Walang nag-give way kina Fynn at Leo dahil mas pinili nilang maggirian sa loob ng elevator. Sa sobrang bwisit ko, iniwanan ko silang dalawa roon. "Margherita!" Hindi ko nilingon ang pagtawag nila sa aking pangalan dahil naiinis ako sa kanilang dalawa. Imbes na bumalik sa trabaho, tuluyan na lamang akong lumabas ng gusali. Humabol sa'kin sina Fynn at Leo. Kapwa sila humawak sa magkabilaan kong kamay. "Let's get inside!" ani ni Fynn. "Sa'kin ka na sumama Margherita, iuuwi na kita para magkita na kayo ni Leonardo," wika naman ni Leo. Nahihilo na naman ako sa pagbaling ng ulo ko sa kanilang dalawa kaya ipinikit ko ang mga mata ko upang ikalma ang sarili. Ilang segundo muna akong humitit buga ng hangin saka binuo ang isang desisyon. Tinabig ko ang kanilang mga kamay na parehong nakaha

