Chapter 27

1170 Words

Matapos maging instant mommy sa dalawang batang nangangarap na maging anak ko, sa wakas ay nag-aya na rin si Leo na umuwi. Naaawa ako para kay Leonardo dahil gustong-gusto niya talaga na dumito na lang, pero hindi siya pinaboran ng kaniyang ama. Nauunawaan ko naman si Leo sa dahilan niya gayon na rin sa kaniyang paghihigpit. Dapat lang dahil siya ang ama! Kahit siguro naman ako ay ‘di ko pipiliing malayo mula sa aking anak. Nangako na lang ako kay Leonardo na pupuntahan ko siya sa bahay nila bukas pagkatapos ng aking trabaho. Siyempre abot langit naman ang ngiti ni Leo dahil susunduin niya ako sa opisina. Bagay na tinututulan sana ni Fynn dahil siya na lang daw ang maghahatid sa ‘kin kay Leonardo. Dahil sa taglay kong kagandahan, naisip kong piliin na lamang ang magpasundo kay Leo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD