“Saan tayo pupunta?” tanong ko kay Leo nang makasakay na kami sa loob ng kaniyang sasakyan. “Kay Leonardo,” nakangiti niya namang tugon. Magkatabi kaming nakaupo sa may backseat at halos gahibla lamang ang pagitan naming dalawa. Napansin ko ang sugat niya sa noo na nagdurugo pa rin ngunit hindi na katulad kanina na grabe ang pagpatak mula roon. Hindi pa rin nalalapatan ng lunas ang kaniyang sugat at sa pakiwari ko ay malapit na rin iyon mag-infect kung hindi pa tuluyang malalagyan ng gamot. Natuon ang mga mata ko sa kaniyang mukha. Taimtim siyang nakatitig sa akin na para bang may kung anong duming nakadikit sa mukha ko. Pakiwari ko'y biglang lumamig ang loob ng sasakyan kahit pa kapapagana lamang ng aircon. Bumukas ang pintuan sa may driver seat at umupo roon ang lalaki na tumingi

