Matapos kong magluto ng spaghetti para sa dalawang batang gustong maging instant anak ko, pinakain ko na rin iyon sa kanila. Palagay ko ay nasarapan naman sila dahil hindi na maalis-alis ang kanilang mga ngiti sa labi. Tunay ngang nakakawala rin ng pagod. Walang ibang ginawa ang dalawang bata kundi ang maglaro nang maglaro kahit ngayon pa lamang sila nagkakilala. Akala mo’y matagal na silang magkaibigan na nagkahiwalay lamang ng landas at muli na lang nagkita. “Mommy, pwede bang dito na lamang ako tumira?” maya-maya’y tanong sa akin ni Leonardo. “Hindi pwede!” walang pag-iisip kong sagot. Ang masayang bakas ng mukha ni Leonardo ay unti-unting lumungkot at kapagkuwa’y lumabi na animo'y iiyak na sa anumang sandali. Napapabuntonghiningang yumukod ako upang magtagpo ang aming mga mukha

