dalawa at umaasa ako na balang araw ay magiging maayos rin ang pagsasama namin. Pero mali ako, at ako lang ang umaasa na magkaayos kami. “Dito na titira si Ashley, at ikaw na ang bahala sa kanya. Lahat ng mga kailangan niya pakibigay, lahat sa kanya. Dahil ayaw kong mapagod siya,” malamig niyang sagot sa akin. “B-bakit?” mahina ko namang tanong sa kanya na parang ako lang ang nakarinig. Hindi ako handa sa susunod niyang sasabihin. Kahit alam na ko na ang kanyang isasagot ay iba pa rin kapag nanggaling sa kanyang mismong bibig. “Anong, bakit? Can’t you see she’s pregnant? And I am the Father of the child she’s carrying.” Inis niyang sagot sa akin. Para akong sinaksak ng isang libong beses sa ‘king dibdib. Pa palit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa ng babae niya at nanghihina ang buo kong katawan dahil sa kanyang mga sinabi. ‘Di na rin niya hinintay pa na sumagot ako ay agad na siyang tumalikod sa ‘kin, kasama ang kanyang babae. Alam kong hindi maganda ang pagsasama namin dahil sa pamimilit ng kanyang Ama sa kanya na pakasalan ako. Pero kahit malaki ang galit niya sa akin ay nirerespito niya pa rin ako. At hindi ko akalain na aabot kaming dalawa ni Hendrix sa ganitong sitwasyon. Hindi niya lang ito basta babae ang inuuwi niya rito sa condo. Kundi ito rin mismo ang magiging Ina ng anak nila. Ang sakit-sakit. Nangangatog ang mga tuhod kong umupo sa sahig at ‘di ko na rin mapigilan ang mapahagulgol ng iyak. Bakit niya nagawa sa akin ito? Ano bang ginagawa kong mali? Bakit ako umabot sa ganito? Alam niya kong gaano ko siya kamahal kahit ganyan siya. Kahit lagi niya akong inuutusan at sinisigawan. Sinusunod ko pa rin lahat ang gusto niya para ‘di lang siya magalit sa ‘kin. Kahit pinapahirapan niya ako araw-araw sa paglilinis ng bahay ay ginagawa ko kahit kalilinis ko lang. Ginagawa ko ang lahat para mapansin n’ya ako at para mahalin n’ya rin ako gaya nang pagmamahal na binigay ko sa kanya. Kahit sobrang sakit na ay tinitiis ko ang lahat dahil gano’n ko siya kamahal. Pero kahit anong gawin ko ay ‘di n’ya pa rin ako kayang mahalin. Ano ‘yung mga kabutihan ang pinapakita n’ya sa ‘kin at pagmamalasakit? Lahat ba ‘yun ay palabas n’ya lang? Pero bakit? Akala ko no’n ay mahal niya na rin ako dahil sa kabaitan niyang pinaparamdam sa ‘kin. At umaasa ako na maayos namin ang pagsasama naming dalawa. Pero pinaasa n’ya lang ako. O ako lang itong nag-assume na mahal n’ya na rin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong-gulo na ako. Alam kong may karapatan ako dahil ako ang tunay na asawa. Pero ano naman ang laban ko sa babae n’ya kung nakikita kong masaya siya at magiging ama pa. ************** Kinabukasan ay maaga akong nagising. Magluluto ako ng almusal namin ni Hendrix. Pagkalabas ko ay may narinig akong ingay at kalampag ng plato at kutsara sa kusina. Dali-dali akong pumunta ng kusina dahil baka gising na si Hendrix. Pero laking pagka-dismaya ko ng maabotan ko sila ng babae n’yang masayang kumakain sa hapag habang naghaharutan. “Good morning, kain kana,” magiliw na bati sa ‘kin ni Ashley. Tumango ako at ngumiti naman siya sa ‘kin. Bahagya ko namang sinulyapan si Hendrix pero nagpatuloy lamang siya sa pagkain. Napabuntong hininga na lang ako at kumuha ng tasa upang magtimpla ng kape. Pagkatapos kong magtimpla ay agad akong umupo sa kabilang side ng upuan kung saan ay katabi ko si Hendrix habang napapagitnaan namin siya ni Ashley. Sumandok na ako ng kanin at ulam. Pagkatapos ay agad ko naman itong isinubo pero hindi pa ako nakakanguya ng biglang humilab ang tiyan ko. “Masarap ba? Ako ang nag-luto niyan,” rinig kong sabi ni Ashley, kaya’t napatingin ako sa kanya. Napatango na lang ako. Pero ang totoo ay nasusuka ako at napapansin ko rin ang madalas kong pagsusuka kahit wala naman akong sinusuka kundi puro tubig lang. “Okay, ka lang ba? May gusto kabang, kainin? Ipagluluto kita.” Dagdag pa niya na agad ko namang inilingan. “H-huwag na. Salamat.” Matamlay ko namang sagot. Sinulyapan ko si Hendrix sa aking tabi at nakita kong kumunot ang noo nito. Napayuko na lamang ako dahil ‘di ko kayang salubungin ang kanyang mga matang mariin ang pagkakatitig sa ‘kin. Tumikhim siya at agad na tumayo. “Tapos kana ba, babe?” tanong ni Ashley sa kanya. Napatunghay naman ako sa kanilang dalawa. Seriously, babe? At talagang sa harap ko pa! Kunot noo ko siyang tiningnan at nag-iwas naman siya ng tingin sa ‘kin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Gano’n na ba ako ka walang halaga sa kanya? At bakit sa harap ko pa? Hindi man lang nila ako binigyan ng kahihiyan. Alam kong, magkatabi silang dalawang natulog sa kabilang kwarto. Dahil ‘di ko naramdaman na pumasok siya kagabi sa silid namin. Wala siyang binitawang salita at agad na siyang tumalikod palabas ng kusina. Sumunod naman sa kanya si Ashley, at iniwan nila akong mag-isa rito sa kusina habang nakatulala. Hindi ko na ginalaw ang pagkain ko at ang kape ko naman ay malamig na. Hindi man lang ba niya ako kakausapin? Wala ba siyang balak na magpaliwanag? Hindi man lang ba niya ako tatanungin kung okay, lang ba sa akin na dito tumira si Ashley? Asawa niya pa rin ako at may karapatan ako sa pamamahay na ito. Ano ba ang gusto niya. Na mikita niya akong gumagapang sa putik? At doon lang ba siya titigil kapag sumuko na ako? Bakit kailangan niya pa akong saktan. Bakit kailangan pa niyang mag-uwi ng babae rito sa bahay! At ako pa ang kailangan na mag-alaga sa babae niya, habang dinadala nito ang magiging anak nila! Hindi ko naman responsibilidad na alagan sila samantalang ako ang naghihirap. Sobra na ‘to. Respituhin naman niya sana ako, dahil ako pa rin ang asawa niya. Nasasaktan ako sa mga pinaggagawa niya. Sobrang sakit na at ‘di ko na alam ang gagawin ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
104.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
76.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
161.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook