Bulong-bulungan sa opisina ang sabay naming pagpasok ni Fynn. Balewala naman iyon sa katabi ko na para pa ngang proud ipangalandakan sa lahat ng mga empleyadong naroroon na kasabay niya ako sa pagpasok. At dahil nahihiya ako sa mga palihim na kantiyaw sa’kin ng mga marites kong kasamahan na pinamumunuan nina Atasha at Lina, nagkulong ako sa loob ng opisina ni Fynn. Inabala ko ang sarili sa kahit anong trabahong maaari kong gawin. Hinayaan ko lang din ang presensiya nina Lina at Atasha na pasimpleng pumupunta sa may gawi ng table ko para lamang mangantiyaw. Ang mga bruha, napakaraming oras mang-asar sa’kin! Sumapit ang oras ng tanghalian na hindi ako umaalis sa harapan ng aking table. Nahihiya akong lumabas ng opisina dahil alam kong aasarin na naman ako nina Atasha at Lina. “Delivery!

